Episode 4 (4/4)

5 0 0
                                    



TIME

            Mag-isa akong naghihintay dito sa lobby kay Play. Mayroon kasi kaming usapan kanina na sabay kaming uuwi ngayong hapon kaya naman tinanggihan ko na ang alok ni Phob na ihatid ako nito sa aming condo. Halos 30 minutes na akong naghihintay ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Mayamaya lang ay nakita kong paparating sina Sib at Eak.

            “Si Play?” tanong ko sa kanila paglapit nila sa kinaroroonan ko.

            “Nauna na siyang umuwi kanina, eh.” sagot ni Eak.

            Natigilan ako at napaisip. Mayroon kaming usapan kanina, pero bakit hindi niya ako hinintay ngayon?

            “Akala ko ba magkasabay kayo ni Phob ngayon.” saad ni Eak.

            “Huh? Errr….hindi na ako sumabay sa kaniya. Nakakahiya na kasi, eh, na lagi niya akong hinahatid.” pagdadahilan ko.

            “Kung ganoon, sumabay ka na sa amin.” biglang alok ni Sib.

            “Ah, salamat na lang. May dadaanan pa ako.” tanggi ko sa kaniya.

            “Okay! Mauuna na kami sa’yo, Time.”

            “Okay. Mag-iingat kayo.” tugon ko kay Sib.

            “Ikaw rin. Bye-bye, Time.” paalam naman ni Eak.

            “Bye.” agap ko namang tugon sa kanila.

            Nang umalis sina Sib at Eak ay saglit muna akong naupo. Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa hindi pagtupad ni Play ng kaniyang pangako. Ang buong akala ko ay sabay kaming uuwi ngayon ngunit nagkamali ako.

            Tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang gate ng unibersidad. Manaka-naka ang mga hakbang ko habang panay ang buntong-hininga na aking ginagawa.

            Pagkatapos kong makatawid sa kabilang kalsada ay agad akong naghintay ng taxi. Ilang sandali lang ay laking gulat ko nang biglang huminto ang kotse ni Play sa aking harapan.

            “Sakay na.” seryoso nitong sabi pagbukas ng bintana.

            Nakatulala lamang akong nakatingin sa kaniya dahil napansin kong tila bad mood siya ngayon.

            “Sasakay ka ba o hindi?” sarkastikong tanong niya dahil sa hindi man lang ako gumalaw sa aking kinatatayuan.

            Lumapit ako sa kaniyang sasakyan at binuksan ang pinto nito sabay pasok sa loob niyon. Seryoso siyang nagmamaneho at halos ayaw man lang ako nitong tingnan. Wala akong ideya kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Kaninang umaga lang ay maayos pa ako nitong pinakikitunguhan. Tuloy nagtataka ako sa kaniyang ipinapakita.

            “May problema ba?” nilakasan ko ang aking loob na tanungin siya.

            Ngunit hindi siya sumagot at sa halip ay patuloy lamang siya sa pagmamaneho.

            “Play, ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganiyan ngayon?”

            “Pao!” sagot niya ngunit hindi man lang ako nagawang tiningnan nito.

            “Hindi ako naniniwala sa’yo. Ano ba kasing problema mo?” giit kong sabi. Alam kong nagsisinungaling siya.

            Bigla nitong inapakan ang preno na ikinagulat ko. Kumunot ang noo kong tinitigan siya dahil muntik nang mauntog ang ulo sa salamin ng kaniyang sasakyan.

            “Bakit ba ang close-close niyo ni Phob? Bago pa lang naman kayo naging magkaibigan, ah. Pero kung makadikit siya sa’yo akala mo ang tagal-tagal niyo nang magkakilala.” galit na wika niya pagkatapos ako nitong titigan habang nagsasalpukan ang makakapal niyang kilay.

            “Huh?” labis ang pagtataka ko ngayon.

            “Pansin ko naman, eh, na matagal na siyang may gusto sa’yo.”

            “Ano bang sinasabi mo?”

            “Manhid ka ba para hindi maramdaman ‘yon?”

            Bahagya akong natigilan. Oo, alam kung masyadong close kami ni Phob pero kailanma’y hindi ko iniisip na may gusto siya sa akin. Magkaibigan lang kami at iyon ang alam kung dahilan ng closeness naming dalawa.

            “Hindi ko alam kung bakit sinasabi mo sa akin ang mga bagay na ‘yan. Magkaibigan lang kami ni Phob.”

            “Magkaibigan? Magkaibigan pa ba ang tawag doon na dinala mo na siya sa inyo?” matalim ang kaniyang mga titig.

            “Ano palang masama roon kung inimbita ko siya? Ikaw rin naman, ah, iniimbita rin naman kita pero hanggang ngayon magkaibigan pa rin tayo.”

            Bahagya siyang natigilan dahil sa sinabi kong iyon at pagkuwa’y nag-iwas ng tingin sa akin.

            Dinig ko ang kaniyang buntong-hininga nang mapasandal ito sa upuan ng sasakyan. Lihim naman akong nagpakawala ng hangin para pakalmahin ang aking sarili.

            Ilang sandali lang ay muli ako nitong hinarap. “Sabihin mo sa akin, Time, may gusto ka ba sa kaniya?” pagkuwa’y tanong niya.

            “Ilang beses ko bang sabihin sa’yo na magkaibigan lang kami. Oo, alam kong mabait si Phob, masarap kausap at maalalahanin, pero kailanman’y hindi ko siya puwedeng magustuhan. Alam mo ‘yon kung bakit.”

            Napalunok siyang nakatingin sa akin. Kasunod niyon ang biglang pag-amo ng mukha niya. “Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sinabi ko sa’yo dati na magkaibigan lang tayo, pero sa tuwing nakikita kong magkasama kayo ay pakiramdam ko naiinggit at naiinis ako. Pinipigil ko ang aking sarili pero tila hindi ko magawa ang balewalain ang closeness ninyong dalawa.”

            Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Maaaring nagkamali lang ako ng rinig. “Play, ano bang nangyayari sa’yo?”

            Bumuga siya ng hangin bago muling nagsalita. “Time, nagseselos ako sa inyo.” aniya na labis kong ikinagulat.

            Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. Tama ba ang narinig ko ngayon o lahat ng ito ay guni-guni ko lamang?

            Ngunit nang hawakan niya ang aking kamay ay saka ko lamang na-realized na nasa reyalidad ako ng aking buhay. Kaharap ko siya at hawak nito ang aking kamay.

            “Pla-Play..” nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.

            “Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Pero isa lang ang tanging alam ko, ayaw kong nakikitang magkasama kayo.” pahayaga niya, Hindi ko na namamalayan ang unti-unting paglapit ng aming mga mukha hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.

            Naramdaman ko ang malalambot niyang bibig at ang dahan-dahang paggalaw nito. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at tinugunan ko rin ang halik niyang iyon.

            Halos isang minuto ring naglapat ang aming mga labi nang bitawan niya ang bibig ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya at hanggang ngayon ay halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Kung ang lahat ng ito ay panaginip lamang, mas nanaisin kong huwag nang magising.

            “Time, puwede mo ba akong bigyan ng chance na mahalin ka?” tanong ni Play na ikinabog ng aking dibdib.

            Nagulat ako sa tanong niyang iyon at hindi ko alam kung paano tutugon.

            “Play, nagbibiro ka lang, di ba?” ani ko. Sabihin na nating na nasa denial stage pa ako dahil simula’t sapul lagi kong naririnig mula sa kaniya na magkaibigan lang kaming dalawa.

            “Ai’Time, hindi ako nagbibiro!” nagsalpukan ang kaniyang mga kilay nang sabihin niya iyon.

            Napakagat naman ako sa ibabang bahagi ng aking bibig sabay iwas ng tingin sa kaniya. Ngunit maagap nitong hinawakan ang aking mukha at sa muli’y mariin nitong hinalikan ang aking labi.

            Siyempre sino ba naman ako para hindi tumugon, di ba?

            “And now, tell me! Mukha ba akong nagbibiro?” matigas nitong tanong at tinitigan ako ng may kataliman.

            Hindi ko nagawang sagutin iyon at sa halip ay bahagya akong napangisi na tila ba’y kinikilig sa mga sandaling ito. Yes! Hindi ko itatanggi iyon, kinikilig ako ngayon. Hindi ko inaasahan ang tagpong ito sa pagitan naming dalawa.

Oo, matagal ko na nga itong hinintay ngunit kailanma’y hindi ko inisip na magkakatotoo ang lahat ng ito. Akala ko hanggang magkaibigan lang kami ni Play ngunit hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salitang binanggit nito bago lang.




To be continued…………………………



#cttophotonotmine

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now