Episode 2 (2/4)

7 0 0
                                    

Title: PlayTime Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                         EPISODE 2 (2/4)

TIME

            Hindi ko na hinintay ang paggising ni Play. Sinadya kong umalis habang tulog siya. Hindi ito gaya ng dati na sa tuwing uuwi ako sa amin ay nagpapaalam ako.      

“P’Time….” masayang salubong sa akin ni N’Than pagpasok ko ng bahay. Siya ang bunso naming kapatid at sampung taon ang pagitan naming dalawa.

            Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Namiss kita.” saad ko pagkatapos. Kapagkuwan ay pumunta kami sa sala kung saan naghihintay si P’Thorn. Mas matanda lamang siya sa akin ng apat na taon. “Hello, P’.” bati ko naman sa kaniya.

            Ngumiti lamang si P’Thorn at saka kinuha sa akin si N’Than.

            “P’Time, puwede mo ba akong turuang mag piano?” naglalambing ang tinig na sabi ni N’Than. Mahilig din kasi siya sa music. Actually sa aming tatlo, si P’Thorn ang mahilig sa piano na nakahiligan na rin ng aming bunsong kapatid. Ngunit dahil sa laging nagpapaturo sa akin si Than kaya natuto na rin akong tumugtog nito.

            “N’Than, pagod pa si P’Time. Ako na lang muna ang magtuturo sa’yo mamaya.” wika ni P’Thorn na ikinasimangot ni N’Than.

            “Mai bpen rai, P’.” sabi ko sabay himas sa ulo ni N’Than. Natuwa naman siya dahil sa sinabi kong iyon.

            Inilapag ko ang aking bag at tumungo kami ni Than sa kinaroroonan ng piano. Kapagkuwan ay naupo kami at nagsimulang tumugtog.

            “Wow! Ang galing mo nang tumugtog, huh.” wika ko pagkatapos tugtugin ni Than ang paborito nitong piyesa.

            “Lagi kasi akong tinuturuan ni P’Thorn.” masayang kuwento nito.

            “Hmmm, nagpapaturo ka lang sa akin dahil wala si P’Time. Pero pag nandito siya, sigurado akong ayaw mo sa akin.” sabi ni P’Thorn na nasa aming gilid lamang nakatayo.

            “Hindi naman totoo ‘yon, P’, eh.” maktol na sabi ni Than. Tumawa na lamang ako ng bahagya.

            Sa aming dalawa ni P’Thorn, sa akin higit na malapit si N’Than. Marahil dahil kami ang kadalasang magkasama noon habang abala sa pag-aaral si P’Thorn. Subalit simula nang magtapos si P’Thorn ng pag-aaral at tumuntong ako ng kolehiyo ay sila naman ang mas nagkakaroon ng time na magkasama ngayon.

            “N’Than, kailangan mo ng maligo” sabi ni Kaewpen, isa sa aming mga katulong.

            “Sige na N’, maligo ka na dahil tanghali na.” saad ni P’Thorn. Agad namang tumayo ang aming bunso at tinungo si Kaewpen. Samantalang naiwan naman kami rito ni P’Thorn.

            Sinimulan ko ang pagpindot sa mga keyboard ngunit wala naman iyon sa tamang tiempo.

            “Okay ka lang?” tanong sa akin ni P’Thorn nang tumabi ito sa akin.

            “Uhm.” matamlay na sagot ko at sabay tango. Ngunit alam kung hindi rito kumbinsedo si P’Thorn.

            “Si Play ba?” tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ako tumingin sa kaniya at sa halip huminga lamang ako ng malalim. “Time, magkapatid tayo at kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko kung anong iniisip mo. Hindi mo kailangang maglihim dahil nakahanda akong makinig sa’yo. Noon pa lang, alam ko na kung anong nararamdaman mo para kay Play. Nakita ko kung paano kayo lumaki at alam kong espesyal siya para sa’yo.”

PlayTime SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon