Seventy Six: Bandit's Offer

2.1K 139 8
                                    

Bandits Offer

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya't kumunot ang noo. "Ang anak ng unang reyna?" I don't know but when he said that thing ay iyon agad ang unang pumasok sa isipan ko.

He nodded at me. "Normal lang ang kulay ng mga mata niya na kulay dugong pula. Naiiba ito sa kulay ng mga mata ni Logan," matamang wika niya. Ipinararating na maging siya ay alam ang kulay ng mata ni Logan.

Iba talaga ang kulay ng mga mata ni Logan sa hindi maipaliwanag na dahilan. There was something else when you look at his eyes, as if he was telling you that he's a dangerous man. Ganoon ang awra ng mga mata nito pero kahit ganoon ay kahit na titigan ko ng kahit gaano pang katagal ang mga mata niya ay ni hindi ko man lang magawan matakot doon.

Huminga ako ng malalim. "I'm not stupid but this problem is making me like that," naiinis na bulong ko.

Hindi ako makapaniwala sa sarili na hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa lugar na ito. Ang hanap ko lang naman dito ay ang taong nasa likod ng nangyari sa'min ni Eraia sa gubat na iyon.

"The time is ticking, Eraia. Foe are also running. So move faster to find the book," huling wika niya sa'kin bago ito tumayo at iwanan na lang ako basta dito.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya ngunit sa huli ay bumuntong hininga na lang ulit. Nakailang buntong hininga na ba ako?

Alam ko ang sinasabi niya... Well, I somehow get it but I just let that aside.

I need to find the book first like he tells me to do. No more hidrance in my way.

Sumandal ako sa puno bago huminga ng malalim at pumikit habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

A lot of thoughts running through my mind. Lahat ng iyon ay hindi ako  sigurado. Lahat ng mga katanungang naiisip ko ay wala pa ring mga sagot. Even though I travel a lot until now, imbis na masagot ang mga katanungan ko ay tila pa ata nadagdagan ito.

Nakaka-frustrate.

Why did I even started this? If only I behave myself that night, wala ako sa lugar na ito.

A DAY HAD PASSED at natanaw na nila ang isang arko na yari sa matibay na kahoy at may nakaukit na Azzmare.

Alam niya ang ukol sa lugar na ito dahil minsan niya nang nabasa ang lugar sa isang libro ni Eraia sa loob ng silid-aklatan nito. Ang Azzmare ang tirahan ng mga bandito o mga taong minsan nang nakulong sa mga iba't ibang panig ng lugar dahil sa mga kasalanang nagawa. Isa rin sila sa mga minsang nakikiusyoso sa mga Mafia upang magsilbing kita nila. Sa pagkakaalam ko ay mahal ang mga bayad sa kanila ng mga Mafia sa tuwing may ipag-uutos ang mga ito.

Medyo malayo pa man sa lugar ay ramdam ko na ang mabigat na presensya noon. Naaaninag ko na rin ang mga banditong mga nakatago sa bawat sulok ng kagubatan habang ang mga pana nito ay nakatutok sa'min.

Imbis na kabahan ay excitement pa ang naramdaman ko dahil parang bumalik ako sa dating buhay ko na puro laban at misyon lang umiikot. Pamilyar ang ganitong sitwasyon, minsan ko na kasing pinasok ang lugar ng kalaban ng alyansa o organisasyon namin para makipagkasundo dito but I remembered when it was a gone wrong. Well, hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil wala talaga akong binibigay na pasensya sa mga taong arogante katulad ng lider ng alyansang iyon.

I chuckled at that thought. I miss being in my original form. The form of Eraia's body is made to act like a real princess and being prim and proper or a girly girl. Mahina ang katawan nito ngunit buti na lang ay kahit papaano'y nasasabayan ng katawang ito ang iniisip ko. Kahit na wala itong sapat na training ay nagagawa nitong makipaglaban sa mga taong nasa paligid ko. Ang downside nga lang ay basta na lang nananakit ang buong katawang ito sa tuwing natapos na ang laban. I think I forced this body to fight.

Napalingon ako kay Blue nang bumulong ito. "I smell danger," he playfully said in my ears before laughing. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nito ang trabaho ko noong nasa saaming mundo pa kami. Alam niya rin na ganoon ang trabaho ng magulang niya, gusto niya nga ring pumasok sa organisasyon ngunit ang organisasyon na mismo ang tumanggi sa kaniya hindi dahil sa hindi siya magaling, well, infact he's the best fighter I know in earth besides our parents, kun'di dahil sa sakit niya.

Parehas kami ay hindi pinilit ng magulang na maglingkod sa organisasyon na iyon para sa bayan. Kusa naming gustong sumali doon. Nagkataon namang bata pa lang ako ay nagkainteres na'ko sa alyansa hanggang sa tinuruan ako ng magulang ko kung paanong lumaban bago ako dinala sa alyansa para mas lalo pang nahasa. Then my parents died because of an ambushed mission.  They became my inspiration to continue my dreams to serve the nation, Ginawa ko ang lahat para maging isa sa pinakamagaling na agent sa organisasyon hanggang sa naging sergeant ako. It was indeed a great journey, it just happened that I'm stuck in here.

Tahimik na naunang lumabas si Hendrix dahil siya ang may kilala sa lugar na ito. Bago kami sumunod sa kaniya sa paglabas nang huminto na ang sinasakyan namin sa mismong tapat lang ng arko ng Azzmare.

Nakita ko kung paanong lumapit patungo sa'min ang isang lalakeng may malaking pangangatawan at puno ng sugat ang balat maging ang gilid ng labi nito at kaliwang kilay nito. Medyo mahaba ang buhok nito dahil naitatali niya. Batid kong mas matanda ito ng ilang taon sa'kin base sa pisikal nitong anyo.

"Hendrix," matigas na bati ng lalake kay Hendrix na nasa harapan namin.

At bilang nag-iisang Hendrix ay malamig na tumango ang lalake.

The guy that full of scars in skin icily chuckled. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Ni hindi ka man lang natatakot sa'kin at hindi mo pa rin binabati ang pagbati ko," anito.

Saglit munang nakipag titigan si Hendrix sa lalake na hindi niya man lang muling sinagot, but instead, he said, "Kailangan naming dumaan sa lugar niyo," walang emosyong wika nito.

The guy raised his eyebrow before glancing on us na pare-parehas lang walang mga reaksyon.

"Alam mo ang patakaran ng Azzmare, Hendrix," turan nito bago ipalibot sa amin ang paningin niya. "Kailangan niyo munang matalo ang isa sa mga alagad ko bago kayo makadaan sa luhar na ito," patuloy nito hanggang sa huminto ang paningin nito sa'kin at sapat na iyon para makita ko ang kulay abo nitong mata na tila walang buhay lang na nakatingin sa amin— sa'kin.

"Ah..." he chuckled like something popped on his head. "How about have a sparring with me, Milady?"

Author's note: Waiting sa next scene nito hehe. Action kaya?

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon