Forty Two: Dos

3.2K 235 18
                                    

Dos

Nagtingin-tingin muna kami ng makakain habang hinihintay ang taong susundo raw sa'min sabi ni Hendrix.

Si Summer ay mukhang ilang beses nang napunta dito dahil may mga tao nang kilala siya rito. May sinuhulan pa nga siyang isang tindera na kapag nilibre siya nito ng pagkain ay tutulungan niya ito sa pangingisda. Nahulog naman ang tindera doon. Miski ang mga kababaihan ay nangingisda rin dito at sila rin ang nagbebenta. May ibang produktong sariwa pa pero mayroon din'g luto na.

"Hendrix!" Sabay-sabay kaming napalingon sa lalake'ng nakangiting papunta sa'min. Kumaway pa ito kay Hendrix na hindi naman tinugon ng huli.

Nang makalapit na ang lalake ay dahan-dahan'g nangunot ang noo ko nang mapamilyaran ito. "Gago, tol. Hindi ka man lang tumanda," animo'y namamanghang wika nito habang pinagmamasdan si Hendrix na wala man lang reaksyon dito.

Napalingon sa'min ang lalake at bahagya ring kumunot ang noo. Hindi niya 'ko napansin dahil ako ang nasa likod ng mga elites.

Bumuntong-hininga ako nang ma-pamilyaran na ang mukha ng lalake.

Siya 'yon.

This world is fucking small.

"Hi, I'm Dos," magiliw na pagpapakilala nito.

Kumaway sa kaniya si Cooper na nagpakilala rin. "Cooper pangalan ko," saad niya.

Mahinang natawa si Dos. "Kilala ko na kayo. Sikat kaya sa school namin kayong mga elites. Dami niyo raw achievement," wika nito.

Nilingon naman nito si Summer na nakahalukipkip lang sa kaniya. "Hindi kita napansin," natatawang bati nito dito bago makipag-apir.

Natigilan lang siya sa pag-ngiti nang magtama ang paningin namin. Walang ekspresyon ang mga mata ko pero siya ay kitang-kita ang pagkagulat habang tinitingnan ako. Napaawang pa ang labi niya't wala sa sariling itinuro niya 'ko. "Ikaw..." Madrama ang boses nito na kulang na lang ay ikataray ko.

"Oo ako," wika ko bago siya nginisihan.

Wala sa sarili siyang lumunok at pumikit-pikit pa na para bang hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin. Ilang segundo lang ay agad na namula ang pisnge niya maging ang tainga, lumikot ang mga tingin nito at hindi na makatingin ng diretso sa'kin na kung tutuusin ay ako dapat ang ganoon.

Mahina akong natawa. "Long time no see?" patanong na bati ko sa kaniya, ang taong nakahalikan ni Eraia.

Nakita ko ang bahagyang paglunok nito bago ako muling tingnan ng diretso. Nginisihan niya 'ko. "Long time no kiss, Miss." Tumawa ito ng may naglalarong tinig, hindi pinahahalata ang kaba na nararamdaman nito kahit kita ko naman sa mga mata niya.

"Kiss?" kunot-noo'ng tanong ni Ashanty habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa'kin. "Nagkita na kayo... at naghalikan pa?" naninigurado niyang tanong.

"Oo. Sa bahay-aliwan," kaswal na sagot ko. "I just grab and kiss him," patuloy ko na tila ba wala lang iyon sa'kin. Pero hindi ko talaga maitatanggi na naaapektuhan ako sa pinagsaluhang halik ng Lalake'ng nagngangalang Dos at ni Eraia dahil nga nasa katawan ako ng babae, feeling ko ay ako na rin ang humalik kahit na ala-ala lang naman ang natandaan ko.

"Ke'lan 'yon?" nakukuryosong tanong ni Elias.

"Noong tumuntong ako sa labing-walong taon. Hindi ko na matandaan, basta lasing ako noon..." Huminga ako ng malalim. "Naalala ko lang yon noong tinanong ako nina Hendrix kagabi."

Sabay-sabay silang napatango habang si Cooper naman ay nang-aasar na tinapik-tapik sa balikat si Dos na para bang close na sila kaagad. "Masarap ba 'tol?" nanlolokong tanong nito na ikinapula ng binata.

Dos acted like a cool guy as he shrugged his shoulder. "Sino namang hindi masasarapan 'di ba? Kung siya na mismo ang nagkusa," nakangiting tugon nito bago naglalarong bumuntong-hininga. "Tell me, Miss. Did my face shine brightly in your eyes that night?" he playfully asked me.

Tinaasan ko siya ng kilay. He's kinda full to himself, but the fact that he is still being gentleman before kahit na may pagkakataon siyang samantalahin ang kahinaan ni Eraia. Plus point for him.

Nagkibit-balikat nalang ako bilang tugon sa kaniya. Hindi ko rin naman alam kung bakit ginawa iyon ni Eraia. Pero suwerte niya dahil si Dos ang nakahalikan niya.

Matapos noon ay giniya niya kami sa bahay-panuluyan na sila ang may-ari. Kapalit noon ay binigyan siya ni Hendrix ng salapi pangbayad.

Nang papaalis na sana siya ay may bigla siyang naalala at tinuro ako. Nilahad niya ang kaniyang palad bago ngumuso. "Yung bayad mo pala sa'kin?" tanong niya na ikinamaang ko. "Sabi mo doon sa sulat, "Thanks for taking care of me, I'll just pay you if we see each other again." So nasaan na yung bayad? Bayaran mo rin ang puri kong inabuso mo," nagdadamdam na wika nito.

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. "Anong puri? Ginusto mo rin naman iyong ginawa ko 'di ba?" sininghalan ko siya because base on Eraia's memories, he even moaned!

Inosente siyang kumamot sa kaniyang batok bago napapangiwing napatango-tango. "Sabi ko nga," he whispered pero ilang segundo lang ay naglahad ulit siya ng palad. "Pero bayad pa rin." Nginitian ako ng pilyo nito.

Bumuntong-hininga ako bago kuhanin ang aking bag at maglabas doon ng salapi na hindi naman nalalayo sa cash ng mundo ko, ang pinagkaibahan lang ay ang bawat pera rito'y may mga nakadikit na ginto para magsilbing patunay na hindi iyon peke.

Nilagay ko ang salapi sa kamay niya't nakita ko ang malaking ngisi niya. Naglakad na siya papalayo sa'kin nang hindi man lang nagpapasalamat.

Bago pa siya makalabas sa kuwarto namin ay kinaway niya ang pera. "Wala kang iniwang sulat sa'kin," nakangising aniya't bigla na lamang nawala sa paningin.

Napailing na lang ako. Hindi ako nagreklamo dahil bukal sa loob kong binigay ang salapi.

I know that Eraia didn't left any letter to that guy.

But he still deserve that money for taking a good care to this lady.

"Parang masaya ka pang kinuha ang pera mo ha?" nanunudyong wika ni Ashanty sa'kin bago marahang tumawa.

I just smiled at her. "He deserve that money."

Tumaas ang kilay ni Summer sa narinig niyang pagsagot ko. "Magaling ba?" nakangising tanong niya.

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Humalik?" tanong ko na ikinatango niya. I bit my lower lip as I'm thinking. Nang wala akong nakuhang sagot sa sarili ko ay nagkibit-balikat ako. How would I know when I'm not literally the one who felt his kisses.

Sumandal ako sa upuan habang inililibot ang paningin. Si Logan ay nakahiga sa isang kama, hindi ito natutulog but he's staring at the ceiling like he's dead. He's thinking something, I bet.

Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay agad siyang lumingon dahilan para magtama ang paningin namin. He gave me a small grin bago muling tumingin sa ceiling.

Ang akala ko nga ay hindi siya magsasalita pero nagkamali ako.

"If you're still the same Eraia before. Where will you hide the book?" tanong niya.

Ang iba ay napatingin sa kaniya na hindi naman niya iniinda. Wala talaga siyang pakialam minsan.

I clicked my tongue. "Sa ilalim ng kama," sagot ko sa kaniya. Pero agad ding napaisip sa sagot ko, Eraia looks simple and easy to read. But in reality, she have a lots in her mind. "O kaya sa mga lugar na kapansin-pansin pero hindi madaling makita," makahulugang saad ko, hindi para sa kanila kun'di para sa sarili ko.

Author's note: Next ud will be lster at 11 pm, I think? Hindi ako nakapag-ud kahapon, walang signal hehe.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon