Episode 1 (4/4)

5 0 0
                                    

Title: PlayTime Series
Author: Jenryl de Jesus (Moonlight04)
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                          EPISODE 1 (4/4)


PLAY

           Pagbaba ko ng sasakyan ay saktong nakita ko si Jane na naglalakad sa hallway na mag-isa. Dali-dali ko siyang nilapitan.

           “Jane…” tawag ko sa kaniyang pangalan na ikinatigil niya.

           “Play!?” animoy nagulat siya nang makita ako.

           Bahagya akong ngumiti sa kaniya. “Musta ka na?” pagkuwa’y tanong ko rito.

           “Okay lang naman ako. Ikaw, kamusta ka na?”

           “O-Okay lang naman.” nauutal kong sagot. Naramdaman kong namimiss ko siya na para bang gustong-gusto ko siyang yakapin.

           “Mabuti naman. Sige mauuna na ako.”

           Hahakbang na sana siya nang…..

           “Ja-Jane..” nag-aalangan kong sambit sa kaniyang pangalan.

Tumigil naman siya at nilingon ako. “Bakit?” tanong niya pagkatapos.

“Hindi na ba talaga puwedeng maging tayo?” malungkot kong tanong sa kaniya.

Napalunok siya. “Di ba napag-usapan na natin ‘yan, Play?”

“Pero -.”

“Ayaw ko nang pag-usapan ‘yan, okay?” biglang putol niya sa sinabi ko. “Sige, maiiwan na kita.” Iyon lamang at agad din siyang umalis.

Wala na rin akong magawa kundi ang mapatayo na lamang na may labis na kalungkutan sa aking puso. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Jane. Subalit, mukha atang ayaw na rin niya sa akin. Marahil tama si Sib, dapat ko na nga siyang kalimutan dahil masasaktan lang ako kung ipagpipilitan ko pa ang hindi na puwedeng mangyari.

Malungkot ang mukha kong naglakad papunta sa aming silid-aralan. Pagdating ko sa tapat ng aming room ay saglit akong napatigil sa bandang pintuan nang makita ko mula sa aking kinatatayuan sina Time at Phob habang komportableng nag-uusap na sa loob.

Mga ilang segundo rin akong nakatayo habang pinagmamasdan sila bago ako nagpatuloy sa loob niyon. Napatingin sa akin si Time nang mapansin ako nito. Dumiretso lamang ako sa aking upuan at tahimik na naupo.

Mayamaya pa’y napalingon ako sa kanila. Habang pinagmamasdan ko sila ay tila nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Naalala ko, kami ang laging magkasama ni Time noon. Siya ang lagi kong katabi at halos hindi kami mapaghihiwalay. Subalit, ibang-iba na ito ngayon. Pakiwari ko ba’y napakalayo na namin sa isa’t isa.

“Akala ko ba, okay na kayo ni Time.” sabi ni Eak pagdating niya. Humila ito ng upuan at saka naupo sa tabi ko.

“Uhm, okay naman kami.” matamlay kong saad.

“Eh bakit kay Phob pa rin siya tumabi?”

“Eh gusto niya kay Phob tumabi, eh. May gagawa ba tayo?” paismid kong wika sabay kuha ng cellphone ko sa aking bag.

Dinig ko ang buntong hininga ni Eak. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Sib. Masaya itong tumabi sa amin.

“Oh ano! Hindi niyo man lang ba ako babatiin?” kapagdaka’y nakataas kilay nitong tanong sa amin.

“Babatiin? Bakit anong meron?” kunot-noong tanong ni Eak sa kaniya.

“Aww! Nakalimutan niyo na ba? Birthday ko ngayon.”

Tama, ngayong araw pala ang kaarawan ni Sib. Napakamot na lamang ako ng aking ulo nang maalala ko iyon.

“Hey! Sorry, dude. Happy birthday.” pagkuwa’y bati ko sa kaniya sabay tapik ng kaniyang balikat.

“Happy birthday, bro.” bati rin sa kaniya ni Eak.

“Uhhmm, thank you.” si Sib at tumango sa huli. “Inuman tayo mamayang gabi. Treat ko.” sabi pa nito.

“Gusto ko ‘yan.” si Eak at biglang na-excite.

Ako naman ay walang naging reaction. Itinuon ko na lamang ang aking atensiyon sa hawak kong cellphone.

Tumayo si Sib at tinungo sina Time at Phob sa likuran. “Time, sabay ka sa amin mamayang gabi.” dinig kong sabi nito kay Time.

“Ahh, kasi may usapan kami ni Phob.” sabi ni Time na tonong tatanggihan ang alok ni Sib.

           Usapan? Hmmm, mukhang sobrang close na nilang dalawa ah.

           “Kung gusto niyo, sumabay na kayo sa amin. Birthday ko naman at saka regalo mo na ‘to sa akin, Time” pamimilit ni Sib.

           “Pero -.”

           “Play!” tawag sa akin ni Sib na agad ko namang tinugon.

           “Hmmm?” maikling tanong ko nang lumingon ako sa kanila.

           “Di ba okay lang naman sa’yo kung sasabay sila sa atin mamaya?”

           Hindi ako sumagot at sa halip napatitig na lamang ako kina Time at Phob. Nakita kong biglang nag-iwas ng tingin si Time.

           “Uhhmm. Ayos lang sa akin.” pagkuwa’y sagot ko sabay talima sa kanila. Lihim akong nagpakawala ng hangin.

           Ilang sandali lang ay dumating na ang aming guro para sa pagsisimula ng aming klase.

          

TIME

           “Okay lang ba talaga na sasama ako sa’yo mamaya?” tanong sa akin ni Phob habang papunta kami sa kinaroroonan ng kaniyang kotse. Ang nais nitong tukuyin ang ay imbitasyon ni Sib.

           “Oo naman. Huwag kang mag-aalala mababait sila.” sagot ko. Sinabi ko iyon hindi dahil gusto kong maging kampante siya kundi dahil iyon naman talaga ang totoo.

           “Hindi ba nakakahiya? Mukhang ikaw lang naman ang invited doon eh.”

           “Ano ka ba? Inimbita ka na nga ni Sib, eh. At saka pag hindi ka pupunta hindi na rin ako pupunta.”

           “Hey! Mga kaibigan mo sila kaya dapat nandoon ka. Eh ako, ngayon nga lang nila ako kinausap, eh. Hindi ko nga alam kung napipilitan lang sila dahil kasama kita.”

           “Sincere ‘yong pagka-invite ni Sib sa’yo. Kilala ko siya, medyo madaldal lang pero mabait ‘yon at saka totoong kaibigan.”

           Napaisip si Phob. “How about Play?”

           “Huh? Anong ibig mong sabihin?”

           “Mukha kasing napilitan lang siya kanina. Feeling ko, ayaw niya sa akin.”

           Bahagya akong natigilan. Tama nga si Phob. Napansin ko rin iyon. Pero alam kong dahil iyon sa akin. Ayaw niya akong makasama. Ang totoo, nais ko ring tumanggi kanina, kaso naging mapilit si Sib. Ayaw ko rin naman siyang biguin dahil alam kong espesyal iyon para sa kaniya.

           “Don’t you worry, mabait si Play. Kilala ko siya at kahtit kailan wala akong nakitang naging kaaway niya. Alam kong magiging kaibigan mo rin siya.”

           Natahimik si Phob.

           “Phob…”

           Lumingon siya. “Hmmm?”

           “Khaawp khun na.” sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

           “For what?”

           “Thank you kasi naging kaibigan kita.”

           Bahagya siyang tumawa. “Ako nga ang dapat na magpasalamat sa’yo, eh, kasi pinagtiyatiyagaan mo ako. Atleast ngayon may kaibigan na ako.” natatawa pa niyang saad.

           Ngumisi ako. “At sino namang may sabing pinagtiyatiyagaan kita? Hindi mo ba alam na masaya ako na naging magkaibigan tayo?”

           “Really?”

           “Yeah. Actually, gusto rin kitang lapitan noon kaso lang nahihiya ako at baka ayaw mo sa akin kaya nagdalawang isip ako.”

           Ngumisi naman siya. “May aaminin ako sa’yo.” pagkuwa’y sabi niya.

           “Hmmm? Ano ‘yon?”

           “Sa lahat ng kaklase natin, ikaw lang talaga ang pinangarap kong maging kaibigan.”

           Napasalpok ang kilay kong napatitig sa kaniya. “Talaga?”

           “Oo, tama ang narinig mo. Alam mo ‘yon, kahit hindi pa tayo nag-uusap noon pero ang gaan na ng loob ko sa’yo. Iyong feeling ko, makakasundo kita.” Tumawa siya ng mahina. “Hindi nga ako nagkamali. Tama nga ang hinala ko noon na makakasundo kita. Sobrang saya at sobrang suwerte ko na naging kaibigan kita.”

           Tahimik akong tumingin sa unahan. Nang sulyapan ko si Phob ay biglang namuo sa aking isipan ang isang ngiti na tanda na aking pagkatuwa. Oo, natutuwa ako na naging magkaibigan kaming dalawa.



PLAY

           Nauna na akong umalis kay Time para tumungo sa bar kung saan kami mag-iinuman. Naiwang mag-isa si Time sa kuwarto namin kanina dahil hinihintay nito ang pagdating ni Phob. Ang totoo, wala kaming imikan simula pa kanina. Ni hindi niya ako tinitingnan sa aking mga mata at halatang umiiwas siya.

           Phone ringing……

           Tumatawag si Sib. Agad kong sinagot ang tawag nito habang abala ako sa pagmamaneho.

           “Hello.” sabi ko pag on ko ng telepono.

           “Nasaan na kayo?” tanong ni Sib sa kabilang linya. Dinig ko ang ingay ng musika.

           “Papunta na.”

           “Kasama mo ba si Time?”

           “Silang dalawa ni Phob ang magkasama.”

           “Ah okay. Bilisan mo na riyan. Naiinip na kami rito ni Eak.”

           “Okay!” agad kong pinatay ang tawag nito. Kapagkuwan ay binilisan ko ang pagpapatakbo at pagkalipas ng mahigit sampung minuto ay nakarating na rin ako sa bar na sinasabi ni Sib.

           Ipinarada ko ang aking kotse katabi sa kotse ni Eak. Pumasok ako sa loob ng bar at nakita kong halos puno ang loob niyon. Naalala kong sabado pala bukas kaya inaasahan ko na ang ganitong senaryo.

           “Hey dude! At last dumating ka na rin.” masayang salubong sa akin ni Sib habang bitbit ang isang basong may lamang alak.

           “Hey! Mukhang lasing ka na, ah.” sabi ko rito dahil napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.

           “Ako lasing? Of course not! Hindi ito basta-basta nalalasing.” Natatawang sabi ni Sib. Inabutan niya ako ng isang basong may lamang alak.

           “Cheers!” si Sib at itinaas nito ang hawak niyang baso.

           Kinuha ni Eak ang basong nasa harapan nito at sabay naming itinaas ang mga hawak naming baso. Tumungab kami mula roon at naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking lalamunan.

           “Sina Time at Phob?” tanong sa akin ni Eak.

           “Parating na siguro ang mga ‘yon.” sagot ko.

           “Mukhang nakakalimutan ka na ni Time dahil kay Phob, ah.”

           Napatigil ako dahil sa sinabing iyon ni Sib. Tama siya, pagkatapos ng gabing may nangyari sa aming dalawa ay malaki na nga ang pinagbago ng aming pagkakaibigan. Si Phob na nga ang laging nakakasama ni Time. Pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil pinagtabuyan ko rin naman siya. Oo, dahil iyon sa galit ko sa kaniya. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya iyon nagawa. Hindi ako gay hater. Hindi ako homophobic. Galit lang ako dahil pakiramdam ko niloko niya ako.

           “Nagkita kami ni Jane kanina. Magkasama sila ni Korn.” sabi ni Eak na ikinatigil ko kaagad.

           “Si Korn? Di ba siya ‘yong nanliligaw dati kay Jane? Kung ganoon, totoo nga ang balita na nakipaghiwalay si Jane sa’yo, Play, dahil kay Korn.”

           Biglang uminit ang ulo ko nang marinig ko iyon. Ilang sandali lang ay nagbuga ako ng hangin para pakalmahin ang aking sarili. “Puwede ba, huwag natin silang pag-usapan? Party ito, kaya dapat mag enjoy tayo.” sabi ko at kinuha ang isang baso na punong-puno ng alak. Walang preno kong tinungab iyon lahat.

           “Ganiyan nga dude! Babae lang ‘yan. Marami ka pang puwedeng ipalit doon.”

           “Tama! Makakahanap din ako ng bago.” sarkastiko akong tumawa. Tumungab ulit ako ng isa pa.

           “Bakit hindi mo subukan ang magkagusto sa lalaki, dude?” saad ni Sib dahilan para bigla akong mabilaokan.

           “Huh?” gulat na sambit ko.

           “Sabi nga nila, kapag hindi nag work ‘yong mga relationship natin sa mga girls, bakit hindi natin subukan ang makipagrelasyon sa mga lalaki? Malay mo baka maging successful ‘yong relationship natin pag nagmahal tayo ng kapwa natin lalaki.” wika ni Sib tapos sabay tawa. Alam kong nagbibiro lang siya.

Pero ang ipinagtataka ko, bakit agad kong naalala si Time sa mga sandaling ito? Hindi ko sinasadya, pero siya agad ang pumasok sa aking isipan.





To be continued……………………………..


#cttophotonotmine

No copyright
This is a work of fiction
Plagiarism is a crime

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now