Episode 4 (2/4)

3 1 0
                                    

PLAY

           “Bakit ba kasi hindi ka sumama kay Time?” takang tanong ni Sib nang naupo sa kasama ni Time. Niyaya ko siyang pumunta ngayon dito sa aming condo.

           “Bakit pa ako sasama eh nandoon naman si Phob?” kibit-balikat kong sagot.

           Ang totoo, gusto ko sanang sumama kay Time subalit nang sabihin niyang inimbita niya si Phob ay minabuti ko na lamang na huwag nang tumuloy.

           “Aw! Di ba dapat ikaw ang kasama niya ngayon at hindi si Phob?”

           “Eh mas gusto nga niyang  kasama si Phob. Alangan naman ipagpilitan ko ang sarili ko.”

           “Nagtataka talaga ako sa inyong dalawa. Kayo ba talaga ay okay o hindi okay?”

           “Bakit mo naman naitanong ‘yan?”

           “Aba siyempre, may mga araw na nagpapansinan kayo tapos may mga araw na hindi kayo nagpapansinan. Tingin ko nga mayroon kayong problema na hindi ninyo sinasabi sa amin.” Tinitigan ako ni Sib nang may pagdududa. “Magsabi ka nga ng totoo, dude. Mayroon ba kayong hindi pagkakaintindihan?”

           Hindi ako sumagot at sa halip ay nag-iwas ng tingin sa aking kaibigan.

           “Ai’Play, tinatanong kita.”

           “Pao! Ayos lang kami. Siguro may mga panahon lang na mas gusto ni Time na hindi ako kasama. Pero okay kami.” pagsisinungaling ko.

           Mukhang hindi kumbensido roon si Sib. Gayunpaman, hindi na rin siya nag usisa pa. Niyaya ko siyang lumabas para kumain ng sushi. Matagal-tagal na ring hindi ako nakakain niyon.

           “Sa tingin ko may gusto nga si Phob kay Time.” saad ni Sib habang binabaybay namin ang daan papunta sa paborito naming restaurant.

           “Bakit mo naman nasabi ‘yon?”

           “Naalala mo noong kumanta si Phob sa birthday ko?”

           “Uhm. Bakit pala?”

           “Yung last song niya ay kay Time niya inihahandog ‘yon. Alam nating lahat na si Time ang tinutukoy niya noong gabi bago ang huling kanta niya.”

           Napaisip ako bigla. Oo nga, naalala ko iyon. Wala siyang binanggit na pangalan ngunit sigurado kami na si Time nga ang tinutukoy niya noong gabing iyon.

           “Wala naman sigurong problema roon, di ba?”

           “Okay lang sa’yo na maging sila?”

           Hindi ako sumagot na tila ba napinto ako sa naging tanong ni Sib. Hindi ko alam kung oo ba o hindi ang isasagot ko. “Wala naman akong karapatan para pigilin sila, di ba?” pagkuwa’y sagot ko.

           “Paano kung tuluyang mawala si Time sa’yo? Okay lang din ba sa’yo iyon?”

           Bahagya akong natigilan. Wari ko ba’y nakaramdam agad ako ng kakaibang lungkot ngayon. Inaamin ko, ayaw kong mawala si Time dahil parte na siya ng buhay ko. Sa loob ng anim na taon, nasanay akong kasama siya. Nakalimutan ko na rin ang pagkakamaling nagawa niya sa akin noon.

           “Hindi ko alam. Pero alam kong hindi ganoon si Time. Nasisiguro kong hindi niya basta-basta makakalimutan ang aming pinagsamahan.”

           “Huwag tayong pakasigurado. Minsan kahit gaano pa katagal ang inyong pinagsamahan kapag napagod siya ay magagawa ka niyang kalimutan.”

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now