Episode 1 (1/4)

12 0 0
                                    

Title: PlayTime Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04

                     EPISODE 1 (1/4)

PLAY

Nagising akong masakit ang aking ulo. Napapahawak ako rito habang dahan-dahan kong iminumulat ang aking mga mata. Mayamaya ay bumangon ako at napapunas ng aking mukha. Napansin kong wala akong damit at agad akong napalingon sa kaliwang bahagi ko. Nagulat ako nang makita ko si Time habang mahimbing na natutulog. Nagtaka ako bigla dahil wala rin itong suot pang-itaas. Kapagkuwan ay napasilip ako sa ibabang bahagi ko.

"Shit!" gulat na sambit ko nang makita kong wala rin akong saplot pang-ibaba. Nanlaki ang mga mata kong binalingan ng tingin si Time. "Ai'Time!" lumakas ang tinig ko na ikinagising niya.

Pakurap-kurap ang mga mata niyang bumangon. Nang makita akong walang damit ay ganoon na lang ang paglaki ng kaniyang mga titig.

"Anong ginawa mo sa akin kagabi?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Hu-Huh!" nauutal siya at nakita ko ang takot sa kaniyang mukha.

"Shit, Time!" bulyaw ko sa kaniya.

"Pla-Play, let me explain." natataranta siya.

Bigla ko siyang sinuntok sa mukha. Napahawak naman siya sa bahaging tinamaan ng kamao ko.

"Let me explain." nag-aalalang saad niya.

Akmang hahawakan na sana niya ako nang.....

"Huwag mo akong hawakan! You're disgusting!" galit kong sabi sa kaniya.

Dali-dali akong tumayo at nagsuot ng damit. Pagkatapos ay galit kong nilisan ang aming silid. Mabilis ang mga hakbang kong pumunta ng hagdanan. Malalakas ang mga yapak kong binaba iyon papuntang cafeteria na sa tapat lang din mismo ng aming condo.

Nag order ako ng kape at saka naupo sa isang bakanteng mesa. Napahawak muli ako sa aking ulo dahil ramdam ko ang pananakit nito. Alam kong bunga lamang iyon ng mga alak na nainom ko kagabi. Pero higit pa roon, ang isipin ko ang mga nangyari sa pagitan namin ni Time. Halos hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon. Matalik ko siyang kaibigan pero trinaydor niya ako. Pinagsamantalahan niya ang aking kahinaan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang dumating si Sib, isa sa aming mga kaibigan.

"At anong mayroon na sa ganito kaaga parang hindi maipinta 'yang mukha mo? Don't tell me na hanggang ngayon iniisip mo pa rin si Jane." anito at naupo ito sa tabi ko.

Tiningnan ko siya ng matalim.

"Ops! Sorry dude!' nagtaas ito ng dalawang kamay.

"Puwede ba, Sib, tigilan mo muna ako. Masakit ang ulo ko eh."

"Hmmmppp! Iyan kasi, ni hindi niyo man lang kami niyaya kagabi. Tingnan mo tuloy, eh di may hang over ka ngayon. Next time dude, try invite us naman."

Inirapan ko siya at sabay buga ng hangin. Kapagkuwan ay humigop ako ng kape mula sa tasang nasa harapan ko.

"Nasaan si Time? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" palingon-lingon siya.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now