Prologue

39 1 0
                                    

TIME

"Cheers!" sigaw ni Play habang hawak nito ang basong may lamang alak. Nakailang inom na rin siya kaya kita ko ang tila pagewang-gewang niyang mga galaw.

Kasabay ng malakas na musika at mga ilaw na animo'y nang-iingganyo ay napapaindak siya.

"Ai'Play, tama na 'yan. Lasing ka na." saway ko sa kaniya at pilit na kinukuha ang hawak nitong baso.

"Time, hindi pa ako lasing. Gusto ko pang uminom." anito na bahagyang inilapit ang kaniyang mukha.

Napakamot na lamang ako ng aking ulo dahil tila ba'y ayaw nitong magpaawat.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Marahil labis siyang nasaktan dahil sa hiwalayan nila ni Jane. Nakita ko kung gaano niya ito kamahal kaya ganoon na lang ang kaniyang hinagpis nang makipaghiwalay ito sa kaniya.

Bilang kaibigan, nais ko lamang siyang damayan. Pero hindi sa ganitong paraan. Kilala ko si Play, hindi siya umiinom ng alak. Unang beses itong nangyari kaya hindi ko maiwaksing hindi mag-alala sa kaniya.

"Uminom ka pa." sabi pa nito sabay bigay sa akin ng hawak niyang baso.

Dahil nga sa lasing na siya, kaya kinuha ko iyon at ininom. Pang-apat na baso na iyon. Hindi rin ako sanay uminom ng alak kaya ramdam ko ang pag-init at pamamanhid ng magkabilang pisngi ko.

Sinundan pa iyon ng isa, dalawa, tatlo at apat na baso. Tingin ko, umiikot na rin ang buong paligid. Pero kaya ko pa at matino pa rin ang pag-iisip ko.

Subalit si Play, hindi na makatayo dahil sa labis na kalasingan.

"Play! Play!" sambit ko sa kaniyang pangalan ngunit hindi na ito sumasagot.

Inikot ng aking mata ang kabuuan ng bar at nagbabakasakaling may kakilala ako na siyang tutulong sa akin sa pagbubuhat kay Play papuntang sasakyan.

"P'Khrap, puwede bang magpatulong? sabi ko sa lalaking dumaan sa aming harapan.

"Ano 'yon?" tanong ng lalaki nang tumigil ito.

"Magpapatulong sana ako, P', na alalayan  ang kasama ko. Lasing na lasing na kasi siya." sabi ko rito. Hindi ko naman masyadong maaninagan ang kaniyang mukha dahil sa medyo may kadiliman at mga ilaw na patay-sindi.

Agad niyang kinuha ang kamay ni Play at inalalayan itong lumabas samantalang sumunod naman ako sa kanila.

Pagdating sa lugar kung saan nakaparada ang kotse ni Play ay agad siyang ipinasok ng lalaki sa loob ng sasakyan.

"Khaawp khun khrap." sabi ko sa lalaki pagkatapos.

"Khrap." agap nitong tugon. "Sinong magmamaneho ng sasakyan?" tanong naman nito pagkatapos.

"Ako!" mabilis ko ring sagot.

"Pero -."

"Kaya ko pang magmaneho. Huwag kang mag-alala." sabi ko sa lalaki. "Salamat ulit." saad ko pa rito bago pumasok sa driver's seat.

Nang isara ko ang pinto ay napatingin pa muna ako kay Play na tila ba'y mahimbing nang natutulog. Napatitig ako sa kaniyang mukha.

Anim na taon na kaming magkaibigan. Anim na taon ko na rin siyang lihim na nagugustuhan. Anim na taon na akong nagpapanggap na kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Ayaw kong malaman niya ang totoo dahil baka iwasan niya ako. Minabuti kong ilihim ang lahat kahit pa magkunwari ako sa aking sarili at lokohin ang sarili kong damdamin. Iyon lang ang alam kong paraan para hindi masira ang aming samahan.

Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at pinatakbo ito pauwi ng aming condo. Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami. Inalalayan ko siya paakyat ng hagdan. May kabigatan ngunit hindi ako sumuko hanggang marating namin ang tapat ng aming kuwarto.

Pagpasok namin ng silid, ay pabagsak kaming nahiga sa kaniyang kama. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang kama ko.

Saktong tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila, dahilan para matumba ako sa kaniyang harapan. Halos magkadikit na ang aming mga mukha. Ramdam ko na ang kaniyang hininga. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nakatitig ako sa kaniyang maamong mukha.

Shiaaa!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang biglang pag-init ng buo kong katawan. Alam kong dahil ito sa alak na nainom ko. Nais kong pigilin ang aking sarili, ngunit ang emosyon ko'y tila nagliliyab.

Hanggang.......

Hinalikan ko siya sa labi. Mayamaya'y kumalas ako pero hindi rin nagtagal at muli ko siyang hinalikan. Ngayon, ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang bibig. Indikasyon na tumutugon siya sa mga halik ko. Naging mapusok ako at tuluyan na akong kinain ng libog.

Maaalab na halik ang pinakawalan namin pareho. Dinig ko ang mala-musika niyang mga ungol na lalong nagpasiklab sa akin.

Ilang saglit lang ay pareho na kaming walang mga saplot. Hindi na namin napigilan ang pagliyab ng buong silid.

"Aahhh!" mga munting tinig na aming binibigkas habang inaangkin namin ang isat-isa.

Mainit, mapangahas, nagliliyab pero walang kapantay ang sarap at ligaya na aking nadarama.

Hindi ko alam kung saan patutungo ang tagpong ito. Ang tanging alam ko lang ay sumusunod lamang ako sa ritmo ng aming mga indayog.

To be continued.................

Note: Episode 1 will be uploaded after Summer Memories. Drop your comments below.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now