Seven: Mist of Memories

6.7K 427 10
                                    

Mist of Memories

Masama ang timpla ng mukha ni Damiana nang lumabas siya sa sasakyan pero agad ding naglaho iyon at napalitan ng maamong mukha nang may sumalubong sa kaniya at ang prinsipe iyon. Ako naman ay may tagumpay na ngiting lumabas sa sasakyan habang dala-dala ang gamit ko.

Kailangan ko munang magtungo sa Headmaster's office para sabihin ang kondisyon ko at humingi ng mapa ng paaralang ito para hindi ako maligaw. Kung titingnan pa lang sa labas ang paaralang ito ay nakakalula na't animo'y maliligaw ka lalo na kapag hindi mo alam ang bawat lugar dito.

Nang humakbang ako papasok sa paaralan ay naramdaman ko agad ang mga tingin ng mga estudyante rito pero binalewala ko lang iyon at tumungo na sa Headmaster's office na agad ko rin nakita dahil nasa bungad lang ito.

May bumati sa'kin sa harap ng Headmaster's office kaya binati ko rin siya, saglit pa itong nagulat dahil sa inasal ko bago ako pinapasok.

"It's a pleasure to meet you, again. Miss Lavinia," nakangiting bati ng Headmaster. May katandaan na ito at nakasuot ng maliit na eyeglasses habang may hawak-hawak na papelas.

Maliit ko siyang tinanguan at handa na sanang magsalita para sabihin ang pinunta ko rito pero natigilan ako nang ilahad niya sa'kin ang wari ko'y mapa.

Nginitian niya 'ko. "Sinabi sa'kin ng maid mo na nawala raw ang mga ala-ala mo that's why I expect na pupunta ka rito at hihingi ng mapa," turan nito. Saglit akong nakahinga ng maluwag dahil hindi ko na pala kailangan pang magkuwento sa kaniya. "I just hope na habang nandito ka sa paaralan ko ay unti-unting bumalik ang ala-ala mo," patuloy nito.

Tinanguan ko siyang muli bago kuhanin ang mapa. "Salamat," wika ko.

Pinalabas na rin niya ko't dumiretso sa dormitory na itinuturo ng mapa. Matapos kong makarating sa dorm ay saglit ko munang pinasadahan ang paligid nito. Maraming puno ang nakapalibot kaya damang-dama ko ngayon ang sariwang hangin. Dalawa ang dormitory building, ang isa ay sa mga lalake at ang pangalawa naman ay para sa babae. Medyo marami ring mga naglilibot ngayon, mga nakikipag-usap sa kaibigan nila, naglalaro o 'di kaya'y may mga hawak na libro.

I decided to stepped inside to the girl's dorm para hanapin na ang room ko. Hindi naman nagtagal ang paghahanap ko dahil nasa bungad lang ng second floor ang dorm ko. Pagkapasok ko ay nakita ko agad ang single bed ni Eraia, maging ang study table niya na punong-puno ng gamit at ang book shelves na nasa gilid nito. The color of the room is pastel pink na may halong gray kaya maganda sa mata kung titingnan. Mukhang masinop rin sa gamit si Eraia dahil sa linis ng silid niya.

Ibinaba ko ang hawak kong mga gamit at binuksan ang bag ko para kunin ang journal ni Eraia at ilagay sa study table niya.

Sinadya ko talagang dalhin iyon para kahit papaano ay may alam ako sa lugar na ito. Sabi kasi ni Eraia sa journal niya na ang paaralan na ito ay dati niya nang safe place. I got a little curious why this place was once her safe place.

Tiningnan ko ang closet ni Eraia at hindi na nagulat nang puro mga dress ito. She's really a soft girl. Matapos kong tingnan ang closet niya ay sinunod ko naman ang palikuran. Naglinis na rin ako ng aking katawan before going to bed at magpahinga.

After an hour, I decided to get up when I feel my tummy growled, telling me that it's already hungry.

Kinuha ko ang mapa at ang card na binigay sa'kin ni Gregoria dahil nandoon daw ang allowance ko para sa isang buwan.

Nang nasa cafeteria na 'ko ay agad kong natagpuan sina Damiana kasama ang wari ko'y mga kaibigan niya't ang prinsipe Frost na katabi lang ng lamesa ni Damiana. Mukhang kasama rin ni Frost ang mga kaibigan niyang malalakas ang boses.

Malayo palang ay nakita ko silang napasulyap sa'kin bago sabay-sabay na napangisi. "Frost humanda kana, malapit na rito ang obsessed stalker mo," turan ng isang kaibigan niya bago sila sabay-sabay na tumawa. Narinig ko iyon dahil malapit na'ko sa kanila. Kailangan pa kasi munang dumaan sa kanila bago makapunta sa counter at mag-order.

Pero natigilan din silang lahat nang nilagpasan ko lang ang mesa nila't ni hindi man lang sila nilingon na para bang hindi ko sila kilala. Eh hindi ko naman talaga sila kilala! And I don't fucking have any interest to know their bullshits.

Natigil ako sa pagpunta ng counter nang marinig ko ang boses ni Frost na tinatawag ako. "Celestina!" tawag nito.  Nilingon ko naman siya't tinaasan ng kilay. Hind niya ba naaalala ang sinabi ko nang mag-usap kami?

Dahil sa pagtawag niya ay mas lalong natigilan ang mga kasama niya, maging ang mga nakarinig sa tawag niya lalo na ang grupo nina Damiana.

Umalis siya sa kaniyang upuan para lapitan ako. "How's your feeling?" pormal niyang tanong na mas lalong ikinataas ng kilay ko. Tinawag niya 'ko para lang tanungin kung kamusta na ang pakiramdam ko?

"Fine," pormal ding sagot ko. "Can I order now? Or you still have question to ask?" turan ko sa kaniya.

Bahagya niya 'kong nginitian bago umiling at iminuwestra ang counter na nasa likuran ko. Buntong-hiningang iniwan ko na lang siya doon nang hindi pinapansin ang mga tingin sa'kin ng mga nandito.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng prinsipe. Kahit anong ngiti niya ay nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang lamig ng ekspresyon niya. Kung magiging isa siyang libro ay sa kaniya ako mahihirapang magbasa.

Matapos kong makuha ang inorder ko ay nagtungo ako na kung saan hindi ko madadaanan ang lamesa nina Damiana na pare-parehas masama ang tingin sa'kin at mga naiiintrigang mga tingin ng kaibigan ng prinsipe. When I'm about to sit ay may biglang umupo sa kaharap na upuan ko. Kunot-noo kong pinagmasdan ang lalake pero wari'y hindi niya alintana ang tingin ko kaya umupo nalang ako sa harap niya. Ako ang unang nakapili ng lamesang ito kaya hindi na'ko aalis. Mukha namang hindi ako kakausapin nito dahil busy na siya sa pagkain ng inorder niya.

Inangat niya ang kaniyang mukha dahilan para magpantay ang aming tingin at kasabay noon ang pagsakit ng ulo ko. Napapikit ako nang may biglang nagsisulputan na imahe sa isip ko. Nakita ko si Eraia na nagbabasa sa isang tabi, msy lalaking lumapit sa kaniya at kinulit siya ng kinulit dahilan para hindi na siya makapagbasa. Mayroon pang binato ng bola sa ulo si Eraia at nandoon ang lalake, pinapanood siya habang nakangisi.

Hinilot ko ang aking ulo bago imulat ang aking mata. Ang lalakeng nasa isip ko ay ang taong nasa harapan ko ngayong nakatingin sa'kin na animo'y siya ang pinaka-inosenteng tao sa mundong ito.

Bakit hindi ko nakita ang mukha nito sa journal ni Eraia?

Author's note: As what I promised, nagdouble update po ako ngayon kahit may sakit pa rin. Feeling ko kasi mas lalo akong lalagnatin kapag hindi ako nag-updateHAHAHAHAHA. I don't know why I really enjoy to update this Anecdote of the Darkest Era kahit na may iba rin akong on-going story HAHAHAHAHA. Marami pong typo ito dahil hindi ko pa iniedit. After nalang matapos 'to atsaka ko iedit. Thankiii

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon