Two: A Beautiful Nightmare

8.8K 502 42
                                    

A Beautiful Nightmare

I woke up in a strange room when a light blinded my sight.

Nangunot ang noo ko when I roamed my eyes. The room screams medieval theme. Hindi ganito ang kuwarto ko, kung tutuusin ay napakalaki nito para maging kuwarto ko. That's when I tried to regain my memories.

Unti-unting nanlaki ang mata ko. Mission. Diwata. Bangin.

Fuck! I should be dead, right?

Agad kong kinapa ang katawan ko upang tignan kung may masakit ba sa katawan ko. Doon ko lang napagtanto ang kasuotan ko. Halos manlaki ang mata ko nang makita ang napakaputi kong balat. As far as I remember, my skin was tanned! Napansin ko rin ang hinaharap ko na medyo lumaki at ang buhok kong humaba. My skin weren'y flawless dahil sa mga natamong sugat ko kada misyon pero itong ngayong balat ko ay napaka-kinis!

Wala sa sariling napatayo ako upang maghanap ng salamin para tingnan ang sarili.

Something's really off.

My legs weakened when I stepped on the ground na wari'y matagal na itong hindi nakakalakad. Although I'm shaking, sinubukan ko pa ring humanap ng salamin.

Nang wala akong makita ay saka ko lang tinungo ang pintuan para buksan iyon. Ngunit sa pagbungad nito ay agad akong nagimbal nang tumapat sa'kin ang isang full-sized mirror.

I tried to move my hands onto my face at katulad nito ang nakita ko sa reflection.

Dahan-dahang nanlaki ang mata ko.

Fuck... Why am I here in diwata's body?!

I'm shock in horror na dahilan para hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko nang may marinig na nagbukas ng pinto.

"Her highness!" turan ng kungsino dahilan para mapalingon ako rito. Dahan-dahang nangunot ang noo ko. Parang nakakita ito ng multo! "Lady Eraia! Bakit ho tumayo kayo agad? Ano ho bang nararamdaman ninyo? May masakit po ba sa inyo?" sunod-sunod nitong tanong kasabay ng paglapit sa'kin. Dali-dali akong inalalayan nito papunta sa kama'ng pinanggalingan ko kanina. Hindi na'ko nakaangal pa sa ginawa niya because I felt my mind is not working right now. Hindi masink-in ang nangyayari ngayon.

I'm not a fucking slow and I think I have an idea what's happening right now but this is such impossible.

Nang makaupo ay agad ako nitong inabutan ng tubig na nasa baso but I didn't bother to drink that, instead I asked, "Nasaan ako?" mahinang tanong ko. Atsaka ko lang naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Nasa palasyo po kayo, Lady Eraia," turan nito.

Nang dahil sa sagot niya ay kahit hindi pa rin nagfafunction ang utak ko'y 'di ko pa rin mapigil ang nagbabadyang inis. "Where exactly are we?" muli kong turan na may himig na inis sa'king boses.

Nakita ko kung paanong bahagya siyang nagulat sa boses ko. "S-Sa Veintorici Palace po..."

"Sino ka?" muli kong tanong.

Doon ay tuluyan nang nanlaki ang kaniyang mata. "H-Hindi niyo po ako nakikilala?" tanong nito gamit ang boses na nahihimigan kong mukhang papaiyak na.

Nang hindi ako sumagot ay nagulat ako nang bigla na lamang siyang umiyak sa harapan ko. What did I do to her to make her cry?!

"A-Ako po si Gregoria, Lady Eraia... Ako po ang maid niyo simula nang tumuntong kayo sa labing anim na taon," mahinang turan nito. I saw warry in her eyes while looking at me. "Wala ho ba kayong naaalala na kahit ano?" maingat nitong tanong na dahan-dahan kong ikinatango.

Ofcourse! Wala akong maalalang kahit ano dahil hindi naman ako itong katawan na'to!

This is absurb. Kulang nalang ay mahimatay akong muli dahil sa nangyayari.

Maybe I'm dreaming? No. Kung nananaginip ako ay hindi ko mararamdaman ang lamig ng mga bagay na nahawakan ko katulad ng baso ng tubig na inalok sa'kin nitong nagpakilala sa'kin ngayon na si Gregoria.

"Who am I?" mahina kong tanong. Who is this body?

"L-Lady uminom ho muna kayo ng tubig," turan nito gamit ang mahinahon nang boses pero ang luha nito ay patuloy pa rin sa pag-agos. "Ito na yata ang sinabi ng manggagamot na magiging epekto," wala sa sariling turan nito.

Nangunot ang noo ko. "Ano?"

Malungkot niya 'kong tiningnan at nginitian. Dahan-dahan siyang nag-squat sa harap ko dahilan para magpantay ang aming tingin. "Siguro po ay hindi niyo na naalala ang pagtalon niyo sa bangin noong nakalipas na anim na buwan, Lady Eraia." Pagtalon sa bangin?! As far as I remember, this body was seeking for help since there's someone chasing for her!

"Lady Eraia huwag niyo na pong uulitin 'yon ha? Alam ko pong sobrang lungkot mo dahil hindi ka manlang mabigyan ng katiting ng pagmamahal sa magulang mo at ni hindi ka pinapansin ng hinahangaan mo ngunit hindi po dapat iyon maging dahilan para magpakamatay kayo. Marami po kaming mga maid na nalungkot dahil sa ginawa mong pagsubok na pagkitil sa buhay mo," mahabang turan nito. Kahit kaunting impormasyon palang ang sinasabi niya ay batid kong napakahirap na ng dinanas ng katawang ito.

"Humigop po muna kayo ng sabaw habang kinukuwentuhan ko kayo," nakangiting turan nito sa'kin. I was about to refuse but I felt my tummy hurts na wari'y gusto nang kumain. "Ang buong pangalan niyo po ay Celestina Eraia Lavinia. Pero mas gusto niyo pong tinatawad kayo sa Eraia dahil ang tanging tumatawag sa'yo sa pangalang Celestina ay ang taong hinahangaan niyo," kuwento nito.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "I'm confused. Yung hinahangaan ko ay tinatawag ako sa pangalang Celestina? But you said na ni hindi manlang ako pinapansin ng taong hinahangaan ko."

"Dati na ho kasi kayong magkaibigan, Lady Eraia. Simula bata pa man ay magkaibigan na kayo pero nasira yon nang umamin ka sa kaniya na gusto mo siya," wika nito. "Kaso mas gusto niya ang nakatatandang kapatid mo. Tapos iyon po, nagsimula siyang iwasan ka habang ikaw naman ay patuloy na hinahabol siya."

"May... Nakatatandang kapatid ako?" If I have, she must be beautiful too.

"Opo. Pero hindi po siya tunay na anak ng magulang niyo dahil inampon lang po siya. Damiana po ang pangalan niya," saad nito.

"Tell me more about her," utos ko bago humigop sa sabaw na inalok kanina ni Gregoria.

"Ah... Mabait po siya at magaling sa pakikidigmaan. Approachable siya't marami rin siyang kaibigan. Mabait rin naman po kayo ngunit hindi po kayo magaling pakikipaglaban. Palagi kayong pinagkukumparang dalawa at dahil sa mas magaling siya sa inyo ay mas pabor ang magulang niyo na siya ang maging susunod na pinuno ng bayan ng veintorici." No wonder this body looked so fragile.

"Pero may lamang naman po kayo!" nakangiting turan nito. "Mas matalino po kayo sa kaniya lalo na pagdating sa pag-aaral!" Mahina akong tumango-tango sa kaniya.

I forced a smile when I'm slowly recovering from the things happened today.

"Mahilig rin po kayong magbasa ng mga libro, Lady Eraia," nakangiting aniya.

Well... Atleast we still have similarities. Because I, Brittany Cosai, really love reading books and willing to die just for a book.

Naglaho ang ngiti ko nang mapagtantong hindi ko pa rin alam kung paano ako napunta sa katawang 'to.

Is this the consequence of being reckless?

Does really soul-transferring happen?

Tell me that this is just a nightmare!

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon