Sixty One: The Little Past

2.5K 170 6
                                    

The Little Past

Ikatlong Persona


Nang magmulat ng mata si Brittany ay agad siyang natigilan matapos na makita ang hardin na nasa Veintorici. The first place she went when her soul was transferred on Eraia's form.

She roamed around her eyes at tila mayroong mga nagbago sa lugar, Hindi niya lang mawari kung ano iyon but she thought that it was the ambiance.

Sunod namang tiningnan ni Brittany ang kaniyang katawan at napagtantong nasa katawan pa rin siya ni Eraia. She knows well kung anong nangyari sa kaniya. Yung dagat, alon at maging ang paglubog niya sa tubig.

Even though that Logan falls too in the sea, ay hindi niya magawang mag-alala sa binata dahil alam niyang kaya ng binata ang kahit anong mangyari rito.

Nagtatakha lang siya kung bakit siya napunta sa hardin ng Veintorici palace. Minsan pang naisip niya kung nasa loob siya ng isang ilusyon.

As she tried to walk through the garden. She notice a little girl that has a long hair and fair skin while playing a petals of some flowers.

She reluctantly went to the little who seems not to notice her. But when she tried to talk to the little girl ay walang lumabas na kahit anong boses sa bibig niha. Dahan-dahang naningkit ang mata niya habang iniisip kung anong nangyayari ngayon. She unconsciously looked at the little girl and in a second, she was struck when she felt the familiarity on the little girl's face.

It was a resemblance of Eraia.

"Prinsesa Eraia!" Maging si Brittany ay napalingon nang may tumawag na isang boses sa pangalan ni Eraia ngunit hindi siya pamilyar kung kaninong boses iyon. Miski ang mukha nito ay hindi niya kilala but the one who called Eraia looks like a maid because of her maid suit.

Pinagmasdan ni Brittany ang batang babae na nakangiting tumayo upang salubungin ang katulong.

May bahid ng pag-aalala ang mukha ng katulong na iyon habang tinitingnan ang batang babae. "Prinsesa Eraia, hindi ba't ilang beses na kitang sinabihang huwag magtutungo ng hardin nang walang kasama?" pangangaral nito sa batang babae ngunit may bahid naman ng pag-aalala ang boses.

Nangunot ang noo ni Brittany dahil sa sinabi ng katulong. "The little Eraia?" ani ni Brittany ngunit wala man lang na lumabas na boses sa bibig niya.

"Pero may kasama naman ako..." Tinuro ni ang mga halaman at bulaklak sa hardin. "Ang kalikasan," sagot niya sa maid habang may nakapaskil na inosenteng ngiti sa kaniyang labi. Kahit na pinangaralan siya ng katulong ay hindi pa rin nawala ang ligaya at buhay sa mga mata nito.

Eraia is still a child pero kung makapagsalita ito ay dinaig pa ang pitong taon na mga bata.

Napangiti na lang ang katulong at hindi na nagawang pagalitan pa ang bata dahil sa inosente nitong mga tingin. "O siya, basta sa susunod ay magpaalam ka ha?" marahang ani ng katulong na agad namang ikinatango ng batang si Eraia. "Ipinapatawag ka nga pala ng iyong magulang."

Dahil sa sinabi ng katulong ay nakita ni Brittany kung paanong mas lumiwanag pa ang mukha nito at mas lumaki ang pagkakangiti. Buong galak nitong hinawakan ang dulo ng palda niya upang madali siyang makatakbo sa loob ng palasyo. Ni hindi na nga nito binalingan pa ng ang katulong na tinatawag siya.

Sinundan ni Brittany ang batang Eraia na tumatakbo patungo sa loob ng palasyo at nang makapasok ay doon niya nakita ang mas batang mukha ng hari at reyna. Parehas itong nakangiti kay Eraia. Hindi maiwasang bahagyang magulat ni Brittany nang makita niya kung paanong lumuhod ang reyna para lang salubungin ng yakap ang batang Eraia at buhatin ito. Samantalang ang Hari naman ay hinagkan ang noo ng bata atsaka binigyan ng matamis na ngiti.

Brittany couldn't help but to released a shocking gasped when the Lavinia looks like a perfect family from what she's seeing.

Is this real? She thought. Hindi siya makapaniwalang ganito ang Reyna at Hari. She's concluding that this was Eraia's past kaya hindi siya makapaniwalang parang ang buti-buting magulang ng Hari at Reyna para sa anak na si Eraia.

"Our middlemist's red camellia," marahang wika ng Reyna habang yakap-yakap sa anak. The little Eraia looks so pleased when she heard that.

Middlemist's red camellia. The rarest flower in Brittany's world, Earth, and probably the most precious flower on Eraia's world.

Brittany was taken aback when she remembers about the nickname. Minsan niya nang nakita ang pangalan na iyon nang maglibot siya sa silid-aklatan ni Eraia at sa sarili nitong kuwarto. Maging na rin sa patalim na nakita niya sa damitan ni Eraia na nasa dormitoryo ng paaralan.

"Maayos ba ang pakiramdam mo sa palasyo habang wala kami?" tanong ng Hari sa batang Eraia.

Ngumuso ang batang Eraia bago agad na umiling. "Namimiss ko po kayo ni Mama palagi. Isang buwan din po kayong wala rito sa palasyo at malayo pa po ang lugar na pinuntahan ninyo." Ngunit kalauna'y ngumiti rin ito. "Mabuti na lang po at ginawa niyo ang hardin para sa'kin. Kahit papaano'y nalibang po ako ng mga bulaklak at halaman na nakatanim sa paligid ng hardin," maligayang kuwento nito.

Maging si Brittany ay hindi maiwasang mapangiti habang nakatingin sa batang si Eraia. She looks so innocent, carefree and a cery fragile person.

Dahan-dahang naging isang malungkot na ngiti ang pumaskil sa labi ng katawang ginagamit niya nang maalala ang lahat ng mga pinagdaan ni Eraia during her youth. Hindi niya alam kung paanong humantong ng ganoon ang lahat para kay Eraia. Looking at the little Eraia. She didn't think that the lady deserves all the pain, betrayal and agony in this world.

The Queen sighed. "Pasensya siya na, anak ha? Masyado kaming maraming ginagawa dahilan para hindi ka namin makasama ng matagal..." She smiled softly to her daughter. "Pero alam mo namang para sa kinabukasan mo ang lahat ng ginagawa namin, hindi ba?" marahang ani nito.

Nakangiting tumango naman ang batang si Eraia.

Samantalang si Brittany ay hindi maiwasang mapatawa ng sarkastiko.

Para sa kinabukasan. Para kaninong kinabukasan nga ba?

Brittany rolled her eyes while looking at the King and Queen. Kung titingnan ang dalawang ito ay parang hindi nila magagawang saktan ang anak, pisikal man o emosyonal.

Brittany sighed when she felt that she's suddenly curious kung paano nga ba nagbago ang ugali ng Hari at Reyna.

Dahil ba sa mahina makipaglaban si Eraia? O dahil nilason ang utak nila ni Damiana?


Author's note: Feeling ko aabot 'to ng 100 chapters😭

BTW gusto ko sana kayo bigyan ng trivia/spoil sa pangalan ng school nina Eraia pero next time na langHAHAHAHAHAH winks.

Spoiler: The one you think the enemy is. Isn't actually the real enemy:)

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon