Episode 4 (3/4)

5 0 0
                                    



PLAY

            Simula nang bumalik si Time ay madalang ko lamang naririnig ang kaniyang boses. Napansin ko rin ang tila pag-iiwas na ginagawa nito sa akin. Bagay na ikainis ko naman.

            “Puwede ba tayong mag-usap?” seryoso kong tanong sa kaniya habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.

            “Tungkol saan?’ balik niyang tanong sa akin.

            “Ano bang problema? Bakit iniiwasan mo ako?”

            Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. “Hindi kita iniiwasan. Pagod lang ako.” pagkuwa’y tugon niya.

            Kilala ko siya. Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.

            Nilapitan ko siya sa kaniyang kama. “Puwede ba, Time, huwag mo akong lokohin?” kumunot ang noo kong tinitigan siya.

            Napalunok siya at kapagkuwan ay nag-iwas ng tingin. “A-Ano bang pinagsasabi mo?” nauutal nitong tanong.

            “Kilala kita. Alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo. Alam kong iniiwasan mo ako.”

            “Ai’Play, nagkakamali ka.”

            Hinawakan ko ang kaniyang braso. “Time, anim na taon tayong magkaibigan. Alam ko kung hindi ka nagsasabi ng totoo. Iniiwasan mo ako.” inis kong wika rito.

            “Play, nasasaktan ako.” reklamo niya dahil may kahigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso.

            Napaluwag naman ang pagkakahawak ko rito ngunit hanggang ngayon ay matalim pa rin ang pagkakatitig ko sa kaniya. Napansin ko ang biglang pamumula ng kaniyang pisngi. Pilit man nitong iwasan ang mga titig ko ay tila hindi nito magawa.

            Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at bigla ay mariin ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Pilit siyang umiiwas sa mga halik ko ngunit pilit ko namang idinidiin sa kaniya ang aking bibig. Hanggang……mayamaya ay nararamdaman kong tumutugon siya sa mga halik ko.

            “Di ba sabi ko, kaya kong gawin ang mga bagay na magpapasaya sa’yo?” wika ko nang bitawan ko siya.

            Napatigil siya at bahagyang napalunok. “Hindi mo ako naiintindihan.” aniya sa malungkot na tinig.

            “Time, kahit paulit-ulit ay nakahanda akong gawin iyon. Huwag mo lang akong iwasan. Ayaw kong mawala ka sa akin.”

            Lumungkot ang kaniyang mukha at napayuko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at dahan-dahang inangat ang kaniyang mukha. Bahagya kaming natigilan nang magkasalubungan ang aming mga mata.

            Ilang saglit lang ay mariin ko na naman siyang hinalikan. Tumugon din naman siya kaagad. Naging maalab ang mga halik namin sa isa’t isa hanggang hindi na namin napigilan ang aming mga sarili at tuluyang nagliyab ang kabuuan ng aming silid.

            Pakirandam ko napakainit at tila nakakapaso. Ngunit hindi ko puwedeng ipagkaila ang kaligayahang hatid niyon sa akin lalo na sa bawat halik na binitiwan ni Time. Sa tuwing dumadampi sa akin ang malalambot niyang bibig ay tila ba nababaliw ako sa labis na sarap.

            Yes! Sa ikalawang pagkakataon, muli naming inangkin ang bawat isa at aminado akong walang pagsisisi akong nadarama. Buong laya akong tumugon at nagpaubaya sa kaniya.



TIME

            Isang malalim na hininga ang aking ginawa habang nakahiga kami pareho ni Play sa aking kama. Napatingin ako sa kaniya habang nakatingin ito sa kisame.

            Mayamaya ay lumingon siya sa akin. “Nag enjoy ka ba?” nakangisi nitong tanong.

            Hindi ako sumagot at sa halip ay nag-iwas ako ng tingin dito.

            “Hey, Time!” maktol nitong sambit sa aking pangalan.

            “Bakit mo ‘to ginagawa, Play?”

            Hindi agad siya sumagot.

            “Gusto ko lang naman na paligayahin ka, eh.” tugon niya.

            “Pero hindi mo ba alam na mas lalo akong masasaktan kapag nagpatuloy tayo sa ginagawa nating ‘to.” malungkot ang aking tinig.

            “Time, ano palang gusto mo? Ginagawa ko naman lahat ah para maging masaya ka. Kulang pa ba ito?”

            “Hindi mo ako naiintindihan, Play.”

            “Alin ang hindi ko naiintindihan?”

            “Mas lalo akong umaasa na mamahalin mo ako dahil sa mga ginagawa mo. Pinaaasa mo ako, alam mo ba ‘yon? Nasasaktan ako.”

            Bahagya siyang natigilan at muling napatingin sa kisame. Kasunod niyon ay ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga.

            “Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin para maipadama sa’yo na mahalaga ka sa akin. Alam kong hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo pero nakahanda akong punan ang lahat ng pangangailangan mo. Time, maaaring makasarili ako. Pero please, bigyan mo ako ng pagkakataon na maiparamdam sa’yo ang halaga mo sa akin. Alam kong mali ito pero ito lang ang alam ko na paraan para suklian iyon.”

            Natahimik ako sa puntong ito. Wala akong karapatang magreklamo gayong ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan. Sino ako para humingi ng labis mula kay Play?

            “Uhm. Naiintindihan kita. Pasensiya ka na sa akin.” mahina kong wika nang lumingon ako sa kaniya.

            Dahan-dahan siyang ngumiti at bahagya nitong pinisil ang aking ilong sa unang pagkakataon. Kung lahat ng ito ay hanggang pagkakaibigan lang, marapat lamang na huwag akong aasa upang na sa gayon ay hindi ako masasaktan ng lubos.

Ngunit paano ko iyon magagawa kung paulit-ulit may nangyayari sa aming dalawa?

___________________________________

            Hindi na ako nagpasundo kay Phob dahil kay Play na ako sasabay ngayon papuntang unibersidad. Ito ang unang beses na sumabay ako sa kaniya pagkatapos noong unang gabing nalaman niya ang totoong damdamin ko rito.

            Pagdating namin ng aming classroom ay saktong nandoon na rin sina Eak at Sib. Napatigil sila nang makita kaming sabay na pumasok.

            “Tama ba ‘tong nakikita namin ngayon?” halos hindi makapaniwalang saad ni Sib. Tinitigan kami ni Play ng may pagtataka.

            Feeling ko tuloy ang tagal na panahon na hindi ito nangyari.

            “Bakit ba?” matigas na tanong ni Play dito.

            Ako naman ay pasimple lamang na ngumiti at dumiretso sa upuan namin ni Phob.

            “Aw! Akala ko ba sa amin ka na tatabi?” kumunot-noong tanong sa akin ni Sib nang dumaan ako sa kanilang tabi.

            “Walang katabi si Phob.” mahina kong saad bago nagpatuloy. Tahimik akong naupo sa aking upuan.

            “So, okay na kayo?” dinig kong tanong ni Sib kay Play.

            “Bakit? Hindi naman kami nag-away, ah.’ sarkastikong sagot ni Play.

            “Aw! Kahapon lamang parang may tensiyon tapos ngayon wala na agad.”

            Lihim lamang akong natawa nang marinig ko iyon. Mayamaya ay dumating na rin si Phob. Binati pa muna nito sina Play, Sib at Eak bago dumiretso sa kaniyang upuan.

            “Good morning, Time.” Nakangiting bati nito sa akin paglapit niya.

            “Good morning.” nakangiti ko ring tugon.

            Tahimik siyang naupo sa tabi ko. “Thanks pala, huh.” anito pagkatapos.

            “For what?”

            “Sa pag-imbita sa akin sa birthday ni N’Than. Alam mo bang nag-enjoy ako ng sobra. Ang ganda ng place niyo.”

            Bahagya akong ngumiti. “Mai bpen rai. Kung gusto mo puwede ka ulit sumama sa akin pag-uwi ko.”

            “Really?” lumakas ang boses ni Phob. Halatang na-excite.

            “Uhm. Di ba sabi ni Dad, welcome ka lagi sa amin.”

            Lumuwang ang mga ngiti ni Phob. Kinuha nito ang mga gamit sa loob ng kaniyang bag. Mayamaya ay may binigay siyang isang papel.

            “Ano ‘to?” taka kong tanong nang abutin ko iyon.

            “Ginawa kong kanta.”

            “Para sa akin?” tanong ko sabay turo ng aking sarili.

            “Uhm. Para sa’yo.”

            “Wow! Talaga?” excited kong binuksan ang papel. Binasa ko ang title pati ang unang stanza. Hindi ko napigilang humanga sa kaniya dahil ang ganda ng mga liriko. “Ang galing naman.” manghang sabi ko pagkatapos.

            “Nagustuhan mo?”

            “Uhm.” maikling tugon ko at sabay tango. “Khaawp khun na.” maikling tugon ko pagkatapos.
           
            Ngumiti lamang siya.

            Ipinagpatuloy ko naman ang pagbabasa sa iba pang stanza. Pagkatapos ko iyong basahin ay inipit ko ito sa aking notebook.



PLAY

            Dinig ko ang lahat ng pinag-usapan nina Time at Phob. Ayos lang naman sa akin iyon, ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay tila ba nakakaramdam ako ng inis habang pinapakinggan ko sila. Hindi dapat ako makadama ng ganoon pero ang ipinagtataka ko ay tila hindi ko magawang iwaksi iyon.

            Nang dumating ang aming guro ay natahimik na kaming lahat at itinuon ang aming atensiyon sa kaniyang naging leksiyon. Paminsan-minsan ay lihim akong napapalingon sa likod kung saan seryosong nakikinig sina Time at Phob.

            Natapos ang aming klase na tila wala naman akong naintindihan.

            “Goodbye, class.” sabi ng aming guro. “See you tomorrow.” sabi pa nito bago lumabas.

            Lalapitan ko na sana si Time ngunit bigla akong tumigil nang makita kong tinuturuan nito si Phob. Napansin kong halos ayaw siyang pakawalan ni Phob ng kaniyang mga titig. Kumunot ang noo ko nang hindi ko naman sinasadya.

            “Okay ka lang?” tanong sa akin ni Eak nang mapansin niya iyon.

            “Huh? Errr…Oo.” sagot ko at muling itinuon ang aking atensiyon sa harapan. “Shit!” kapagdaka’y inis kong sambit sa aking isipan.




To be continued…………………………


           
#cttophotonotmine

PlayTime SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon