Eight: Meet The DareDevil

6.6K 500 19
                                    

Meet The DareDevil

I was just staring at him. He is not really easy to read. Kung hindi lang pumasok ang mga imaheng iyon sa isip ko'y mapagkakamalan ko siyang inosente.

I'm also slightly confused when that image appeared in my mind. Does that mean Eraia's memories was still in this body?

Fuck. This is so confusing!

"Are you trying to remember me?" inosenteng tanong nang lalake'ng nasa harapan ko dahil kanina pa kami nagtititigan. Dahan-dahan siyang ngumiti ng matamis. "I'm Matthais. You can call me Matt," turan niyo.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya bago dahan-dahang ngumisi. "I think it's better to call you an asshole. What do you think?" wika ko.

Ang matamis niyang ngiti ay unti-unting nauwi sa ngisi. "I thought you forgot your memories... Are you lying to my brother?" he playfully asked me.

Dahan-dahan namang nangunot ang noo ko. Brother? Ang Prinsipe Frost? Since he's the only one except the King and Headmaster who knows about my condition, right?

"Ang prinsipe Frost?" naninigurado kong tanong.

Bahagya itong natawa at tiningnan ako ng matiim. "Are you kidding me?  Huwag mo sabihing hindi mo maalala na bunsong kapatid niya 'ko?" turan nito. What the fuck did he expect to the person who had lost her memories?!

Bumuntong hininga ako bago hawakan na ang kutsara at tinidor ko at kumain na. "Hindi ko alam kung bakit parang obligado pa 'kong ikuwento ang nangyayari sa buhay ko pero para makuntento ka ay nawalan nga 'ko ng ala-ala. Pero bumabalik na ang ibang ala-ala ko when someone or something trigger my mind to remember a thing. Like now, when I look at you, I saw a glimpse of you being around me," wika ko nang hindi man lang nauutal o kahit ano. "Now can I eat peacefully?" tanong ko sa kaniya that's why he let me to eat peacefully sa pamamagitan ng hindi pagkausap sa'kin but he keep staring at me.

If this guy and Prince Frost are brothers. Hindi na'ko magtatakha dahil sa pang-iistorbo nilang makakain ako ng mapayapa. Prince Frost and this guys is the reason why people out there keep staring at me. Luckily, I don't fucking care.

Kinabukasan ay umaga pa lang, gumising na'ko. Tiningnan ko ang magiging schedule ko para sa araw na ito at agad na tumaas ang sulok ng labi ko nang makita ko ang mga gagawin ko ngayong araw.

This must be the exciting day.

Tahimik akong nag-ayos ng katawan bago tumungo sa closet ni Eraia para kumuha ng pinaka-komportableng dress. Matapos mag-ayos ay kinuha ko ang maliit na bag ko na may lamang first aid kit, kasama ang gamot na ginawa ko.

Nakangisi akong lumabas pero agad ding nawala iyon nang makitang marami na palang mga taong nagsisilabasan para sa kaniya-kaniyang klase.

Eraia really looked lonely dahil ni isa ay wala man lang bumabati sa kaniya. But its okay, being lonely is something you can treasure because for me, it's good for the mental health and for yourself too.

Tahimik akong nagtungo sa training room na sinabi rito sa schedule ko. Madali lang akong nakapunta roon dahil sinundan ko lang ang mga estudyante na alam kong papunta rin sa pupuntahan ko.

Nang makapasok ay agad kong namataan ang Prinsipe kasama ang mga kaibigan niya, maging sina Damiana. Napansin kong lahat sila ay may hawak na mga sandata samantalang ako lang ata ang nag-iisang walang hawak na patalim.

Uupo na sana ako sa gilid para hindi mapansin ng lahat nang may tumawag naman sa pangalan ko.

"Celestina Eraia Lavinia, please come infront," tawag ng taong nasa arena. Iyon ang naging dahilan para lahat ng mga mata ay sa'kin napunta pero binalewala ko lang iyon at tumayo para magtungo sa arena upang lapitan ang  taong tumawag sa'kin.

He must be our coach because of his tag right in his chest.

Malumanay ang ngiti nitong tinanguan ako. "I'm Master Claux, your coach for weapon and physical training," pakilala nito bago naglahad ng kamay sa'kin kaya inabot ko iyon saglit bago agad na bitawan. "Sinabi na sa'kin ang kondisyon mo kaya tinawag kita ngayon dito. Simula pa man ay hindi ka na kumuha ng sandata mo kaya palagi kang bagsak sa asignatura ko. Ngayon ba ay kukuha ka na o katulad pa rin ng dati?" tanong nito sa'kin.

Dahan-dahan akong tumango bago nagsalita. "Saan ang mga pagpipilian?" tanong ko sa kaniya.

Dahan-dahang itong ngumisi sa'kin bago may pinindot sa remote niyang hawak-hawak. Ilang sandali lang ay may lumitaw na lamesang punong-puno ng mga sandata. Iminuwestra iyon sa'kin ng gurong kaharap ko kaya tinungo ko iyon.

Namangha ako sa ganda ng mga sandata na nakikita ko ngayon pero may isa akong hinahanap na sana ay makita ko rito ngayon. Unti-unting nawala ang kinang sa mata ko nang walang matagpuan na baril. Kahit katana ay wala rito. Hindi ko naman mapili ang pana dahil ayon sa nakikita ko ay majority ng mga estudyante rito'y pana ang pinili. Even Damiana chose a bow and arrow.

"Wala ka bang napili sa mga iyan?" tanong ni Master Claux.

Tinanguan ko siya. Ang ngisi niya ay hindi nawala sa kaniyang labi, sa halip ay nadagdagan pa iyon. Isang wasiwas lang ng kaniyang kamay ay halos magunita ako nang makitang nasa kamay niya ang baril na kanina ko pang iniisip-isip. So he's one of the weapon summoner I've read in the books. Ang mga may kapangyarihan sa mundong ito ay rare lang, pero sila rin ang nakakapagbalanse ng mundong ito.

Inabot niya sa'kin ito kaya agad kong kinuha. Narinig ko ang mga singhapan ng mga tao at ang iba naman ay nagtatakha na wari'y hindi alam kung ano ito.

"Gusto kitang makausap mamaya kung paano mong naisip ang ganiyang sandata, Miss Lavinia. Mukhang mas lalo kang tumalino nang mabasa ko ang iniisip mo kanina," natutuwa nitong wika. "Kayang magbago ng sandata mo sa kung anong gusto mo dahil sa kapangyarihan mismo nanggaling iyan," dagdag niya.

Dahan-dahang akong ngumisi sa kaniya at tumango. Batid kong kitang-kita niya ang pagkinang ng mga mata ko. "Thanks. I'll take care of it," turan ko sa kaniya bago maliit na yumukod at umalis na sa entablado habang hindi inaalintana ang mga tingin sa'kin ng buong tao rito sa loob ng silid.

Nakita ko ang Headmaster na nasa malayo habang nakatingin sa'kin na may maliit na ngiti sa labi nito. Bahagya rin akong yumukod sa kaniya bago maupo sa upuan na kaninang uupuan ko na sana bago pa man ako tinawag.

Muli kong pinagmasdan ang hawak-hawak kong baril. I feel like part of my soul is already here when I'm looking at this gun. My home.

Mas lalo akong napangisi nang maramdaman ang kung anong enerhiya sa baril na ito maging sa kaluluwa ko.

I guess Brittany the Daredevil will conquer Eraia's body for now.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon