Episode 7 (1/4)

14 0 0
                                    

PLAY

Lumalalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Time. Pagkatapos ng eksena kanina, ay mabilis siyang lumabas ng aming silid. Alam kong nasaktan ko siya at labis akong nag-aalala ngayon. Sinusubukan ko siyang kontakin sa kaniyang telepono subalit hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko.

Napahawak ako sa aking ulo at sabay mura ng bahagya. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng drawer at agad na lumabas ng silid. Mabilis kong binaba ang hagdan papuntang parking lot. Hahanapin ko si Time.

Pagdating ko roon….

“Play!” dinig kong tawag sa aking pangalan.

Agad kong nilingon ang pinagmulan ng nasabing tinig. Laking gulat ko nang makita ko si Jane.

“Ja-Jane?” nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.

Ngumiti siya at dahan-dahang lumapit sa aking kinaroroonan.

“Anong ginagawa mo rito, Jane?” kapagdaka’y tanong ko sa kaniya paglapit nito.

“Puwede ba tayong mag-usap?” anito sabay ngiti ng bahagya.

Hindi agad ako tumugon at sa halip ay napatitig na lamang kay Jane.

“Puwede ba doon tayo sa room mo?” si Jane sa malambing nitong boses.

“Okay!” tugon ko sabay hawak sa kaniyang kamay.

Palingon-lingon ako habang pabalik sa loob ng building sa pagnanais na makita ko si Time. Ngunit ni anino nito ay wala akong makita ngayon.

Ilang sandali lang ay nasa loob na kami ng kuwarto. Umupo si Jane sa gilid ng aking kama. Palingon-lingon ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng silid.

“Si Time?” anito pagkatapos.

“Hu-Huh!” nagulat ako. “Err, ma-may pinuntahan siya ngayon.” Nauutal kong sagot.

“Uuwi ba siya ngayon?”

“Ahhh, hindi ko pa alam eh. Tinatawagan ko siya upang tanungin, kaso hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.”

“Kung ganoon, mag-isa ka lang ngayon dito?”

Pilit akong ngumiti dahil sa sinabing iyon ni Jane. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya rito. Sa katunayan, nakatulog na rin siya dati rito noong kami pa. Subalit simula nang maghiwalay kami, ay para bang nakakaramdam din ako ng pagkailang sa tagpo ngayon.

“Kumain ka na ba, Jane?” tanong ko nang tumungo ako sa maliit na mesa sa pagitan ng mga kama namin ni Time. May mga binili kasi akong pagkain kanina nang umalis si Time. Alam ko kasing hindi pa siya kumakain.

“Umm, tapos na akong kumain.” agap na tugon ni Jane.

Naglagay ako ng tubig sa baso at tinungo ang kinaroroonan ni Jane para iabot iyon sa kaniya.

“Uminom ka muna.” sabi ko nang iabot ko sa kaniya ang hawak kong baso.

“Salamat!” anito at sabay kuha ng baso sa kamay ko.

Tumabi ako sa kaniya sa pag-upo.

“Anong pag-uusapan natin, Jane?” tanong ko pagkatapos.

Tiningnan ako ni Jane at sabay ngiti ng malambing. Hindi siya nagsasalita subalit ang kaniyang mga titig ay nangungusap. Bagay na nagparamdam sa akin ng kakaiba sa mga sandaling ito.

TIME

Nakailang beses na ring tumunog ang cellphone ko, ngunit ni isa sa mga tawag ni Play ay wala akong sinagot. Batid kong nag-alala siya sa biglang pag-alis ko at ang hindi ko pagbalik ngayon. Ngunit, paano ko naman siya pakikitunguhan pagkatapos ng mainit naming talakayan kanina?

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now