Episode 2 (3/4)

6 0 0
                                    

Title: PlayTime Series
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                           EPISODE 2 (3/4)

PLAY

            “Eh kaya pala wala si Time kasi umuwi siya sa kanila, eh.” saad ni Sib habang kumakain kami rito sa cafeteria.

            “Umuwi?”

            Ipinakita ni Sib ang cellphone nito sa akin. “Heto, kaka-post lang niya kasama ang Kuya at bunsong kapatid niya.” anito.

            Nagsalpukan ang mga kilay kong tiningnan ang posted photos ni Time. Umuwi pala siya pero kahit magpaalam ay hindi man lang niya ginawa. Hmmmpp! Kapagkuwan ay napaismid ako at tila ba nawalan agad ako ng gana.

            “May problema ba kayo ni Time?” tanong ni Sib na ikinatigil ko. “Napansin ko kasi parang umiiwas siya sa’yo. May ginawa ka bang masama sa kaniya?”

            “Wala! At saka ba’t parang ako lagi ang may masamang ginawa sa aming dalawa?” nainis ako bigla.

            “Aw! Sa inyong dalawa, di hamak na mas mabait si Time.”

            Bahagya kong sinipa si Sib. Kahit kailan mas masama talaga ang tingin nito sa akin kumpara kay Time. Kung alam lang niya kung anong ginawa ni Time.

            “Just kidding.” biglang bawi ni Sib. “Naninibago lang kasi ako. Hindi ako sanay na makitang iniiwasan ka niya. Lalo na simula noong naging close sila ni Phob. Hindi ka ba nag-aalala ron?”

            “Bakit naman ako mag-aalala?”

            “Siyempre baka tuluyan nang mawala si Time sa’yo. Matalik kayong magkaibigan pero iba na ang nakakasama niya lagi ngayon.”

            Natahimik ako at seryosong napatingin kay Sib. Naisip kong posible ang sinabi niya. Kung pagbabasehan ko nga ang pakikitungo sa akin ni Time sa mga nakaraang araw ay masyado na nga itong cold. Tila ba ayos lang sa kaniya na hindi kami nagpapansinan. Pero sa kabilang dako, naisip kong ako naman ang may gustong iwasan ako nito. Di ba dapat normal lang na ganoon ang pakikitungo niya sa akin?

            Pagkatpos naming kumain ni Sib ay agad din naman siyang nagpaalam para umuwi ng kaniyang condo. Ako naman ay bumalik na rin sa aming kuwarto. Mag-isa kong inakyat ang hagdan nang makasalubong ko sina Jane at Korn. Napatigil naman ako nang makita ko sila.

            “Pla-Play.” nauutal na sambit ni Jane sa pangalan ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagkikita namin ngayon.

            Nasa isang condo unit lang din kasi kami ni Korn. Nasa 4th floor siya nakatira samantalang nasa 2nd floor naman ang kuwarto namin ni Time.

            Tinapunan ko na lamang sila ng isang hilaw na ngiti. Hindi na kagaya ng dati ang nararamdaman ko ngayon. Tila ba wala na sa akin ang pagtatagpo naming ito ni Jane kahit pa kasama nito si Korn ngayon.

            Muli kong inihakbang ang aking mga paa paakyat papuntang kuwarto. Pagpasok ko ng loob ay pabagsak kong inihiga sa kama ang aking katawan. Kapagdaka’y kinuha ko ang aking cellphone at naglaro ng online game. Mahigit isang oras din akong naglaro hanggang sa makatulog ako.

TIME

            “Thank you, Uncle.” sabi ko kay Uncle Ben bago ako bumaba.

            “Narito ang mga gamit mo, Young Master.” anito sabay abot ng aking bag.

            “Salamat, Uncle.”

PlayTime SeriesWhere stories live. Discover now