Ninety Four: Behind The Mask

1.4K 110 11
                                    

Behind The Mask




Ikatlong Persona




Dala ng matinding liwanag na dulot ng kuwintas ay mariing napapapikit ang lahat at inakalang ang liwanag ay tatagal lang ng ilang segundo ngunit nagkamali sila lalo na nang maramdaman ang pananakit ng mata dahil kahit nakapikit na ay hindi pa rin nagsilbing proteksiyon iyon. Wala silang alam sa nangyayari sa paligid dahil maging ang tainga nila ay nawalan ng sensasyon kaya hindi nila alam ang bagay at kung sino ang taong nangahas na msy itusok sa kanilang kung ano na naging dahilan kung bakit dahan-dahan ay nawalan sila ng malay.


Sa huli ay si Brittany na lang ang natirang gising at may malay sa kanila. Ang paninikip ng dibdib niya ay nawala na kasabay ng pagbulag ng liwanag sa kanila. If she was in her real body, makakaya niya pang buksan ang mata sa liwanag na ibinibigay ng kuwintas dahil sinanay ang katawan niya sa ganoon, yung tipong halos bulagin na siya ng organisasyon masanay lang siya sa ganoong liwanag.


Wala sa sariling napangisi siya nang-unti-unting nagtugma-tugma sa isipan niya ang mga katangunan, kasagutan, nararamdaman at nakikita niya sa paligid. Napa-iling siya at walang buhay na tumawa nang maramdaman na tila may karayom na tumusok sa kaniya dahilan para dahan-dahang mawala ang malay niya. Ni hindi man lang siya nagulat, nagtakha at natakot sa nangyayari ngayon. 


Hinayaan na lang niya ang sariling sumabay sa agos ng eksenang ito at tuluyan nang nawalan ng malay.



NANG  magmulat ang mga mata nilang lahat na tila galing sa mahimbing na pagkakatulog ay agad na dumapo ang paningin nila sa isa't-isa bago ilibot ang paningin at doon lang napagtanto kung nasaan sila. Parang isang asylum ang lugar na ang tanging laman lang ay kama, walang bintana at may bakal na pinto. 


"Nasaan tayo?" nagtatakhang tanong ni Cooper. "Tang ina, sinong naglagay sa'tin dito?" patuloy nito.


Habang si Ashanty naman ay napakagat sa labi habang iniliibot ang paningin sa lugar. Bahagya itong nakahinga nang maluwag nang madapuan niya ng paningin si Eraia, Elias, Blue at Dos sa dulo ng kuwarto. Pero hindi pa rin nawala ang pangamba niya nang hindi nakita ang Boss nilang si Logan maging sina Summer at Hendrix. "Nasaan sila Boss?" may bahid ng kabang tanong niya sa mga ito. dahilan para tignan siya ng mga ito at agad na inilibot ang paningin, nang hindi matagpuan ng paningin ang boss nila ay hindi na rin nila maiwasang mangamba.


Si Calypso ang naunang tumayo para sana buksan ang pintuan na agad ding natigilan nang tumunog ito na senyales na may nagbubukas noon galing sa labas. 


Bumukas iyon at bumungad sa kanila si Logan.


Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon