Episode 2 (4/4)

5 1 0
                                    

Title: PlayTime Series
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                      EPISODE 2 (4/4)

PLAY

           Ngayong araw gaganapin ang Music Festival. Ang daming estudyanteng dumalo at lahat ay excited sa pagsisimula ng event. Yearly ito ginagawa at ngayong taon lang din ako dumalo. Sa katunayan, ayaw ko pa sana noong una ngunit bigla ring nagbago ang isip ko nang malaman kong magpe-perform si Phob.

           Tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tiningnan. Si Sib ang nag text.

           “Nandito kami malapit sa stage.” laman ng kaniyang mensahe

           Agad kong tinungo ang lugar na sinasabi niya. Malayo pa lang ay nakita ko na sila kasama si Time. Lumapit ako sa kanilang kinaroroonan.

           “Sa wakas, nandito ka na.” sabi ni Sib nang makita ako. Noong isang taon kasi ay hindi ako sumama sa kanila para dumalo sa nasabing Music Fest.

           Saglit lamang kaming nagkatinginan ni Time dahil agad din itong nag-iwas ng tingin sa akin. Sinadya kong tumabi sa kaniya. Binalewala lamang niya iyon at sa halip itinuon ang buong atensiyon sa ibabaw ng stage.

           “Hello everyone.” sabi ni P’Kit, ang presidente ng Musical Club. “Excited na ba ang lahat?” tanong pa nito pagkatapos.

           “Yes!” sabay na sigaw ng mga naririto. May mga naghihiyawan at nagpapalakpakan.

           Nang lumingon ako kay Time, nakita ko ang saya sa kaniyang mukha. Alam kong mahilig siya sa musika kaya alam kong nag-eenjoy siya.

“Gusto kong marinig ang sigawan ng lahat.” sabi ulit ni P’Kit na mas lalong nagpalakas sa hiyawan at palakpakan.

Para na ring nadala ako sa mga nakikita ko sa aking paligid. Talaga ngang nag eenjoy ang lahat ng narito.

Nang magsimulang kumanta ang unang banda ay halos gumuho ang buong paligid. Marami ang nagsisitalon at animo’y sinusundan ang bawat tugtog. Sa di inaasahang pagkakataon, bahagyang naitulak si Time ng lalaking nasa kanan niya dahilan para matumba siya. Ngunit maagap ang ginawa kong paghawak sa kaniya na naging dahilan nang pagdikit ng aming mga katawan. Nagkatitigan kaming dalawa habang hawak ko ang kaniyang beywang.

“So-Sorry.” nauutal niyang sabi at saka ko siya binitawan.

Hindi ako nagsalita at sa halip napatingin na lamang sa ibabaw.

Ang sumunod na nag perform ay si Phob.  Kita ko kung paano siya pinalakpakan at kita ko rin kung paano siya hangaan ni Time. Yes! Kahit pa hindi nito sabihin, alam kong humahanga siya kay Phob dahil sa ganda ng boses nito. Ang mga titig at mga ngiti niya habang pinapanood si Phob sa ibabaw ay sapat na para sa kaniyang paghanga.

“Ang galing talaga ni Phob.” sabi ni Sib habang papunta kami ng kantina para bumili ng makakain. Naiwan naman sina Time at Eak habang nanonood ng iba pang performance.

Hindi ko tinugon ang sinabing iyon ni Sib. Di ko mawari ngunit tila may kakaiba akong nararamdaman kay Phob lalo pa pag nakikita kong masyado silang malapit ni Time. Ang totoo, nagtataka na ako sa aking nararamdaman. Hindi naman ako ganito dati.

“May tanong ako.” sabi ko nang tumigil kami sa paglakad.

“Ano ‘yon?”

“Paano mo ba malalaman kung may gusto ka sa isang tao?”

Bahagyang natigilan si Sib. “Well, sabi ng ate ko, malalaman mong may gusto ka sa isang tao kung kinakabahan ka sa tuwing kasama mo siya. Bumibilis ang tibok ng iyong puso kapag magkadikit kayong dalawa.”

Bigla kong naalala ang naging reaction ko kanina nang hawakan ko si Time. Oo, hindi ko napigil ang naramdaman ko kanina. Kinabahan na lamang ako bigla at bumilis ang tibok ng aking puso. Noon ko lamang iyon naramdaman sa tanang buhay ko.

Lihim akong napabuntong hininga. Hindi ko alam ngunit batid kong tila may kakaiba sa akin ngayon.

“Teka lang! Ba’t mo naman naitanong ‘yon?”

Alam kong biglang namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa biglang naramdaman ko ang pag-init nito. Pilit kong iniwas ang aking paningin.

“Don’t tell me na in-love ka na ulit.”

“Huh?” nagulat ako. Ako in-love? Imposible! Hindi ako puwedeng magkagusto kay Time lalo pa’t pareho kaming lalaki.

Pero ano itong nararamdaman ko sa kaniya? Simula nang gabing may nangyari sa aming dalawa, aminado akong may bahagi ng aking pagkatao na tila curious sa mga nangyari. Wala akong maalala noon ngunit batid kong may kakaiba sa aking emosyon.

“No! Hindi ako puwedeng magkagusto sa kaniya.” Naisaloob ko na pilit na nilalabanan ang aking emosyon. Curious lang ako at alam kong mawawala rin ito.

Pagkatapos ng event ay nauna na akong umuwi samantalang magkasabay naman sina Time at Phob. Agad akong naligo at nag-ayos ng higaan. Halos hindi ako mapakaling naghintay sa pagdating ni Time. Mayroon lamang akong siguraduhin mamaya. Kailangan kong makasiguro at kailangang matantiya ko kung ano itong aking nadarama.

Mahigit isang oras na akong naglalaro ng online game ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Time. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Sakto naman ang pagtigil ng sasakyan ni Phob sa harap ng aming condo. Bumaba si Time at agad na pumasok sa loob.

Ako naman ay bumalik sa aking kama at muling naglaro ng online game. Nagkunwari akong hindi alam ang kaniyang pagdating.

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto. Pumasok si Time at patay-mali lamang ako at hindi siya pinansin. Sa hawak kong phone itinuon ang aking mga mata kahit pa wala naman doon ang aking diwa.

Kumuha ng towel si Time sa kaniyang closet at pumasok sa loob ng banyo. Halos fifteen minutes din siyang nagtagal sa loob bago lumabas. Napatigil ako nang makita ko ang kaniyang ayos. Nakasuot lamang ito ng manipis na short at puting t-shirt. Napapalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Para bang pinagpawisan na lang ako bigla.

Binuksan nito ang kaniyang laptop samantalang ipinagpatuloy ko naman ang paglalaro ng online game. Hindi kami nagkikibuan hanggang………………

“Have sex with me.” sabi ko na ikinagulat niya.

“Huh?!” gulat na sambit niya nang nilingon ako.

Nagsalpukan ang mga kilay kong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi. Pero tama ang narinig niya, gusto kong makipagtalik sa kaniya ngayong gabi.


To be continued………………………….

#cttophotonotmine

PlayTime SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon