. . . ⇢ 72 ˎˊ˗

133 11 1
                                    

"give her some time, hyung."

napabuntong hininga na lang si heeseung at tumango. kahit naman anong pilit niya, hindi sasabihin ni sunghoon kung nasaan si julie at naiintindihan niya naman 'yon kasi sino ba naman siya di'ba? hito lang siya.

charot.

"SI HERA!!"

ang lahat ay gulat na napatingin kay joy nang bigla itong lumabas mula sa kwarto ni hera. nandito kasi sila ngayon sa waiting area habang sila francine at joy lang ang nasa loob.

si ni-ki? bumaba lang siya para bumili ng maiinom pero ngayong kakarating niya lang at dahil sa sigaw ni joy ay kaagad niyang ibinigay kay heeseung ang dala niyang tubig at pumasok sa loob ng kwarto.

nagsunuran na rin ang iba at doon ay nakita nila si ni-ki na yakap-yakap si hera, gising na ito. nagulat ng bahagya si hera sa ginawa ni ni-ki pero unti-unti din siyang napangiti saka niyakap si ni-ki pabalik kahit nahihirapan siyang igalaw ang braso niya.

"h-hera.."

hera blinked. marinig niya pa lang ang pag-crack ng boses ni ni-ki ay parang iniipit na ang puso niya. humiwalay si hera mula sa pagkakayakap kay ni-ki at hinarap ito sa kanya, doon ay bumungad sa kanya ang umiiyak na si ni-ki.

para itong batang nawala at ilang taon ding hindi nakita ang ina, ganun ang itsura ni ni-ki sa mga oras na 'to. dahan-dahang inabot ni hera ang mukha nito pero napaaray lang siya, pakiramdam niya wala na siyang sapat na lakas para gumalaw.

"h-hera!?" nanlaki ang mga mata ni ni-ki nang bigla na lang bumagsak si hera sa kanyang dibdib. nagsimula siyang magpanik. "t-tumawag kayo ng doctor! please..! p-please.."

agad tumakbo si heeseung palabas ng kwarto kasama si sunoo para tawagin ang doctor. hindi rin nagtagal ay dumating na sila at sinabihang lumabas muna ng kwarto para i-check ang lagay ni hera.

ayaw pa nga ni ni-ki lumabas dahil ayaw niyang iwan si hera at gusto niya siya ang una nitong makita sa muli nitong paggising. pero hinila din siya nila jake palabas kahit labag 'yon sa kalooban ni ni-ki.

"ni-ki.."

he sobs, nag-angat siya ng tingin sa mga kaibigan niyang malungkot na nakatingin sa kanya. "m-magiging ayos siya, r-right..?"

kaagad umupo si jake sa tabi ni ni-ki at niyakap ito ng mahigpit. hindi niya sinagot ang tanong ni ni-ki, walang sumagot sa tanong ni ni-ki dahil maging sila ay hindi din sigurado sa kahahantungan ni hera.

pero lahat sila ay umaasang magiging okay din ang lahat.

-♡️-

charlotte
@chrlttcakes

sunghoon
hera is not okay

charlotte
hindi pa rin siya gumigising?

sunghoon
she woke up earlier but now her condition is still not stable

charlotte
oh

sunghoon
aren't you going home?

charlotte
uuwi?

sunghoon
kahit para kay hera lang

charlotte
im sorry hoon, gustuhin ko man pero hindi pa siguro ngayon. i still have a lot to do here

-♡️-

bakit parang may nag-iba?

hindi pa rin tapos si sunghoon sa pag-ooverthink niya about sa kanila ni charlotte at hindi mo rin siya masisisi. hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya, pero feeling niya may nag-iba sa charlotte na minahal niya.

"what are you doing here?"

nabalik sa sariling wisyo si sunghoon nang marinig niya ang boses na 'yon. napatingin siya sa pinanggalingan non, doon ay nakita niya si cyril at ang isang unfamiliar na lalaki.

"i'm here to pick you up. they are looking for you, they want to see their daughter-in-law."

napakunot ang noo ni sunghoon sa kanyang narinig pero nanatili lang siya sa kanyang pwesto.

"i told you, i'm not your wife and i never married you- ano ba!"

naalarma si sunghoon nang makita niya kung paano lumapit ang lalaki kay cyril at buhatin ito. patuloy lang sa paghampas si cyril sa lalaki at bago pa ito makahakbang ay kaagad na siyang sinuntok ni sunghoon.

muntik na ma-out of balance ang lalaki at naging dahilan 'yon para makaalis si cyril mula sa kanya saka dali-daling nagtago sa likuran ni sunghoon. napatingin naman ang lalaki kay sunghoon at maangas na napangisi.

"are you jake, my wife's boyfriend?" hindi sumagot si sunghoon at natawa naman ang lalaki saka mayabang na lumapit kay sunghoon. "dude, i'm her husband and i'm going to take her away from you."

"try me." hindi malakas ang pagkakasabi ni sunghoon non pero ang tono na 'yon ay nakakatakot.

pero hindi tinablan ang lalaki at pasimpleng kinuha ang baril mula sa kanyang bulsa. pinaikot-ikot niya 'yon sa kanyang darili na parang laruan at ngumising parang demonyo bago itinutok kay sunghoon ang baril.

nanlaki ang mga mata ni cyril nang makita niya 'yon at akmang aalis mula sa likuran ni sunghoon para pigilan ang lalaki nang mahigpit siyang hawakan ni sunghoon sa braso. napatingin siya sa binata at sa baril na nakatutok dito pero parang wala lang kay sunghoon 'yon.

kahit kaunting takot ay walang makikita kay sunghoon. bagkus, pasimple niya lang kinuha ang baril at itinapon 'yon bago pa mahila ng lalaki ang gatilyo. natulala ang lalaki at si cyril.

"fake gun, really? ano ka bata?" walang emosyon ang makikita sa mukha ni sunghoon pero ang tono ng pananalita nito ay nang-aasar.

parang nabunutan ng tinik si cyril nang marinig niya mula kay sunghoon 'yon. muli siyang napatingin sa baril na mukhang totoo at hindi niya alam kung paano nalaman ni sunghoon na peke ang baril na 'yon.

"w-what.."

napailing-iling ang lalaki at hindi na nagsalita. sapilitan niyang kinuha si cyril mula sa likuran ni sunghoon pero bago pa niya mahawakan si cyril ay kaagad na siyang napalayo dahil sa malakas na pagkakatulak ni sunghoon sa kanya.

hindi na siya nilingon ni sunghoon at kaagad hinila si cyril paalis doon, iniwang galit na galit ang lalaki- si victon lee. and yep, magkapatid sila ni damon at ang dalawang 'yan ay magaling lang manakot pero wala namang ibubuga.

napakuyom ang kamao ni victon at matalim na sinundan ng tingin sina cyril. "makukuha din kita cyril lee."

-♡️-

📞 cupcake 🍥❤️ is calling
answer | decline

ringing

.

.

.

.

.

.

.

call ended !

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon