Episode 4 (1/4)

6 0 0
                                    




TIME

           Bell ringing…….

           Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong nauna nang lumabas si Play kina Sib at Eak. Nagmamadali ring sumunod sa kaniya ang dalawa.

           “Tara, time.” aya naman sa akin ni Phob.

           Kinuha ko ang aking bag at saka tumayo. Sabay na kaming lumabas ni Phob para pumunta ng canteen. Pagdating namin doon ay tinawag kami ni Sib. Lumapit din naman kami sa kanila.

           “Dito na kayo.” sabi nito sabay lipat kay Play sa kabila.

           “Thank you.” sabi ni Phob at sabay lapag ng kaniyang bag sa mesa. 

           Bahagya lamang akong ngumiti at saka napatingin kay Play. Kunot-noo niya akong tinitigan ngunit iyon ay panandalian lamang dahil agad din nitong ibinaling ang mga mata sa hawak niyang cellphone.

           “Anong gusto mong kainin, dude?” tanong ni Sib kay Play.

           “Same.” walang buhay na sagot ni Play.

           “Time, anong gusto mong kainin?” tanong naman sa akin ni Phob.

           “Ikaw nang bahala, Phob.” agap kong tugon.

           “Okay! Kami na lang ang o-order.” sabi ni Sib. Kasunond niyon ay niyaya niya sina Eak at Phob.

           Nang umalis sila ay saglit akong napasulyap kay Play. Saktong pagtingin ko ay napatingin din naman siya sa akin dahilan para magkasalubungan ang aming mga mata.

           Kumunot ang noo niya samantalang napapalunok naman ako.

           “Khaaw thot.” saad ko.

           “Whatever! Gawin mo ang gusto mo!” galit niyang sabi at saka niya ako inismiran.

           Napayuko na lamang ako at sabay na nagpakawala ng isang malalim na hininga. Hindi ko na sinubukang kausapin siya ulit hanggang sa bumalik ang tatlo naming kaibigan.

           “Ayos lang ba kayo?” takang tanong ni Eak dahil napansin nitong napakatahimik namin ni Play.

           Hindi sumagot si Play kaya napilitan na lamang akong magsalita.

           “Uhm.” maikling tugon ko at ngumiti ng pilit.

           Inilapag ni Phob sa aking harapan ang binili nitong pagkain.

           “Thank you.” mahinang saad ko at sinimulang galawin ang pagkaing nasa pinggan. Tahimik pa rin kami ni Play hanggang ngayon at tila ba hindi namin nakikita ang isa’t isa.

           Nasa kalagitnaan pa lang kami ng aming miryenda nang…..

           “Busog na ako.” biglang sabi ni Play at sabay tayo. Kinuha nito ang kaniyang bag at saka umalis.

           “Aw! Anong problema ‘nun?’ takang tanong ni Sib.

           Nagkatinginan na lamang kaming apat ngunit sa likod niyon ay naroon ang aking pag-aalala. Alam kong galit si Play kaya siya umalis. Nais ko man siyang habulin ngunit nag-aalangan ako. Ayaw kong mahalata nila kung anuman ang namamagitan sa aming dalawa.

          

PLAY

           “Play, sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin?” tanong sa akin ni Eak. Nagkayayaan kasi sila na mamasyal ngayon.

           “Uhm.” matamlay kong saad.

           “May problema ka ba, dude?” nag-aalalang tanong ni Sib.

           “Pao! Pagod lang ako.” Napabuntong-hininga ako.

           “Okay! Pero pag nagbago ang isip mo, sumunod ka sa amin.”

           “Uhm” at isang simpleng tango ang ginawa ko sa huli. Kapagkuwan ay agad din akong nagpaalam sa aking mga kaibigan. Actually, wala ako sa mood para sumama ngayon sa kanila. Useless lang din kung pupunta ako tapos hindi ko rin mai-enjoy ang bawat moment.

           Papasok na ako ng condo nang saktong huminto ang sasakyan ni Phob. Napatigil ako at nakita ko ang pagbaba ni Time.

           “Bye, Phob.” dinig kong sabi nito pagkatapos nitong isara ang pinto.

           Ako naman ay nagpatuloy sa paglakad. Binilisan ko ang aking mga hakbang upang hindi ako mahabol ni Time. Pagdating ko sa loob ng aming silid ay agad kong inilapag ang aking bag at nagpalit ng damit. Kapagdaka’y nahiga ako sa aking kama.

           Mayamaya lamang ay bumukas ang pinto. Hindi na ako napatingin pa roon dahil alam ko naman kung sino ang pumasok. Wala akong ibang marinig maliban sa mga kilos na ginagawa ni Time.

           Ilang saglit lang ay……..

           “Play, puwede ba tayong mag-usap?” wika niya subalit hindi ko siya pinansin. “Play, kausapin mo naman ako, oh.” sabi pa nito ulit sa tila nagsusumamo na tinig.

           “Bakit naman kita kakausapin?” sarkastiko kong tanong sa kaniya ngunit hindi ko pa rin siya tinitingnan hanggang ngayon.

           “P’Khaaw thot. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Kung saan ako lulugar, kung magpapatuloy ba ako o iiwas na lang. Naguguluhan ako, Play.”

           Ngayon ay tiningnan ko na siya. “Akala ko ba malinaw na sa’yo ang lahat. Hindi ko kayang ibigay ang gusto mong pagmamahal. Magkaibigan lang tayo at sana naman matanggap mo iyon. Alam mong mahalaga ka sa akin pero hanggang doon lang tayo.”

           Nagsimulang mamula ang gilid na bahagi ng mga mata ni Time, ngunit pansin kong pinigil niya iyon.

           “Alam ko. I’m sorry.” malungkot na wika nito. Kasunod niyon ay napayuko siya.

           Tumayo ako at tinungo siya. Kinuha ko ang kaniyang kamay. “Time, kahit magkaibigan tayo kaya kong punan ang pangangailangan mo. Kaya kong gawin ‘yong bagay na ginagawa natin. Pero gusto kong linawin sa’yo lahat na hanggang doon lang tayo. I’m sorry.”

           Isang hilaw na ngiti ang nasilayan ko sa kaniyang mga labi. Batid kong nasasaktan siya dahil sa mga sinabi kong iyon.

           “Hindi mo kailangang gawin ‘yon. Tanggap ko naman, eh. Bigyan mo lang ako ng panahon at magiging okay ang lahat. Play, sorry kung minahal kita. Pinigil ko naman kaso lang nadaig ako ng sarili kong damdamin. Huwag kang mag-aalala, simula ngayon pipilitin kong kalimutan kung anumang nararamdaman ko para sa’yo.” wika nito.

           Natikom ang bibig ko dahil sa sinabi niyang iyon. Sinubukan nitong kumawala sa mga hawak ko. Mayamaya ay tumalikod siya at humakbang papuntang pintuan.


TIME

           Kasabay ng mga hakbang ko ay nagsimulang dumaloy ang aking mga luha. Hindi ko na nagawang pigilin pa iyon. Pakiramdam ko ay masyado na itong mabigat at kailangan ko ng mailabas.

           Pagdating ko ng pinto ay dahan-dahan ko itong binuksan at saka lumabas. Nang maisara ko iyon ay agad akong napasandal sa pader at tuluyan na akong napahagulgol.

           Inaasahan ko na na masasaktan ako sa oras na sabihin iyon ni Play. Ngunit hindi ko akalain na mas masakit pa pala ito sa inaakala ko. Oo, ang pighating nadarama ko ngayon ay walang kapantay. Pakiwari ko ba’y bigong-bigo ako sa unang beses na pagtibok nitong aking puso.

           Pumunta ako ng cafeteria at doon muna tumambay. Halos isang oras din akong nakaupo rito hanggang maramdaman kong medyo okay na ako. Bago ako bumalik ay binilhan ko muna si Play ng paborito niyang pagkain at inumin.

           Isa munang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago ko binuksan ang pinto. Bigla akong binalingan ni Play ng kaniyang mga titig pagpasok ko. Bahagya akong tumigil habang nakatitig din ako sa kaniya. Lihim akong nagpakawala ng hangin at pagkadaka’y ningitian ko siya.

           “Heto! Binilhan kita ng paborito mong pagkain.” sabi ko at lumapit sa kaniyang kinaroroonan. Inilapag ko iyon sa maliit na mesa. “Kumain ka na.” ani ko pagkatapos.

           “Ti - .” hindi natapos ang kaniyang sasabihin.

           “Hindi ka ba uuwi sa inyo ngayong weekend?” biglang putol ko sa kaniyang sinabi.

           “Ahhh…hindi siguro. Ikaw, uuwi ka ba sa inyo?”

           “Yeah! Birthday kasi ni N’Than ngayong sabado. Kailangang nandoon ako.”

           “Ganoon ba. Kung ganoon sasa - .”

           “Sasama sa akin si Phob. Inimbita ko kasi siya. Gusto siyang makilala ni P’Thorn.”

           Bahagyang natigilan si Play. “Okay! Pakisabi na lang kay N’Than na happy birthday.” pagkuwa’y sabi niya.

           “Khrap.” Iyon lamang at tumungo na rin ako sa aking kama.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nahiga na rin ako. Tila isang normal na pag-uusap lamang ang nangyari sa pagitan namin ni Play bago lang. I had to pretend everything was okay. Even though it was hard I had to that. I hope the time comes and I can say that I have completely forgotten my love for Play.


To be continued…………………………


#cttophotonotmine

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now