Eighty Eight: Insincerity

1.8K 113 9
                                    

Insincerity




Hindi sinagot ni Hendrix ang katanungan ko kung nasaan ba ang kapatid ni Cooper kaya hindi ko na lang siya pinakialaman matapos na yayain ako ni Blue sa kusina para raw tingnan siyang kumain ng mga niluto ko kanina.

"Alam mo ba..." Nilapit ni Blue ang mukha niya sa'kin. "Narinig ko kanina yung Boss niyo na si Logan pati yung babae na Damiana, nag-uusap sila tapos ilang beses kong narinig yung pangalan mo," aniya.

I rolled my eyes dahil sa kachismosahan niya. "Tulog ka kanina, Blue," ani ko sa kaniya, stating the fact.

"Gising na utak ko no'n!" pang-poprotekta niya sa sarili. "Layo-layuan mo yang dalawang yan ha. Lalo na yung Logan, tch," masamang wika niya.

Inilingan ko na lang ang sinabi niya. "Ano bang pinag-uusapan nila?"

Nagkibit balikat si Blue. "Ewan. Hindi ko masyado narinig, basta narinig ko lang yung pangalan mo na binanggit nila."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Napakachismoso talaga, hindi pa nilubos. Mapa mundo man natin o mundo dito ay wala na talagang magbabago sa lalake'ng ito.


Ikatlong Persona


Isang masukal na daan ang tinahak ng lalake patungo sa lugar na miski siya ay hindi rin sigurado. Naniniwala siya sa sinabi ng libro sa kaniya pero naroon pa rin ang pag-aalangan kung totoo nga ba ito. Nakatatak na kasi sa utak niya noong bata pa man ay hindi lahat ng nakasaad sa libro ay totoo.

Ilang buwan na siyang naglalakbay pero wala pa rin siyang makitang lagusan na sinasabi ng libro. Hindi nga rin niya alam kung ano bang lagusan iyon, basta ang alam niya lang ay nagliliwanag ang bagay na iyon.

He's close to lose his patience but he teied his best to know the better.

Ang mga pulang mata niya ay nagliliwanag habang ipinalilibot ang paningin sa paligid. Ramdam na rin nito ang pagod dahil ilang araw na rin siyang walang pahinga sa paglalakbay but as much as he want to rest, ay hindi puwede dahil malapit nang maubos ang oras niya. Malapit nang magsara ang lagusan at hindi maaaring maghintay nanaman siya ng anim na sampung taon para lamang muling magbukas ito.

Gusto niyang maiyak sa inis nang tuluyan nang bumigay ang mga paa niya sa paglalakbay. Wala siyang nagawa kundi ang sabunutan ang sarili.

7 days. Pitong araw na lang ang natitirang oras sa kaniya. Anumang oras ay puwedeng magsara na ang lagusang iyon kaya sa madaling panahon ay lubos niyang dinasal sa panginoon na sana ay mahanap na niya iyon.

Para saan nga ba ang bagay na ito at ginagawa niya? Sa katunayan ay hindi rin siya sigurado. Ang tanging hangad niya lamang ay istorya at historya ng mundo.

Another days had come and right before the the light disappeard ay agad niyang pinasok iyon. But the thing is... He lost his control on his body as he entered the light.

Kusang kumilos ang mga paa niya para magtungo sa kung saan hanggang sa nakita nalang niya ang sarili sa tapat ng salamin. The red color in his eyes were already not visible to his naked eye. Dahan-dahng lumunot ang noo niya.

Hindi siya ang repleksyon ng salaming nasa harap niya. Ibang tao iyon!

Isang taong may kakayahang manipulahin ang repleksyon ng mga taong humaharap sa salamin.

Siya mismo na sarili ay nangilabot nang makitang dahan-dahang ngumisi at tumalim ang mata ng repleksyong niya na nasa mismong harap  niya. He wants to move but he can't because he felt like someone was comtrolling his body.

"W-Who... Who are you?" tanong niya na halos hindi pa maituloy sapagkabigla, pagkalito, takot at kung ano-ano pang negatibong ekspresyon.

Ngunit tulad ng inaasahan niya ay isang ngisi lamang ang iginawad ng repleksyon sa kaniya. Pero bago pa man siya muling magtaning ay sumagot na ito. "Ako ay ikaw... Ang kasamaan at kadilim. Hindi mo na ba maalala?" ani ng nasa repleksyon na nakapagpahinto sa kaniya.

Sino ito?

Hindi niya maalala ang tinutukoy nito at hindi man lang nagsilbi iyong dahilan para may maalala siya.

"How could you say that I'm you?" He pierced his eyes on the mirror, on his reflectuon.

"Huwag mong bulagin ang sarili mong mata. Buksan mo ito nang malinawan ka." Kasabay ng pagsasalita nito ay ang dahan-dahan ding pag-crack ng salamin sa harapan niya hanggang sa bigla nalang iyong sumabov at nabasag.

He closed his eyes to protect himself but the moment he done that, ay iyon din ang sunod-sunod na mga ala-alang bumalik sa isipan niya.



SA KABILANG dako naman ay taimtim na pinagmamasdan ng isang lalake ng Prinsesa  ng Veimtorici na nagngangalang Lavinia. Oo nga't humanga siya sa ugali ng babae pero hindi pa rin maaalis sa isip niya na isa itong maharlika na kinamumuhian niya.

Hindi niya sigurado kung nakikita ba siya nito o hindi. Pero ang imoortante sa kaniya ngayon ay makita ang mga galaw niya para mapag-aralan siya.

Masaya ang prinsesa habang kinakausap ang sinasabing nobyo nitong si Blue. Gusto na lang niyang mailing dahil halos napaniwala nilang dalawa na magkarelasyon sila. Hindi niya alam ang status ng dalawa but he's sure that the princess and the guy named Blue are not in a relationship.

Mahirap hanapan ng kahinaan ang prinsesa, sa totoo lang. Dahil ang mga pinapakita nitong kahinaan ay mukhang walang-wala lang. Para bang she purposely act like that's her weakness when in fact that it is not. Katulad na lamang na dati ay takot siya sa mga pakikipaglaban pero kung pagmamasdan siya ngayon ay mukhang bata pa lang ay sinanay na.

Misteryoso sa kaniya ang Prinsesa at dahil doon ay nagustuhan niya ito sa madling panahon. Ang masaklap nga lang ay hindi niya puwedeng magustuhan ang dapat na kalaban niya. Hindi niya puwedeng magustuhan ang taong naging dahilan kung bakit nag-iisa na lang siya ngayon.

Gagawin niya ang lahat para mapabagsak at malaman ang kahinaan ng Prinsesa. Hindi puwedeng papalpak pa siya sa pagkakataon ngayon. Pagtitibayin niya ang sarili at hindi na mag-aalangan pa sa huli.

Hustisya bago ang pag-ibig.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon