Episode 3 (3/4)

9 0 0
                                    

TIME

           “Khaawp khun na.” sabi ni Play pagkatapos kong gamutin ang kaniyang bibig.

           Isang ngiti lamang ang naging tugon ko sa kaniya bago ko ibinalik ang cotton at alcohol sa kaniyang lagayan.

           “Dahil ba kay Jane kaya kayo ang-away ni Korn?” tanong ko sa kaniya pagbalik ko.

           “Wala akong pakialam sa kanila.” galit na sagot niya sa akin.

           “So, bakit ka nakipag-away sa kaniya?”

           “Dahil nalaman kong siya ang may pakana sa kumakalat na video namin ni Moe.”

           Bigla akong natigilan nang sabihin niya iyon. Muling rumehistro sa aking isipan ang nakita kong video nila kanina. Hindi lamang iyon basta halik, ngunit isang maalab na halik sa pagitan nilang dalawa ni Moe. Tinitigan ko siya na wari ba’y tinatanong siya.

           “Oo, inaamin ko ‘yon. Pero nadala lang ako sa kalasingan ng gabing ‘yon.” pagpapaliwanag niya.

           Actually, hindi ko naman hinihingi niya iyon. Isa pa, wala akong karapatan para humingi sa kaniya ng anumang eksplenasyon.

           “Gusto mo ba si Moe?” pagkuwa’y tanong ko rito.

           Sarkastiko siyang tumawa. “Maganda siya, sexy at seductive pero hindi ako cheap para magkagusto sa mababang uri ng babae.” turan nito pagkatapos.

           Nauunawaan ko ang ibig nitong sabihin. Maaaring attractive lang si Moe pero siya ang tipo ng babae na playgirl. At hindi iyon ang tipo ni Play.

           Tinungo ko ang aking kama at naghubad ng medyas. “Anong gusto mong kainin?” tanong ko kay Play pagkatapos. Naisipan kong lumabas ngayon para bumili ng pagkain.

           “Kao Pad at sprite na lang.” sagot nito.

           “Okay.” ani ko at sabay labas. May kung anong saya akong nadarama ngayon. Pakiwari ko ba’y gumaan ng kaunti ang aking nararamdaman. Paunti-unti ay bumabalik kami sa dati naming samahan.

           “Dalawang Kao Pad at dalawang sprite, Auntie.” sabi ko sa tindera pagdating ko ng cafeteria. Pagkatapos niyon ay tumungo muna ako sa isang bakanteng upuan at doo’y naupo habang hinihintay ang order ko.

           Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at nagbukas ng web ng school. Hot topic na naman ang kaguluhang nangyayri kanina sa pagitan nina Play at Korn. Ang daming negatibong komento ukol kay Play na labis kong ipinag-alala. Sigurado akong mababasa niya ang lahat ng iyon.

           “Nong, heto na ang order mo.” sabi ng tindera habang hawak nito ang isang cellophane.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now