. . . ⇢ 73 ˎˊ˗

211 11 5
                                    

hindi madaling matakot si sunghoon.

pero iba ang takot na nararamdaman niya kapag isa sa mga mahal niya sa buhay ang nasa panganib.

"saan pupunta si sunghoon hyung?" naiwang nagtataka si sunoo matapos niyang makita ang pagmamadali ni sunghoon.

hindi sumagot si cyril na hinatid ni sunghoon kila francine na nasa waiting area pa rin after ng nangyari. napatingin lang ang dalaga kay jake na patuloy ang pag-aalo kay ni-ki. lihim siyang napabuntong hininga saka umupo sa tabi ni sunoo.

magtatanong pa sana si sunoo nang matigilan siya sa sinabi ni heeseung. "si jay?"

otomatikong napatingin si sunoo kay joy dahil doon, pansin din niyang nakatingin ang lahat kay joy maliban kila ni-ki, jake at cyril. natameme si joy, hindi niya alam ang isasagot.

well, hindi niya talaga alam dahil hindi na sila nag-uusap. saka for sure, kahit gusto ni joy makipagkita kay jay ay itataboy lang siya nito dahil hindi pwede. hindi sila pwedeng magkita kung ganon pa rin ang tingin nila sa isa't-isa dahil hindi dapat ganon ang magkapatid.

napabuntong hininga si joy saka umiling. matapos non wala na muling nagsalita at nabalot silang lahat sa nakakabinging katahimikan.

-♡️-

"yang jungwon."

"please?" nakikiusap ang mga mata nito, ganun na din ang boses niya pero umiling lang ang lalaki.

"no. distractions. no. girlfriend." madiin nitong sagot saka tuluyang lumabas ng dorm habang dala ang phone ni jungwon.

parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura ni jungwon dahil ang kinatatakutan niya ay nangyari na, hindi na niya natago pa. gusto niya magalit at sigawan ang manager nila pero hindi pwede.

first of all, wala siyang karapatan magalit sa manager nila dahil ginagawa lang nito ang kanyang trabaho. saka malinaw na nakalagay sa kontratang pinirmahan niya na kung magiging trainee siya ay dapat single siya at walang anumang bagay na magiging sagabal.

mahirap maging trainee at malalayo ka sa lahat kahit sa sarili mong mga magulang. ilang months lang naman ang training nila at after non mamimii na ng siyam na lalaki na id-debut kaya kailangan sa training ay ibigay nila ang buo nilang atensyon.

katulad lang 'yan ng parents. dahil sa kagustuhan nila na makapagtapos ka ng pag-aaral at para magkaroon ka ng magandang kinabukasan, inilalayo ka nila sa lahat ng bagay na posibleng makasagabal sa'yo. specially sa mga strict parents.

"i can't defend you, bro. sorry."

tanging tango at pilit na ngiti lang ang nagawa ni jungwon. ayaw niya na magsalita, mas namomoblema siya ngayon kung paano niya matatawagan si francine at sasabihin ang nangyari.

at mas lalong hindi niya alam kung anong mga susunod na mangyayari na maaaring makaapekto sa relasyon nilang dalawa.

-♡️-

jungwon
@shpgarden

francine
pres?

francine
jungwon?

francine
yoho tao po? may tao pa po ba?

francine
pakigalaw ng baso kambing ka!

francine
jungwon?

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon