Episode 5 (1/4)

7 1 0
                                    



TIME

            One Week Later

            Pagkatapos ng naging usapan ni Play ay tuluyan na ngang bumalik sa dati ang aming samahan. Sa katunayan, araw-araw na kaming magkasama. Masaya ako sa mga nangyayari ngayon. Sana nga ganito kami lagi.

            Hindi opisyal na kami. Ang tanging sabi lamang niya ay bigyan ko siya ng panahon para mahalin niya ako ng tuluyan. Hindi rin naman ako nagpumilit dahil alam kong wala ako sa tamang lugar para gawin iyon. Gayunpaman, sapat na sa akin kung anong mayroon kami ngayon.

            “Bakit kasi hindi ka pa rin lumilipat sa tabi ko?” wika nito habang binabaybay namin ang daan papuntang unibersidad.

Ilang araw na niyang sinasabi iyon. Gusto niyang sa tabi niya ako uupo ulit. Ngunit hindi ko magawang iwan si Phob dahil wala rin itong katabi.

“Paano si Phob?” malungkot kong tanong sa kaniya.

“Mas mahalaga pa ba si Phob kaysa sa akin?” tugon nito at sinimangutan ako sa huli.

“Hindi naman sa ganoon. Siyempre mas mahalaga ka. Pero naging malapit na rin siya sa akin. Ayaw ko ring maging malungkot siya pag iniwan ko siya sa kaniyang upuan.” paliwanag ko.

Hindi na muling nagsalita si Play at muling itinuon ang buong konsentrasyon sa pagmamaneho. Oo, inaamin kung gusto ko rin siyang katabi. Gusto kong sulitin ang bawat sandali na kasama siya. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ko puwedeng iwan si Phob nang ganoon-ganoon lamang. Si Phob ang kasama at naging karamay ko noong mga panahong hindi kami okay ni Play. Siya ang lagi kong nakakausap at napapagaan nito ang aking kalooban. Hindi sa tumatanaw ako ng utang na loob ngunit higit pa roon, alam kong ako lang ang itinuturing niyang kaibigan.

“Okay! Payag na ako. Basta ba magkaibigan lang kayo, huh.” si Play nang lumingon sa akin.

Bahagya akong ngumiti. “Uhm.” pagkuwa’y maikli kong sagot sa kaniya at tinanguan ko siya.

Lihim akong nasiyahan dahil sa sinabi niyang iyon. Wala mang konpirmasyon sa tunay na estado ng aming relasyon ngunit sapat na iyon para makaramdam ako ng kakaibang ligaya. Pakiramdam ko ba’y nagiging possessive siya at parang gusto niya akong ipagdamot sa iba.

            Saktong pababa na kami nang dumating naman sina Sib at Eak. Hinintay na lang namin sila para sabay na kaming apat na pupunta sa aming silid-aralan.

            “Sakto talaga ang pagkikita natin ngayon.” sabi ni Sib paglapit nila sa aming kinaroroonan. Inakbayan ako nito pagkatapos.

            Ngunit nagulat ako nang biglang kinuha ni Play ang kamay ni Sib na nakaakbay sa akin. Nagkatitigan silang dalawa.

            “What?” sarkastikong tanong ni Play.

            “Paoooo!” mahabang sabi ni Sib.

            Lihim akong natawa nang bahagyang kumunot ang noo ni Play. Napansin ko naman ang kakaibang ngiti ni Sib ngayon.

            “Gusto kasi niyang kumopya ng assignment sa’yo.” sabat ni Eak. “Ayaw ko kasi siyang pakopyahin. Nasanay na kasi ‘yan, eh.” dugtong pa niya.

            “Ai’Eak, you’re so mean! Ngayon nga lang ako kokopya, eh, kasi maaga akong natulog kagabi.” nakasimangot na saad ni Sib.

            “Ang sabihin mo maaga kang naglaro ng online games kaya hindi ka nakagawa ng assignment mo.”

“Ai’Eak! Hindi ‘yan totoo.” pagtututol ni Sib sa sinabi ni Eak.

“Hmmmppp!” napaismid si Eak. “Isusumbong kita sa Daddy mo na hindi ka nag-aaral ng maayos.” pagbabanta niya.

Napayakap naman bigla si Sib kay Eak. “Ai’Eak…puwede ba huwag ka namang masyadong harsh sa akin.” Nakangusong sabi niya na parang bata.

Tahimik lamang kaming natawa sa kaniya.

Kinuha ko sa bag ang aking assignment at binigay ito kay Sib. “Heto.” sabi ko at sabay abot sa kaniya ng notebook.

“Timeeee…..” mahabang sambit nito sa aking pangalan at sabay yakap. “Khaawp khun na.” pagkuwa’y sabi pa niya at saktong hahalikan ako sa aking pisngi nang awatin siya ni Play.

“Oh-Oh tama na!” si Play at pumagitna sa aming dalawa. Hinawakan nito ang aking kamay, “Mali-late na tayo.” aniya at sabay lakad.

Awtomatiko naman akong sumunod sa kaniya at kapagkuwan ay sumunod naman sa amin sina Sib at Eak.

Gaya ng napagkasunduan namin ni Play ay kay Phob pa rin ako tumabi. Ayaw pa sana niyang bitawan ang kamay ko nang pumunta ako sa likuran ngunit nang titigan siya nina Sib at Eak ngang tila kakaiba ay saka lamang niya ako binitawan.

“Hi!” nakangiting bati sa akin ni Phob paglapit ko sa kaniya.

Ngumiti lamang ako at naupo sa aking upuan. “Kanina ka pa?” tanong ko rito pagkatapos.

“Yeah! Tinatapos ko lang ‘tong assignment ko. Ikaw, tapos ka na bang gumawa?”

“Oo, kagabi pa.”

Hindi na nagsalita si Phob at muling itinuon ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. Napansin kong tila matamlay siya ngayon kaya naisipan kong tanungin siya.

“Okay ka lang ba?”

Tumigil siya sa pagsusulat at tiningnan ako. “Pagod lang ako. May gig kasi kami kagabi.” sagot niya.

Nakita kong halos namumula nga ang kaniyang mga mata kaya kinuha ko ang kaniyang notebook. “Ako na ang tatapos nito.”

“Pero - .”

Nais pa sana niyang tumanggi ngunit nagpumilit ako. “Ako na! Matulog ka na lang muna tutal wala pa naman si Prof.”

Ngumiti siya ng bahagya. “Okay. Khaawp khun na.” aniya at inihiga nito ang kaniyang ulo sa ibabaw ng mesa.

Sinimulan ko ang pagsusulat. Kailangan kong magawa ito bago dumating ang aming guro. Ilang sandali pa ay natapos na rin ako. Nang isara ko ang notebook ni Phob ay saka naman ako napatitig sa kaniya habang mahimbing na natutulog. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magtrabaho gayong ang alam ko ay mayaman din naman sila. Maaaring hilig niya ang kumanta ngunit hindi naman niya kailangang magpuyat o isubsob ang sarili sa pagbabanda. Alam kong hindi madali iyon.

Isang saglit lang ay dumating na ang aming guro.

“Phob…Phob…” gising ko kay Phob.

            Dahan-dahang idinilat ni Phob ang kaniyang mga mata at kapagkuwan ay nag-angat ng ulo.

            “Dumating na si Maam.” sabi ko. “Heto ang assignment mo.”

            “Khaawp khun khrap.” sabi niya nang abutin nito ang kaniyang notebook.

            “Mai bpen rai. Ayos ka na ba?”

            “Uhm.” Tumango siya at saka ngumiti.

           


PLAY

            “See you tomorrow.” sabi ng aming guro bago ito lumbas.

            Itiniklop ko ang libro at kinuha ang cp ko sa aking bag.

“Hey, dude!” tawag ni Sib.

Lumingon ako sa kaniya. “What?” tanong ko.

“Magtapat ka nga sa akin, anong mayroon sa inyo ni Time?”

Natigilan ako sa puntong ito. Alam kong may koneksiyon ang tanong niya sa ipinakita kong tila pambabakod kay Time kanina.

“Bakit pala?” maang na tanong ko sa kaniya. Kunwari hindi ko nakuha ang nais nitong tukuyin.

“Bakit ba sobrang protective ka ngayon kay Time?”

Bahagya akong nag-iwas ng tingin kay Sib. Nag-isip ako ng puwede kong isasagot sa kaniya.

“Errr…Ma-Magkaibigan kami, di ba?” nauutal kong wika.

“Hey, Play! Alam kong magkaibigan kayo. Pero hindi ka naman ganoon ka protective sa kaniya noon, ah.”

Napalunok ako dahil tuloy-tuloy na ang pang-uusisang ginagawa nito. “Ano palang masama sa ginawa ko kanina?”

“Aba! Parang ayaw mong hawakan ko si Time kaya masama para sa akin ‘yon.”

“Aw! Para ‘yon lang nagagalit ka na.”

“Chai! Magkaibigan din naman kami, ah. Pero parang ayaw na ayaw mong hawakan ko siya. Hmmmm…magsabi ka nga sa akin. Mayroon ba kayong hindi sinasabi sa amin.” ngayon ay sarkastikong ngumisi si Sib na ikinakunot naman ng aking noo.

“Pao!” pasinghal kong sabi at inismiran siya.

Dinig ko pa ang pag “Hmmm” niya na tonong nanunukso. Subalit hindi ko na pinansin ang reaksiyon niyang iyon at itinuon ang aking atensiyon sa hawak kong cellphone. Maaari ngang hindi siya kumbensido roon ngunit hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya kung anumang namamagitan sa amin ni Time.

________________________________________

Pagkatapos ng aming klase sa hapon ay niyaya ko si Time na dumaan muna kami sa Siam Paragon. Matagal-tagal na ring hindi kami nakakapasyal na dalawa. Mayroon din kasi akong bibilhin ngayon kaya pagkakataon na rin namin ito para makapag-bonding.

Tumungo kami sa ikalawang palapag upang mamili ng pabango dahil paubos na rin ang paborito kong pabango. Kumuha ako ng dalawang bote. Isa para sa akin at isa para kay Time.

“For you.” sabi ko pagkatapos naming magbayad. Iniabot ko sa kaniya ang isang bote.

“Are you sure?”

“Aw! Ayaw mo ata eh.”

“Hey! Nagbibiro lang ako. Khaawp khun na.” anito at kinuha ang inabot kong bote ng pabango.

“Halika!” aya ko sa kaniya pagkatapos nang hawakan ko ang kaniyang kamay.

Nilibot pa namin ang ibang parte ng Siam Paragon. Masaya naming tinungo ang ibang bahagi niyon hanggang sa makarating kami sa shopping section. Ngunit sabay kaming napatigil nang makita makasalubong namin si Jane.

“Play....” mahinang sambit nito sa aking pangalan at sabay ngiti ng bahagya sa huli.

“Ja-Jane…” nauutal ko namang sambit sa kaniyang pangalan.

Bumaba ang tingin ni Jane sa aming mga kamay. Nagkatitigan kami ni Time at kasunod niyon ay ang dahan-dahan kong pagbitaw sa kaniyang kamay.



To be continued.......................


#cttophotonotmine

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now