Episode 5 (4/4)

4 1 0
                                    



TIME



Pagpasok ko ng kuwarto ay nakita kong nakaupo si Play sa kaniyang higaan habang hawak nito ang kaniyang cellphone. Nagkunwari akong tila wala akong napansin at pagkuwa'y dumiretso sa aking higaan. Pag lapag ko ng bag ay kumuha ako ng towel at pumasok ng banyo para maghilamos.



Paglabas ko ay laking gulat ko nang nasa harapan ko na siya habang matalim ako nitong tinititigan. Halos nanlaki rin ang mga mata kong napatitig dito at paggkuwa'y dahan-dahan akong napalunok.



"Pla-Play." nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.



Ngunit hindi siya nagsasalita at sa halip ay inilapit pa nito ang kaniyang mukha. Nang maramdaman ko ang kaniyang hininga ay napaiwas naman ako at napatulak ng bahagya.



"Bakit ba?" mahinahon kong tanong sa kaniya.



"Iniiwasan mo ba ako?" seryosong tanong naman nito.



"Pao!" agap kong tugon at sabay iwas sa kaniya ng tingin. Sinubukan kong lumusot sa maliit na butas sa kanang bahagi niya ngunit mabilis nitong hinawakan ang aking kamay.



"Ai'Time!" matigas nitong sambit sa aking pangalan. "Alam kong iniiwasan mo ako. Dahil ba 'yon kay Jane?"



Saglit akong napatigil sa naging tanong niya. "Hindi kita iniiwasan. At saka bakit ko naman gagawin 'yon?" pagsisinungaling ko.



Nang bitawan niya ang kamay ko ay naglakad ako papunta sa aking higaan. Isasabit ko na sana ang towel kong dala nang hawakan nito ang aking balikat at mabilis ako nitong hinarap sa kaniya sabay tulak sa aking kama. Pabagksak akong napahiga ngunit bigla siyang pumatong sa aking ibabaw at hinawakan ang dalawa kong kamay.



"Play!" nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.



"Sinungaling!" singhal niya at kumunot ang kaniyang noo. Inilapit nito ang kaniyang mukha at ngayon ay halos magkalapit na ang aming mga itsura. Ramdam namin pareho ang hininga ng bawat isa.



Bigla akong kinabahan habang naamoy ko ang mabangong hanging lumalabas sa kaniyang bibig.



"Ai'Play." Pilit kong kumawala sa kaniya subalit naging mahigpit ang kaniyang mga hawak. Mas lalo ko ring naramdaman ang kaniyang bigat.



Hindi siya nagsasalita at sa halip ay patuloy ako nitong tinititigan. Mayamaya pa'y dahan-dahang dumikit ang kaniyang mga bibig papunta sa aking mga bibig. Iiwas sana ako ngunit sinundan naman niya iyon dahilan para maglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko ang malambot nitong mga bibig. Ang dahan-dahang pagkagat nito sa ibabaw na bahagi ng aking labi.



"Ano ba, Play?" pilit kong iniiwasan ang kaniyang mga halik ngunit naging mapilit siya. "Bitawan mo nga ako, Play." matigas kong sabi habang pinipilit kong kumawala sa kaniyang mga halik.



"Sabihin mo ngayon na ayaw mo na sa akin." sabi nito nang bitawan niya ang bibig ko. Ngayon ang mga mata niya ay tila nangungusap na animo'y hindi ko magawang talikuran.



Napatitig ako sa kaniya at para bang may magnet na biglang namagitan sa aming mga tingin nang magtagpo ang aming mga mata.



"Don't leave me, please." saad nito sa napakalambing na tinig.



Natigilan ako ng bahagya. "Paano kayo ni Jane?"



"Hindi ko alam. Ayaw ko siyang mawala at ayaw ko ring mawala ka." sagot niya.



Sa tono ng kaniyang sinabi, alam kong mahal pa rin niya si Jane hanggang ngayon. Lihim akong nasaktan sa puntong ito ngunit naisip ko ring wala akong karapatan para pagbawalan siya. Sino ba naman ako para gawin ko iyon? Kunsabagay, ang malaman kong may puwang din ako sa puso niya ay sapat na iyon para sa akin. Pangarap ko lang naman dati ang malaman niya ang totoo at maintindihan niya ako. Kung tutuusin, mas higit pa sa ninais ko ang mga bagay na mayroon kami ngayon.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now