. . . ⇢ 96 ˎˊ˗

131 11 9
                                    

ang lahat ay napatingin sa bagong dating, si mrs. so 'yon dala ang isang black jar na naglalaman ng abo ni francine. yes, pinili nilang ipa-cremate na lang ito since hindi na maayos ang itsura ng dalaga matapos maipit ang kalahating katawan nito sa eroplano.

well, that was the police and mrs. so says.

nakakalungkot lang dahil hindi nila makita ang labi ng kaibigan nila kahit wala na ito. sobrang unexpected ng nangyari, hindi nila inaasahan na masasawi si francine sa pagc-crash ng eroplano.

but at the same time, may kaunti din silang sama ng loob sa dalaga dahil hindi ito nagpaalam. hindi naman sila galit, nagtatampo lang dahil kung nagpaalam si francine, baka.. baka at least napigilan nila ang dalaga.

pero sino ba kasing nage-expect na magc-crash ang eroplanong sinasakyan niya, di'ba? no one, everything is unexpected. pero ganun talaga ang buhay, mahilig manggulat. mahilig manakit. mahilig magpahirap.

'yung tipong hindi pa umaabot ng isang linggo mula nang mamatay si hera tapos sumunod agad si francine. ang sarap lang upakan ni life minsan e. hindi na kasi minsan maintindihan ang mga gusto niyang gawin sa buhay ng bawat tao.

ngayon ay kasalukuyan silang nasa lamay ni francine. dadasalan ito ng pari saka itatapon ni mrs. so ang abo ng dalaga sa dalampasigan. akala nga nila ikekeep ni mrs. so ang abo gaya ng iba pero mas maganda na daw na pakawalan ang dalaga.

i mean, normal naman talaga na pakawalan ang abo ng isang namatay pero hindi ba ginagawa lang 'yon sa oras na tuluyan ka na naka-move on sa pagkamatay niya? or pwede rin 'yon talaga ang gusto ni mrs. so.

but for sunghoon, mrs. so's actions are strange.

gaya na lang noong bago ipa-cremate ang labi nito. bakit hindi man lang sila pinayagan ni mrs. so na makita si francine bago 'to i-cremate? kahit pa sabihin nilang hindi na maitsura ang bangkay ng dalaga, gusto pa rin nila ito makita.

napatingin si sunghoon sa phone niya nang maramdaman itong mag-vibrate. kinuha niya 'yon at agad sinagot matapos makita ang pangalan ni charlotte sa screen.

"cupcake."

"makakauwi ka?"

narinig ni sunghoon ang buntong hininga nito. "as expected, i can't. ginawa ko na lahat, sinabi na kahit ilang oras lang at uuwi na 'ko agad pero ayaw pa rin nila. i'm sorry, hoonie."

sunghoon just smiled softly. "i understand."

"i'm really sorry, pasabi na lang condolence."

"i will."

"by the way, is jungwon already there? does he already know? honestly, i can't help but worry about that boy, i know how much he loves her. ngayon, pareho na sila ni ni-ki nawalan.. ghad, bakit kailangan mangyari 'to?" mahahalata ang lungkot sa boses ni charlotte.

huminga ng malalim si sunghoon. "you know what?"

"what?"

"i kinda feel guilty about what happened."

"eh? bakit naman?"

"nananalangin ako na sana hindi eroplanong sinasakyan mo ang nag-crash."

"and? bakit ka naman mag-guilty about that?"

"kasi pinagdasal ko na wag sana ikaw kaya sa kanya nangyari 'yon?"

natigilan si charlotte pero maya-maya ay nagsalita din. "it wasn't your fault, hindi natin inaasahan na mangyayari sa kanya 'yon."

"i can't help it."

"ewan ko sa'yo, hoon." hindi sumagot si sunghoon at ngumuso lang. alam ni charlotte na ngumunguso ngayon si sunghoon dahilan para mahina siyang matawa. "stop pouting."

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon