Episode 2 (1/4)

5 0 0
                                    

Title: PlayTime Series
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                        EPISODE 2 (1/4)

PLAY

Ilang saglit lang ay dumating na rin sina Time at Phob. Nagtaas ng kamay si Sib at sabay tawag sa kanila. Samantalang saglit lamang akong napatingin sa mga ito.

“Happy birthday, Sib.” bati ni Time kay Sib at sabay tapik sa balikat nito.

“Thanks, dude.” tugon ni Sib.

“Happy birthday.” bati naman ni Phob kay Sib.

“Thanks.” nakangiting saad ni Sib dito.

Agad na inalok ni Sib ang dalawa ng inumin na agad din naman nilang tinugon. Lihim akong napasulyap kay Time at nakita kong panay ang tingin nito kay Phob.

“Let’s enjoy tonight.” malakas na sabi ni Sib sabay taas ng kaniyang baso.

“Cheers!” sabay naming tugon sa sinabi niya.

Patuloy na nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil nakailang basong alak na rin ako bago pa dumating sina Time at Phob.

Mayamaya ay may lumapit na dalawang magagandang babae at tumabi sa amin ni Sib.

“Hi!” malanding sabi ng isang nasa tabi ko. Tinitigan ako nito ng malagkit.

“Hello!” tugon ko rito at nginitian ko siya ng tila may kalagkitan din.

Well, hindi lang siya maganda kundi ubod pa ng sexy. Sa suot ng mini-skirt at damit na halos labas na ang kaluluwa ay tiyak mapapa-wow ka.

“I’m Moe, and you are?” nang-aakit na sabi niya.

“Play.” pagpapakilala ko sa aking sarili at sabay abot ng kamay ni Moe. Nagkatitigan kaming dalawa at nakita ko ang mapang-akit niyang mga titig.

“Puwede ba tayong sumayaw?”

“Sure!”

Tumungo kami sa gitna at sumayaw. Halos idikit ni Moe ang mala-bulkang dibdib nito sa akin habang sumasayaw. Siyempre, sino ba namang lalaki ang hindi gaganahan gayong halos ihain na ito sa kaniyang harapan?

Ngunit nang tumingin ako sa aking mga kaibigan ay nakita kong tila nag-eenjoy si Time habang kasama si Phob. Biglang kumunot ang noo kong pinagmasdan sila at tila ba hindi ko napansin ang kasayaw ko ngayon.

TIME

Paminsan-minsan lihim akong napapatingin sa gitna kung saan nagsasayaw sina Play at Moe. Pansin ko ang paglalanding ginagawa ng babae na sa tingin ko naman ay gustong-gusto ni Play. Sa simula pa lang, alam kong babae na ang gusto niya at malabong magkakagusto siya sa akin.

Mayamaya ay huminto ang musika dahilan para bumalik sina Play at Moe sa aming table.

“Magandang gabi sa lahat.” bati ng isang lalaki sa gitna. Kung hindi ako nagkakamali, miyembro ito ng banda na magpe-perform ngayong gabi. “Maraming salamat sa pagpunta ngayon dito. Hinding-hindi namin sasayangin ang inyong gabi. Bago tayo muling mapapaindak, maghahandog muna ang aming grupo ng iilang kanta para sa mga lovers na andito ngayon. Pero siyempre nais kung ipakilala sa inyo ang aming lead vocalist, ang ultimate heartthrob ng stage, walang iba kundi si Phob.”

Nagulat kaming lahat nang marinig namin iyon. Napatingin naman ako kay Phob.

“Singer ka, dude?” halos hindi makapaniwalang tanong ni Sib.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now