Twenty Two: The Descendants

5.5K 330 6
                                    

The Descendants

Going back to school. The elites dropped me off to the entrance of Veintorici Palace to prepare my things bago pumunta ng paaralan.

Saglit ko pang nakasalubong si Damiana habang papasok ako ng palasyo, samantalang siya ay palabas na. She just eyed at me that's why I didn't bother to looked at her since hindi naman siya importante para sa'kin.

Sinalubong ako ni Gregoria na may bahid ng pag-aalala pero agad ring kumalma nang sinabi kong kasama ko namang magpalipas ng gabi ang mga elites.

Ilang saglit lang ang itinagal ko sa palasyo dahil naayos na pala ni Gregoria ang mga gamit ko kaya't ang ginawa ko nalang ay idouble check ito.

A few hours had passed and I found myself entering the school but unlike the first day I've entered here ay may sumalubong sa'kin.

Kunot-noo kong tiningnan ang lalake'ng nakasalamin matapos niyang humarang sa dinaraanan ko. "The headmaster wants to talk to you, Miss Lavinia," blangkong turan nito bago agad na naglakad, hindi man lang hinintay ang isasagot ko. Dahil sa pagtatakha ay sinundan ko nalamang ang lalake na patungo sa headmaster.

Curious why the Headmaster wants to talk to me ay agad na'kong pumasok sa opisina nito nang hindi man lang kumatok. Doon ko namataan ang mga elites na seryosong nagpapakiramdaman. Sabay-sabay silang tumingin sa'kin samantalang ako naman ay blangkong nilabanan ng tingin nila bago kusang umupo sa bakanteng upuan na kalapit ni Cooper. The door automatically closed when the guy earlier entered too.

Mas lalong bumigat ang presensya sa loob matapos na sumara iyon, wari'y may puwersa na nakapalibot sa lugar kaya agad kong inikot ng paningin ko upang pakiramdaman kung sa headmaster ba yon o sa lalake'ng tahimik na nakatayo lamang sa gilid ng headmaster.

My eyes stucked in the guy who just blankly staring at nothing. Nakatingin lang ito sa pader pero agad ding lumipat ang tingin sa'kin nang mapansin niya yatang nakatingin ako sa kaniya.

"Since you're all here, I want to straigth to the point our meeting for today," wika ng Headmaster na umikot sa buong silid na ito. Saka lang ako umiwas ng tingin sa lalake matapos na magsalita ang Headmaster. Nilingon ng Headmaster ang taong nakatayo sa gilid niya. "This guy beside me is Hendrix my new assistant," pakilala niya rito.

"You mean, the shield wielder?" naniniguradong tanong ni Ashanty.

As what I've read from the books. The shield wielder is the one who makes a very strong invisible shields in this world, they are strong in defenses.

Marahang tumango ang headmaster dahilan para bahagyang bumuka ang bibig ni Ashanty habang sina Cooper naman ay natitigilan na tila namamangha pang nakatingin rito, well there's always an excemption and it is Logan who's casually sitting on his seat. Habang ako naman ay medyo nalilito sa katauhan ng lalake.

The guy named Hendrix slightly bowed his head pero hindi man lang nagsalita.

"The famous shield wielder is just Headmaster's assistant," wika ni Elias. Hindi ko alam kung nanunuya ba ito pero mukhang wala namang pakialam yung Hendrix sa sinabi ni Elias. Hindi iyon pinansin ng mga tao rito.

Tumighim nalang ang Headmaster bago magpatuloy sa pagsasalita. "Una, gusto kong malaman niyo na alam ko ang misyon niyong hanapin ang libro. Pinapunta ko kayo rito para mag-alok ng tulong dahil alam kong napaka-importante ng librong hinahanap niyo at pangalawa, humihingi ako ng paumanhin sa'yo Lady Eraia." Tiningnan ako ng Headmaster. "Ako ang nag-utos na pasukin ang kuwarto mo para ilagay ang librong ginawa ko upang magsilbi niyong pahiwatig para sa inyong marapat na puntahan," wika nito.

Dahan-dahang tumaas ang kilay ko. "If that's the case... Ibigsabihin ba noon ay matagal mo nang alam na nawala ang libro?" tanong ko rito na kinasang-ayon naman ng ibang elites.

"No. Saka ko lang ito nalaman noong pumunta ka rito, tanda mo? Pagkatapos noon ay kumilos na rin ako upang mahanap ang libro at inutusan si Hendrix para roon. Pero ang tanging nakita niya lang ay ang pahina ng libro na nasa fantasy falls. Kahit pa man isa siyang shield wielder ay hindi niya pa rin magawang tumalon sa tubig na iyon kaya bumalik sa'kin si Hendrix para sabihin yon," sagot ng Headmaster sa tanong ko. "Alam kong hindi ka magdadalawang isip na hanapin yon pati ang elites na kailan lang ay nalaman kong kasapi ka na pala ng miyembro nila. Agad akong gumawa ng librong magbibigay gabay sa inyo," patuloy nito.

"Bakit hindi mo nalang basta sinabi sa'min kung nasaan ang pahina ng libro imbis na magbigay pa ng clue?" kunot-noo'ng tanong ni Calypso, mukhang hindi nauunawaan ang intensyon ng Headmaster.

Marahan ngumiti ang Headmaster. "Dahil delikado, Calypso. Hindi ko puwedeng ipagbigay alam agad sainyo yon dahil alam kong may mga tenga at mata ang mga nakakarinig at nakakakita ng mga ginagawa ko noong oras na iyon," sagot niya rito.

"Someone was after you?" hindi mapigilang tanong ni Elias.

Marahang tumango ang Headmaster. "Isa sa mga taong gusto makuha ang gem," sagot nito.

"Huh? Eh wala naman na sa'yo yung gem, Headmaster!" buwelta ni Cooper na nakakunot-noo rito sa tabi ko. "Wala na rito sa school 'yon 'di ba?" nagtatakhang tanong niya sa iba.

Bahagyang kumunot ang noo ko. Anong gem naman iyon? At anong wala na rito sa school ang bagay na iyon? Pati ba naman ang paaralang ito ay sakit din sa ulo. I wish I could find an effective medicine for hesdache here.

Tumango ang Headmaster kay Cooper. "Pero para mapangalagaan ang Gem ay gumawa kami ng replika at nilagay iyon sa kung nasaan datu ang gem para magsilbing patibong."

"Enough for the Gem," pang-aawat ni Logan na mukhang hindi na intiresado sa pinag-uusapan nila. "So you called us here to help us and inform us that you're helpning us, right?" ani nito sa Headmaster bago tumingin kay Hendrix. "I bet that this guy will be the one who'll help us," dagdag nito.

Tumangong muli ang Headmaster bago marahang ngumisi. "I don't accept no for you this time, Logan," the authorative voice from the Headmaster was heard upon this room.

Isa-isa kaming tiningnan ni Logan na wari'y tinitignan niya kung ano ang magiging desisyon namin. Sabay-sabay kaming nagpalitan ng tingin na wari'y nagpapalitan kami ng sagot base lang doon. Matapos noon ay sabay-sabay kaming tumango sa Headmaster.

Ngumiti ito sa'min at hindi na nagsalita. He seems satisfied from what we'd answered to him that's why he dismissed us at pinapunta na sa kaniya-kaniyang dormitoryo.

Once again, before I leave the office, muli kong tinitigan ang nagngangalang Hendrix. He's surprisingly staring at me too, just like my blank stares ay gano'n din siya. He slightly bowed at me without breaking our gaze.

Dahan-dahan akong ngumisi sa kaniya bago tuluyan nang lumabas.

Atsaka lang akong nakahinga ng maluwag. Muli kong inalala ang lalake'ng iyon hanggang sa may pumasok sa isipan kong munting salita.

"Descendants," I blurted out before looking back to where I came from.

Plastered a wide grin in my lips, sumabay akong naglakad sa mga elites.

Author's Note: Thank you po for continously reading, voting and commenting in this story! <3

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon