Episode 6 (1/4)

7 1 0
                                    



TIME

Pagdating ko ng classroom ay tahimik lamang akong naupo sa aking upuan. Laman pa rin ng aking isipan ang naganap na yakapan  sa pagitan nina Play at Jane.

“Are you okay?” tanong sa akin ni Phob na kararating lang.

Tiningnan ko siya. “Uhm.” simpleng tugon ko rito at saka tumango. Nagbukas ako ng aklat para magbasa kahit pa wala roon ang aking konsentrasyon.

Mayamaya lang ay dumating naman si Play. Saglit akong napatingin sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Hindi ko pinatagal pa iyon at sa halip ay muling itinuon ang aking buong atensiyon sa hawak kong libro.

“Time, may gagawin ka ba mamaya?” kapagkuwan ay tanong sa akin ni Phob.

“Wala naman. Bakit pala?”

“Puwede ba kitang yayain mamayang gabi sa resto bar na kinakantahan namin?”

Naisip kong matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag unwind kaya naman pumayag din ako.

“Okay.” ani ko na ikinasaya naman ni Phob.

Bukod sa makapag-unwind, layon ko ring makalimot sa lahat. Kahit wala akong karapatang magselos, subalit aminado naman akong hindi madali sa akin ang nasaksihan ko kanina. Pilit ko mang iwaksi ngunit ganoon naman dumidiin sa aking puso ang kakaibang kirot na dulot ng nakita kong yakapan nina Play at Jane.

Ilang segundo ang lumipas ay dumating na ang aming guro at agad na nagsimula ang aming klase. Nakakabagot makinig subalit pinilit kong ituon ang aking buong konsentrasyon sa aming naging leksiyon.



PLAY

“Nagkabalikan na ba kayo ni Jane?” tanong ni Sib habang palabas kami ng room.

“Hindi. Bakit naman?” maang na tanong ko sa kaniya.

“Heto!” aniya at ipinakita sa akin ang kaniyang cellphone.
Nakita ko ang larawan namin ni Jane sa web ng school kung saan magkayakap kaming dalawa. Kuha ito kaninang umaga. Hindi na ako nagbigay pa ng reaksiyon gayong sanay naman ako sa ganoon. Ngunit bigla kong naalala si Time. Sigurado akong nakita na nito ngayon ang nasabing litrato.

“Hey, dude! Kung hindi pa kayo nagkabalikan, eh ano naman ang ibig sabihin nito?” usisa ulit ni Sib.

“Walang ibig sabihin ‘yan. Niyakap niya lang ako kaya ganyan ‘yan.” nagsalpukan ang mga kilay ko.

“Di ba mahal mo pa siya? Bakit hindi ka na lang makipagbalikan sa kaniya?” saad naman ni Eak.

“Puwede ba, huwag niyo nga akong pangunahan!” matigas kong sabi at binilisan ko ang aking mga hakbang.

“Aw! Anong nangyari doon?” dinig kong sabi ni Sib.

Ngunit di ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy ako sa mabilis kong paglakad. Pagdating ko sa dulong bahagi ng hallway ay napatigil ako nang makita ko sina Time at Phob na masayang nag-uusap habang nagmimiryenda. Hindi ko namamalayan dahan-dahan na palang kumunot ang noo ko habang nagmamasid sa kanilang dalawa.

“Mukhang nagkakamabutihan na ata silang dalawa.” sabi ni Sib paglapit nila sa aking kinaroroonan. Hindi ko namalayan iyon.

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Datapwat malinaw sa akin ang set up namin ni Time, hindi ko naman puwedeng ikaila na may namumuong inis sa aking dibdib kapag nakikita ko silang dalawa ni Phob. Lately, naging possessive ako sa kaniya na pakiwari ko ba’y ayaw kong may kasama siyang iba.

“Alam niyo, boto ako kay Phob para kay Time eh. Bagay naman sila. Guwapo si Phob at saka mabait naman. Hindi lang ‘yon, talented pa.” turan pa ni Sib.

Napaismid naman ako at kapagdaka’y muling inihakbang ang aking mga paa. Inilihis ko ang aking mga lakad para hindi na madaanan sina Time at Phob. Sumunod naman sa akin ang dalawa kong kaibigan papuntang kantina.

Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay naghanap kami ng bakanteng mesa. Ramdam kong wala pa rin ako sa tamang mood hanggang ngayon. Alam kong umiiwas na naman sa akin si Time. Ayaw ko ng ganoon ngunit hindi ko rin puwedeng iwasan o tanggihan si Jane. Matagal din akong nangarap na magkabalikan kaming muli at ngayong alam kong wala na sila ni P’Korn, malaki ang chance na mangyayari iyon.

Maaaring selfish ang dating ko, ngunit hindi ko rin puwedeng hayaan na mawala sa akin si Time. Sa paulit-ulit na may nangyayari sa aming dalawa, aminado akong hindi lang basta kaibigan ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon. Higit pa roon ang tila namamagitan sa aming dalawa.

“Gusto niyo bang mag bar mamaya?” tanong sa amin ni Sib.

“Ayaw ko.” biglang sagot ni Eak. Ni hindi man lang nito tiningnan si Sib.

“Ai’Eak, napaka-KJ mo talaga. Paminsan-minsan nga lang tayo mag party.” angal naman ni Sib.

“Eh ayaw ko nga eh. Saka malapit na ang exam natin. Puwede ba, mag seryoso ka naman!” saway ni Eak kay Sib. Tumaas ng bahagya ang boses niya.

“Aw! Hindi na pala puwedeng lumabas tayo paminsan-minsan? Saka masyadong boring sa condo.”

“Wala naman akong sinabing hindi puwedeng lumabas. Pero malapit na ang exam. Kailangan nating mag-aral, lalo ka na.”

“Hey, Eak!”

“Tama si Eak. Hindi puwedeng lumabas tayo ngayon. Kailangang mag focus tayo sa exam natin.” Pagsang-ayon ko sinabi ni Eak.

Napanguso na lamang si Sib na parang bata. Sa aming tatlo, siya ang outgoing. Mahilig sa party at mahilig lumabas. Palibhasa’y sanay sa buhay na marangya at lahat kayang gawin nito. Minsan, nadadala rin ako sa kaniya. Mabuti na lang talaga na nandiyan si Eak, laging taga-remind namin at napapanatiling balanse ang mga bagay-bagay.

Ilang saglit lang ay narinig namin ang hiyawan ng mga grupo ng mga estudyante. Napatigil naman kami at napatingin sa mga ito. Nagtaka kami kung anong mayroon, ngunit laking gulat namin nang makita namin ang pagpasok nina Time at Phob.

“Anong meron?” takang tanong ni Sib.

“Ewan!” maang na sagot ko naman.

“Heto!” si Eak at ipinakita sa amin ang bagong gawa na page….PhobTime.

Kumunot ang noo kong napatitig sa cellphone ni Eak. “Ano ‘to?”

“Bagong loveteam.” sagot ni Eak.

Para bang biglang uminit ang ulo ko nang marinig ko iyon. Bagong loveteam? Mayroon na palang ganoon? Napatayo ako bigla at kinuha ang aking bag. Hindi ko alam ngunit sinalubong ko sina Phob at agad na hinawakan ang kamay ni Time at hinila palabas ng kantina.

Nagulat ang lahat dahil sa ginawa kong iyon. Tila natahimik ang buong paligid ngunit dire-diretso lamang ako habang hila-hila ko ang kamay ni Time.

“Play!” angal ni Time na pilit na kumawala sa pagkakahawak ko sa kaniya.

Ngunit hindi ako tumigil hanggang napadpad kami sa likurang bahagi ng building kung saan madalang lang ang mga estudyanteng pumaparoon.

“Ano bang nangyayari sa’yo?” galit na tanong ni Time nang bitawan ko ang kaniyang kamay.

“Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Ano bang nangyayari sa’yo at pumayag ka sa loveteam ninyo ni Phob?” matigas kong tanong sa kaniya.

“Nakita mo naman, di ba? Hindi kami ang gumawa ng nasabing page. Saka anong masama roon kung ishi-ship nila kami?”

“So gusto mo rin? Gusto mo rin na i-ship kayong dalawa?”

“Eh ano naman kung i-ship nila kaming dalawa ni Phob. Single si Phob at single din ako.”

“Shit Time! Eh ano pala tayo?” lumakas lalo ang boses ko.

Bahagyang napatigil si Time. Tinitigan niya ako at pagkatapos ay ngumisi.

“Walang tayo, di ba? Magkaibigan lang tayo, Play. Friends with benefits. Ganoon lang tayo. Kaya wala kang karapatan na magalit.”

Sa puntong ito ako naman ang napatigil. Datapwat ramdam ko ang galit ay nagtimpi naman kaagad ako.

“Bakit, Play? Okay lang naman sa akin na makita kayong dalawa ni Jane, ah. Nakita mo bang nagalit ako? Hindi, di ba? Kahit alam mo kung gaano kita kagusto. Kaya ka lang naman nagkakaganyan dahil natatakot ka na mawawalan ka ng mapaparausan. Pero pag nagkabalikan na kayo ni Jane, sigurado ako, itatapon mo rin ako na parang basura. Ngayon, maaaring kailangan mo pa ako, pero darating ang panahon, iiwasan mo rin ako. Di ba nandidiri ka sa akin noon?”

“Shit Time!” sigaw ko at umaksyon akong susuntukin siya. Ngunit pinigil ko agad ang aking sarili.

“Bakit hindi mo ituloy katulad nang ginawa mo noon?” Nanginginid ang kaniyang mga mata.
Kahit hindi tumama ang kamao ko sa kaniya, ramdam kong nasaktan ko na siya.



To be continued……………………



PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now