Episode 5 (2/4)

3 1 0
                                    

TIME

Flashback

Napatigil na lamang kami nang makasalubong namin si Jane.

“Play…..” mahinang sabi niya nang tumigil din siya sa aming harapan.

“Ja-Jane….” nauutal namang sambit ni Play sa kaniyang pangalan.

Bumaba ang tingin ni Jane sa aming mga kamay. Nagkatitigan kami ni Play hanggang naramdam ko ang dahan-dahang pagbitaw nito sa aking kamay.

“Puwede ba tayong mag-usap, Play?” tanong ni Jane.

Hindi tumugon si Play at sa halip tiningnan na lamang niya ako. Kahit hindi nito sabihin nakuha ko ang nais nitong tukuyin.

Walang anumang salita akong binigkas at sa halip sinimulan ko ang paghakbang ng aking mga paa.Pakiramdam ko napakabigat ng aking katawan at halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Tahimik akong lumayo mula sa kanila hanggang nagsimula akong makaramdam ng kakaibang kirot.

Oo, pilit ko mang iwaksi ngunit hindi ko magawang hindi masaktan sa puntong ito. Pakiwari ko ba’y naagawan ako ng isang napakaimportanteng bagay na labis kong ikinalungkot. Hnaggang hindi ko na namamalayan nakarating na pala ako sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Play.

End of Flashback

Magli-limang minuto na akong nakatayo rito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Play. Feeling ko naghihintay ako sa wala na hindi alam kung lalabas pa ba siya o mas nainisin nitong makasama si Jane ngayon.

Saksi ko kung gaano niya kamahal si Jane noon. Si Jane ang unang girlfriend niya at alam kong hindi niya iyon ganoon kadaling makalimutan. Nakita ko kung paano siya nasaktan noong mga panahong nagkahiwalay silang dalawa. Nagmakaawa pa siya at halos lumuhod sa harapan ni Jane para hindi lang siya nito hiwalayan.

Lumipas pa ang limang minuto ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Play. Mayamaya pa’y may humintong kotse sa aking harapan. Si Phob ang sakay niyon.

“Time?” anito pagbukas ng bintana ng kaniyang sasakyan.

Nakatulala akong napatitig sa kaniya. Parang wala ako sa sarili at hindi ko alam kung paano magsimula.

Bumaba si Phob at lumapit sa akin.

“Are you okay, Time?” nag-aalalang tanong niya dahil sa hindi man lang ako kumilos o kumibo man lang.

“Huh? Errr….yeah.” nauutal kong sagot nang bumalik ako sa aking katinuan.

“Bakit ka nandito?”

Hindi ako sumagot at napatingin na lamang ako sa kaniya.

Napalingon si Phob sa kaliwang bahagi nang mapansin nito ang sasakyan ni Play. “Nasaan si Play?” pagkuwa’y tanong nito.

Napalingon ako at nang masiguro kong wala pa rin si Play ay nakiusap  na ako kay Phob na kung puwede ay ihatid ako nito. “Puwede mo ba akong ihatid ngayon?”

Hindi agad sumagot si Phob. Napatingin pa siya pintuan ng mall. “Okay.” anito at pinagbukas ako ng pinto.

Pagkatapos kong pumasok ay dali-dali rin nitong tinungo ang kabilang parte ng sasakyan at pumasok sa loob niyon. Sinimulan niya ang pagpapaandar sa makina at nilinisan namin ang Siam Paragon. Hindi ko inisip kung ano ang magiging reaction ni Play kapag nalaman niyang nauna na akong umuwi sa kaniya. Ang tanging batayan ko lamang ay ang nararamdaman ko ngayon - nasasaktan ako nang di ko ginusto.

Tahimik lamang ako at ang tanging ang laman ng aking isipan ay ang tagpo kanina. Batid kong wala ako sa tamang posisyon para makaramdam ako nito ngunit simula nang sabihin sa akin ni Play na bigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ako ay umasa na rin ako roon.

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now