Sixty Two: Winter Moon

2.5K 191 11
                                    

Winter Moon

Ikatlong Persona

Upon looking at the little Eraia and the younger version of the king and queen ay wala sa sarili siyang napapikit nang maramdaman ang pagpintig ng sentido niya. Brittany massaged her temple but as soon as she opened her eyes ay muli nanaman siyang natigilan dahil sa biglang pagbago ng scenario ng pinapanood niya.

Unlike the first one, the presence of the palace is gloomy. Nawala na ang masayang pamilya ng Lavinia sa harapan ni Brittang maging ang mga maid na nasa gilid ng palasyo. Ang tanging ilaw lang na ginagamit niya upang makita ang paligid ay ang ilaw ng buwan.

She sighed as she decided to go outside.

Muli siyang bumalik sa hardin ng palasyo at hindi niya rin alam kung bakit doon niya muling gustong pumunta. Pero nasagot din agad ang katanungan niya ng makita ang batang Eraia.

The little Eraia was in her 5 or 6 years old. Nakatungo ito habang nagtataas-baba ang balikat.

Brittany couldn't hear Eraia's cry unlike the other child who cries loudly. The little Eraia cried in silence.

Nagtatakha man ay agad niyang tinabihan ang bata kahit na alam niyang hindi nito siya makikita. Gusto niya lang itong lapitan dahil bahagya siyang naaawa para sa bata.

"Ano bang nangyari?" mahinang ani ni Brittany sa sarili.

Agad na napalingon si Brittany nang may marinig siyang mahinang mga yapak ng kung sino. Ilang sandali lang ay bahagyang nangunot ang noo niya nang makita ang isang batang lalake. At sigurado siyang ang batang Frost iyon dahil sa mga mata nito na kahit bata pa lang pala ay malamig at waru'y walang buhay na.

Dahan-dahan nitong nilapitan si Eraia. "Bakit ka umiiyak?" inosenteng tanong ng batang lalake.

Agad namang napaangat ang paningin ng batang si Eraia at bahagyang nanlaki ang mata habang namumula ang pisnge nito at ilong. "H-Ha?" Ang maliit na boses ng batang babae ay paos pa.

The little boy sighed as he lend her his handkerchief. "Alam mo bang nakakapangit para sa isang babae ang umiyak?" ani nito, may bahid ng pagka-arogante.

Tumaas ang kilay ni Brittany dahil sa tinuran ng batang Frost at wala sa sarili na lang na napa-ilung.

Dahil sa sinabi ng batang lalake ay agad na napanguso ang batang Eraia bago ito mag-iwas ng tingin. "H-Hindi naman ako n-naniniwala doon. A-Ang sabi ng Papa ko ay maganda pa rin ako kahit na umiiyak," humihikbing wika niya bago abutin ang panyo ng lalake na inilahad sa kaniya. "Thank you," she softly said.

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ng batang lalake.

Dahan-dahan nanamang nangilid ang luha ng batang si Eraia kaya medyo nataranta ang batang Frost. "Huwag ka nang umiyak," wika ng batang lalake na may bahid ng pagbabanta.

Mas napanguso si Eraia dahil doon. "H-Hindi kasi tinupad nina Papa at Mama ang pangako nila sa'kin... Ang sabi nila ay uuwi sila sa kaarawan ko pero hindi man lang sila sumipot," nagtatampong kuwento ng batang babae sa batang Frost.

"Eh kailan ba ang kaarawan mo?" muli nanamang tanong ng batang lalake.

"Ngayon," mahinang wika ni Eraia.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon