Fifty Eight: It Was Him

2.7K 207 30
                                    

It Was Him

Habang pabalik si Eraia sa bahay-panuluyan ay nakasunod naman sa kaniya si Ione na gustong sumama sa kaniya upang makausap niya ang kaniyang kuya na hindi man lang niya nakilala ng personal. Hinayaan lang ni Eraia na sundan-sundan siya ni Ione dahil hindi naman ito nagsasalita at hindi siya inaabala sa malalim niyang pag-iisip.

Kanina niya pa pinag-iisipan kung susundin niya ba ang sinabi sa kaniya ng dalawang reyna.

Wala sa sariling napahawak siya sa kuwintas na nakasabit sa kaniya. Naalala niya ang sinabi ng tagapagbantay noon na magsisilbi itong proteksiyon niya. Ang hindi niya lang malaman ay kung paano siya maproproteksyunan nito.

"Prinsesa Eraia..." Nilingon niya si Ione na tinawag siya sa isang pormal na bansag. "Alam kong maraming katanungan sa isip mo pero huwag mo sanang masamain ang pakiusap ko na huwag mong bibiglain ang sarili mong alalahanin ang mga ala-ala ng katawang ginagamit mo." Dahan-dahang nangunot ang noo nito sa sinabi niya lalo na nang magpatuloy siya sa pagsasalita. "Dalawa lang ang dahilan kung bakit hindi mo agad maalala ang mga ala-ala ng katawang ginagamit mo. Una ay wala talagang mga ala-alang mayroon ang isang katawan'g gamit mo at pangalawa... Hindi nais ng katawan'g iyan na ipaalala agad sa'yo ang mga nakaraan nito," matalinghagang wika niya. But somehow, she understand her because she's not a fucking slow like others.

Tahimik niya na lang siyang tinanguan at hindi na lang nagsalita dahil tiyak niyang baka maanghang na mga salita lang ang lalabas sa bibig niya lalo pa't magulo ang utak niya ngayon kaya madali lang matrigger ang inis niya.

Hanggang sa makarating na sila ng bahay-panuluyan ay hindi na siya muli pang kinausap ni Ione, nahimigan nito sigurong wala siya sa mood na makipag-usap sa kaniya.

"Eraia!" Natutuwang ani ni Ashanty at sinalubong si Eraia ng yakap na para bang ilang taon silang hindi nagkita.

Sumunod naman si Cooper na binigyan din siya ng natutuwang yakap, mukhang hindi napansin ang kapatid niyang tahimik na pinagmamasdan sila Nang kumalas si Cooper sa yakap ay tinapik naman si Eraia sa balikat ni Calypso habang sila ni Logan ay nagkatitigan lang at nagtanguan sa isa't-isa. Hindi niya napansin si Hendrix that's why she conclude that he is in his designated room.

Ang galak sa mukha ni Cooper nang makita si Eraia ay dahan-dahang naglaho nang magtama ang mata nila ni Ione.

Nakita naman iyon nila Ashanty kaya minabuti nilang iwan muna ang dalawa para igayak na rin papunta sa loob si Eraia na nahalata nilang wala sa mood.

SAMANTALANG ang naiwan namang magkapatid na Walter ay tila nawalan ng bibig dahil hindi nila nagawang makapagsalita. Nag-aalangan sila kung sino ang gustong maunang magsalita dulot ng pagkailang.

Huminga ng malalim si Viorea para tumungo at batiin ang kapatid niya. "Ikinagagalak kong makita ka, Prinsipe Cooper," malakas na wika nito na maski ang sarili ay nagulat.

Nagulat din si Cooper doon at naiiling na ngumiti. "H-Hindi na'ko prinsipe," ulat nito kay Viorea.

Nang magtama ang tingin nilang nagkapatid ay may parang kung anong sumikdo sa dibdib ni Cooper nang makita kung gaano kasaya ang kapatid niya habang nakatingin sa kaniya. He can't help but to supress a smile on her.

"Uh..." Tumighim si Cooper bago naglahad ng kamay sa kapatid upang magpakilala. "Cooper Ren Walter, son of the fifth queen of Synvenxia palace. Pero hindi na'ko prinsipe," wika niya trying to ease the moment.

Galak na nginitian naman siya ni Viorea at agad na tinanggap ang palad niya. "Viorea Ione Walter, daughter of the second queen of Synvenxia palace.  Hindi na rin ako prinsesa," pormal na wika niya dito.

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ni Cooper nang maalala ang sinabi ng ikalawang reyna sa hari. Tila nagdilim ang paningin niya at mas lalong umalpas ang galit na nararamdaman niya sa sarili niyang ama dahil sa ginawa nito sa kaisa-isang babae'ng kapatid niya.

Kahit kailan talaga ay walang halaga sa kaniya ang mga anak niya. He thought.

Mas nanaisin niya pang siya na lang ang magdusa keysa ang kapatid niyang babae. Hindi siya makapaniwalang nagawa itong patalsikin ng ama niya samantalang ang sabi ng Reyna Astrid ay may matibay na ebidensya naman ang babae para patunayang inosente ang sarili.

"Ayos ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ni Viorea sa kapatid nang maramdaman ang pagdilim ng paningin nito.

Natauhan naman si Cooper at hilaw na ngumiti sa kapatid bago bitawan na ang kamay nito. "Ano... Ayos lang. Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin? Marunong akong magluto. Lulutuan kita," naging aligaga ang boses niya dahilan para makita sa mukha ni Viorea ang pagkatuwa.

Agad na umiling si Viorea na may malaking ngiti sa labi. "Marunong po ba kayong gumawa ng kwek-kwek? Iyon po kasi ang paborito ko dito," sagot ni Viorea.

Cooper's face lit up. "Talaga? Paborito ko rin 'yon. Tara, I'll cook kwek-kwek."

Nakangiting tumango si Viorea at buong galak na sinundan ang kuya niya. For her, it was one of the best moment she ever had. At naniniwala siyang mas magiging the best pa ang mga susunod na makakasama niya ang kuya.

Nang maggabi ay tahimik lang na nakahiga si Eraia sa kaniyang kuwarto. Nakatingin siya sa hawak-hawak niyang kuwintas na may pendant na perlas. She's still amaze by the pearl's color. Kakaiba ang kulay nito, naghahalo-halo ang iba't ibang kulay ba sumisimbolo sa kalikasan.

Tumingin siya sa pintuan niya nang bumukas iyon at doon niya lang naalalang pupunta nga pala sa silid niya si Logan. Bumangon siya sa higaan at umupo.

Bumungad sa kaniya si Logan na may dala-dalang pagkain na wari niya'y para sa kaniya.

Hindi niya kasi nagawang sumabay sa kanila maggabihan dahil hindi niya lang trip makipaghalubilo sa kung sino.

She wants peace for now.

"I cooked you some food," marahang wika ng binata sa kaniya pagkatapos na isara ang pintuan ng kuwarto niya. Nilapitan siya nito. "I know that there's something bothering you... Would you like to share your thought to me?" he carefully asked Eraia.

Eraia who's blankly looking at him just sighed before getting the food that Logan made.

Nag-iwas ng tingin si Eraia. Gusto niyang sabihin ang iniisip niya pero hindi niya lang alam kung saan siya magsisimula. It was something to do with her real identity.

Dapat na ba niya sabihin kay Logan na hindi siya ang katawang ito? Na basta na lamang napunta ang kaluluwa niya sa katawang ito?

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya namalayang marahan na pala siyang hinawakan ni Logan sa kanan'g kamay niya kung saan wala iyong hawak.

This time, there's no mischievous Logan infront of her. Just Logan who cares for her.

"Don't hesitate to tell me everything on your mind, Hidden," mahinang wika nito sa kaniya. "You can trust me."

Eraia can't help herself but to smirked. "Ni hindi mo pa nga sinasabi ang tunay na dahilan kung bakit nandito ka eh... Kung bakit tinutulungan mo 'ko," aniya.

Logan sighed, trying to not lose his patience, "You really have no idea, don't you?" He humorlessly laughed.

That made Eraia furrowed her eyebrows. "What?" nagtatakhang tanong ni Eraia. "About you liking me?"  she added.

That's when Logan frozed on his shoe.

Author's note: Hanggang 60 pala ang hahaha

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon