Episode 5 (3/4)

5 0 0
                                    


TIME

“Time..” mahinang tawag ni Play sa aking pangalan.

Dahan-dahan akong lumingon papunta sa kaniyang higaan. “Hmm?”

“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito.

“Uhm.” maagap ang ginawa kong pagtango at sabay bato sa kaniya ng isang hilaw na ngiti.

“I’m sorry.” anito sa tila malungkot na tinig.

“Sorry for what?”

“Hindi kita nasamahan sa pag-uwi kanina.”

“Mai bpen rai. Naiintindihan naman kita, eh. At saka hinatid naman ako ni Phob.” Saad ko. Pilit kong itinago ang totoong damdamin ko ngayon.

Oo, nakaramdam ako ng lungkot kanina dahil sa pagkikita nila ni Jane. Alam kong wala akong karapatang makaramdam niyon subalit hindi ko magawang iwasan ang kumirot ang aking puso lalo na nang makita ko ang reaction niya.

“Musta pala ang pag-uusap niyo ni Jane?” usisa ko rito. Nilakasan ko ang aking loob sa tanong kong iyon.

Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang mga mata sa kisame. Dinig ko ang malakas nitong buntong-hininga.

“Hiwalay na sila ni Korn.” pagkuway mahinang sagot ni Play.

Natigilan ako nang marinig ko iyon. May kung anong kirot iyong dala sa aking puso. Nagpigil agad ako ng aking emosyon dahil ayaw kong mapansin nito ang aking reaction.

“Ayos ‘yon. Puwede mo na siyang balikan ulit.” pagkuwa’y wika ko ngunit nanginginig ang aking tinig.

“I don’t know.” matamlay niyang sabi.

“Bakit naman?” Nagtataka ako sa kaniyang naging sagot.

“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Nasaktan ako sa kaniyang ginawa noon.” paliwanag ni Play.

“Di ba, mahal mo pa siya?”
Hindi agad sumagot si Play. Ako nama’y naghihintay kung matutuwa o masasaktan ba ako sa kaniyang isasagot.

“Inaamin ko, nang makita ko siya kanina, naramdaman kong nananabik ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang yakapin kanina.”

Natigilan ako sa puntong ito at parang gustong magsibagsakan ng aking mga luha. Hindi man nito direktang sinabi ngunit batid kong mahal pa rin niya si Jane dahil sa kaniyang naging sagot.

“Kung ganoon, ligawan mo siya ulit. Alam kong mahal ka pa rin niya.” saad ko. Pigil ang mga luha ko ngayon.

Mabilis siyang tumingin sa akin. Nangungusap ang kaniyang mga mata.
“Pero - .”

“Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Sayang din naman ang pagkakataon pag sinayang mo pa ‘yon.”

Bumangon si Play at dali-dali akong tinungo sa aking higaan. Humiga siya kaharap ako at halos magkadikit lang din ang aming itsura ngayon.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso lalo pa nang magkatitigan kaming dalawa.

“Time, huwag mo akong iwan, huh.” malamig nitong sabi sabay hawak sa aking kamay.

Pinilit kong ngumiti at lihim na napalunok. “Uhm. Magkaibigan tayo, di ba? Hindi dapat nag-iiwanan ang magkaibigan.” wika ko.

Hindi nagsalita si Play at sa halip ay patuloy lamang niya akong tinititigan. Hanggang napansin ko ang dahan-dahang paglapit ng kaniyang mukha. Ilang segundo lang ay naramdaman kong halos magkadikit na aming mga labi, ngunit agad akong napatingin sa itaas at kasunod niyon ay ang pagpapakawala ng hangin nang palihim.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now