Episode 1 (2/4)

9 0 0
                                    

Title: PlayTime Series
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04

EPISODE 1 (2/4)

PLAY

"Nag-away ba kayo ni Time?" tanong sa akin ni Sib sabay titig nang may labis na pagtataka.

Hindi ko siya sinagot at sa halip itinuon ko ang aking atensiyon sa hawak kong libro.

"Ai'Play!" malakas na sambit nito sa aking pangalan upang kunin ang atensiyon ko.

"Hindi. Bakit pala?" walang kabuhay-buhay kong tugon.

"Hey! C'mmon dude! Eh anong ibig sabihin nang hindi niyo pagpansinan ngayon? Don't tell me na wala lang 'yon."

"Pag hindi pala nagpansinan, nag-away na agad?" sarkastiko ko namang tanong dito.

"Aba! Sino ba namang maniniwala na hindi kayo nag-away eh magka-roommate lang kayo at madalas kayong dalawa ang magkasama."

"Hindi ba puwedeng hindi kami magpansinan kahit ngayon lang?"

Kumunot ang noong tiningnan ni Sib si Eak. Alam kong hindi sila kumbinsido sa sinabi ko ngunit kailangan kong kumilos na ayos lang ang lahat. But deep inside, naiinis akong makita si Time lalo na kapag naalala ko ang kaniyang ginawa.

Pasimple akong sumulyap kina Time at Phob sa likuran. Nakita kong medyo nagkakasundo silang dalawa dahil kinakausap ni Phob si Time na madalas hindi nito ginagawa. Kilalang suplado si Phob at halos hindi ito nakikihalubilo sa iba. Kadalasa'y mag-isa lang ito at parang may sariling mundo.

Mula roon, itinuon ko na ang aking atensiyon sa pagdating ng aming guro lalo na nang magsimula na itong magsalita sa gitna.

Isa at kalahating oras itong nagturo. Isa at kalahating oras din akong nakinig sa kaniya ngunit ni isa sa kaniyang mga itinuro ay walang rumehistro sa aking isipan. Oo, wala roon ang aking konsentrasyon at sa halip iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa iyon Time.

Tumunog ang bell at mabilis akong tumayo sabay kuha ng aking bag. Dali-dali akong lumabas at hindi na hinintay ang dalawa ko pang kaibigan. Sumunod din naman sila sa akin.

"Ano bang nangyayari?" takang tanong sa akin ni Sib paglabas namin ng room.

"Puwede ba, Sib, wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Masakit pa ang ulo ko kaya puwede tantanan mo muna ako ng mga pag-usisa mo?" iritang litaniya ko rito.

Hindi na rin nag-usisa pa si Sib. Datapwa't tahimik lamang si Eak, bakas naman sa mga mata nito ang pagtatanong. Dumiretso kami ng kantina para mag miryenda.

TIME

"Wala ka bang kasama ngayon?" tanong ni Phob habang nililigpit ko ang aking mga gamit.

"Wala." mahina kong sagot at saka tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Kung ganoon, sumabay ka na sa akin pumunta ng canteen." alok nito sa akin.

Nabigla ako sa alok niya. Hindi ko iyon inaasahan dahil nasanay akong makita siyang mag-isa. Tingin ko mabait si Phob at hindi ito kagaya ng pagkakakilala namin sa kaniya.

"Okay!" kapagdaka'y tugon ko sa kaniya.

Sabay na kaming tumayo at mabilis na lumabas ng aming silid-aralan.

Tahimik lamang kami habang binabagtas ang hallway papuntang kantina. Marahil hindi pa kami ganoon ka-komportable subalit nararamdaman kong hindi siya mahirap pakisamahan.

Pagdating namin ng kantina ay saglit akong napatigil nang makita ko sina Play, Sib at Eak. Napatingin naman sila sa amin nang makita nila kami. Ngunit mabilis ang ginawang pagbawi ni Play ng tingin. Gayunpaman, nakita ko pa rin ang matalim nitong mga titig.

PlayTime SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon