Fifty Nine: Liking Her

2.8K 200 22
                                    

Liking Her

Ikatlong Persona

Hindi maiwasang mahinang mapatawa si Eraia habang pinagmamasdan si Logan na natigilan sa sinabi niya.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niyang may gusto ang binata sa kaniya base na rin sa pinapakita nitong pag-uugali. Ang problema lang ay hindi niya alam kung paanong pakitunguhan ang binata sa ganoong usapin. Katulad pa rin kasi ng plano niya dati ay wala siyang balak na makipag-relasyon sa kung sino man hangga't nasa katawan pa siya ni Eraia. She doesn't want to make things even more complicated.

"Breathe," wika niya sa binata dahilan para matauhan ito.

Mahinang natawa ang binata kasabay ng pagkalas nito sa pagkakahawak sa kaniya. Nakangising naiiling-iling si Logan. "So you knew it all along?"

Agad na tumango si Eraia dito bago niya ito bahagyang tarayan. "Halata ka naman. Isa pa, hindi ako manhid and you're not fucking making things up in the shadow," aniya rito.

Logan just supressed a grin. "Don't worry, I'm not planning to court you," he said.

"I know." She sighed as relief. "Dati mo pa sana ako niligawan kung may plano ka," wika niya.

"Yeah... But maybe next time?" patanong na turan niya na parang hindi pa siya sigurado. He silently laughed. "When you're ready... I think? Kapag puwede na."

Namuo ang saglit na katahimikan sa pagitan nila kaya minabuti nalang na kainin ni Eraia ang niluto ni Logan para sa kaniya. Kakatuwa nga'y masarap iyon, para bang sanay na sanay nang magluto ang binata dahil sa lasa ng kinakain niya.

"Pero alam kong hindi ang pagkagusto sa'kin ang pinakarason kung bakit mo 'ko tinutulungan," pormal na wika ni Eraia. "Hindi ko lang matukoy kung ano."

Logan looked at Eraia. "I'll gonna tell you... soon? I don't know. Maybe after we get the book?" he said.

Eraia can't help but to get more curious of his reason. Andoon ang thrill at excitement pero hindi niya alam kung bakit parang tiyak niyang hindi iyon masama.

Nang matapos sa pagkain si Eraia ay agad na iyong kinuha ni Logan bago lumabas sa silid niya at ilang minuto lang ay bumalik rin ito sa kaniyang silid na akala niya'y hindi na muli pang papasok ang binata sa kuwarto niya.

Mukhang malakas nga talaga ang appeal ng kagandahan ni Eraia dahil nagkagusto sa kaniya ang lalake'ng nasa harapan ko ngayon.

Inalis ni Eraia ang isiping iyon sa isip niya. Hindi dapat iyon ang inaatupag niya dahil mayroon pa siyang dapat na gawin.

"Logan," tawag niya sa binata na paupo na sa sofa. "Puwede mo ba 'kong samahan?" she asked.

Kumunot ang noo ni Logan bago umayos ng tayo.

Pero kahit pa man nagtatakha ang binata ay hindi na nito tinanong pa si Eraia at pumayag na lang dito.

Agad na nagtungo si Eraia sa mga gamit niya para kuhanin ang damit niyang pangginaw bago ilagay muli sa kaniyang leeg ang kuwintas na kanina pa niya hindi binibitawan. Inayos ni Eraia ang bestida niya na medyo na gulo at saglit pa siyang natigilan nang maramdaman niya ang kamay ni Logan sa kaniyang buhok na inaayos ito. Mas lalo lang siyang natigilan nang maramdaman niya kung paano pinuyod ng binata ang mahaba niyang buhok.

Dahil doon ay wala sa sariling napangiti ang dalaga nang malamang marunong pala magpusod ng buhok ang binata.

Tiningnan niya sa salamin ang ginawa ng binata sa buhok niya at doong napagtantong maayos na maayos ito. Binalingan ni Eraia si Logan ng may pang-asar na tingin. "Sino nagturo sa'yo ng gan'to?" mapanudyo wika niya.

Logan rolled his eyes on her. "My Mom taught me," he answered.

Eraia made an 'o' in her lips. "Mama's boy," she teased him.

But then again, Logan, rolled his eyes. "So what?" The sassines on his voice raised up and that makes Eraia chuckled.

Hindi na nagsalita ang dalaga at lumabas na lang sa silid. Sumunod sa kaniya si Logan papalabas. Saglit munang huminto si Logan sa silid niya para kumuha ng damit panglamig at pagkatapos noon ay sabay na silang lumabas ng dalaga.

Ang akala nila ay tulog na ang iba pang elites, si Viorea na nagdesisyon na sa kanila muna tutulog at si Hendrix. Pero nagkamali sila nang paglabas sa bahay-panuluyan ay nakita nila ang mga itong pare-parehas na nakaupo sa damuhan  habang nakatingala sa langit na waring may pinapanood na magandang palabas.

Sabay-sabay na napalingon sa kanila ang elites at dahil nga magkasama silang lumabas ni Logan ay nakita nila ang mala-ahas na mga tingin ng mga ito na para bang may ginawa silang kasalanan.

"Saan punta niyo?" mapanudyong wika ni Ashanty.

"Nangangamoy date si Boss," ani ni Cooper kay Ashanty. Kunwari pang pabulong ito pero sinadya naman ng binatang lakasan ang boses niya para mang-asar.

"Aalis kayo?" pormal na tanong ni Calypso. "Tigilan niyo, Ashanty," pananaway niya sa dalawa na ikinanguso ng mga ito.

"Mag-sosolo sila," ani ni Elias, isa pang may pang-aasar na boses.

Nailing na lamang si Eraia dahil doon. Kahit ke'lan talaga ay hindi na matino ang pag-iisip ng mga ito.

"We're just going outside," pormal na wika ni Eraia.

Cooper made a teasing smile and a sound. "So date nga?" nanunudyo wika nito.

Saglit pang nagkatinginan si Logan at Eraia bago sabay na napailing.

"Parang gano'n na nga," ani ni Eraia para matigil na sa kakatanong si Cooper dahil batid niyang hindi na ito titigil sa kakatanong hangga't hindi nakukuha ang gustong sagot.

Agad na nagsigawan ang mga elites. "One point for Boss," ani ni Ashanty. Pagkatapos ay nilingon nito ang katabing si Hendrix at bahaguang siniko. "Ano ka na diyan?" mapang-asar na wika ng dalaga.

Nakatikim lang siya kay Hendrix ng isang kunot ng noo kaya napanguso si Ashanty at tumaray na lang.

"Binata na si Boss. I'm so touched," madramang wika ni Cooper. Natawa ang lahat doon dahil sa pag-arte niya, lalo na ang kapatid niyang si Viorea na tuwang-tuwa dahil sa inaasta ng kuya.

"Mag-ingat kayo sa pag-alis," ani ni Calypso ng may ngiti sa labi, mukhang proud para sa matalik niyang kaibigang si Logan.

Sabay na nailing na lang ang dalawa bago iwanan na ang mga ito.

Para kay Eraia ay wala siyang panahon para kiligin ng ganoon, isa pa ay hindi naman siya kinikilig sa tudyo ng mga ito.

Basta ang nasa isip niya lang ngayon ay kung paano niya malalaman ang buong pagkatao ng katawang ginagamit niya. Napapagod na siyang magtanong ng magtanong sa isip niya na alam naman niyang wlang kasagutan.

Babalewalain niya muna ang pagkagusto ni Logan sa kaniya. And she's sure that Logan will do the same too.

Author's note: YowHAHAHAHAHA spoil lang po. May flashback memory si Logan sa mga susunod na chapter. Wanna guess kung anong chapter?

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon