Twenty Seven: Assurance

4.6K 309 70
                                    

Assurance

Pissed.

Yan lang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makakain ng maayos dahil panay ang bulungan ng mga taong nakikiusyoso sa amin.

Hindi ko alam na may kumalat pala na balitang pinilit ko raw ang elites na sumama ako palagi sa kanila.

I mean, gano'n ba ang dating sa kanila noong sinalubong ako ng Elites matapos ng monthly evaluation? Kahit saan'g mundo ako pumunta ay may mga judgemental pa rin pala. Hindi na sila nagsawa.

I have a low patience, but still, for my peaceful meal, I have to endure everything.

Inilibot ko ang paningin sa mga katabi ko. Pare-parehas silang nakakunot ang noo at pinapasadahan ako ng tingin, as if they are asking for my signal.

"Just tell us, patatahimikin namin sila," bulong sa'kin ni Elias na katabi ko.

Nilingon ko siya. "Bury them alive would be nice," I nonchantly said to him.

The side of his lips rose up bago bumulong sa katabi niyang si Cooper. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Cooper bago agad na tumango.

Ashanty and Calypso were confused kaya mahinang sinabi ni Cooper ang sinabi ko kay Elias. "Ilibing daw natin sila ng buhay sabi ni Eraia," ngising aso'ng turan ni Cooper.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Ashanty before eagerly nodded. "Mas mabuti pa nga," natutuwang wika niya.

Mahina namang tumawa si Calypso. "Parang kaya niyo namang gawin 'yon," natatawang ani nito.

Tinaasan siya ng kilay ni Cooper at Ashanty. "Walang imposible kapag si Eraia ang nag-utos," malokong wika ni Cooper. Tumango si Ashanty bilang pagsang-ayon.

I plastered a small smile in my lips bago umiwas ng tingin sa kanila at kinain na lang ang pagkain ko.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa nilang big deal ang makisalo sa elites, kung inggit sila e'di makiupo rin sila dito. Wala namang pumipigil.

Agad akong tumingin sa kanan ko nang may biglang sumulpot doon at umupo dala-dala ang pagkain niya. I blinked twice while staring at Hendrix, the assistant of Headmaster.

He slightly bowed his head. "Pasensya na kung dito ako nakiupo. Wala nang bakanteng upuan at ayaw ko namang makiup sa hindi ko kilala," paumanhin niya. His voice were cold like ice and gave me chills.

I smirked before looked away. Nagkatinginan kami ni Logan na malalim ang tingin sa'kin. Nilipat niya ang paningin sa katabi ko before he slightly smirked. Hindi ito nagsalita pero saglit ko pang nakita ang matalim na tingin niya kay Hendrix.

"Okay lang yon, ano ka ba!" wika ni Ashanty, pinapalubag ang loob ni Hendrix.

Maliit na tumango na lang ang katabi ko bago tahimik na kumain na lang.

"Hendrix..." Sabay-sabay kaming napatingin kay Ashanty na tinawag si Hendrix, may maliit na ngiti ang dalaga habang nakatingin rito. Saglit ko pang ipinaglilipat ang tingin sa dalawa.

Nagtaas ng ulo si Hendrix bago kumunot ang noo.

"Anong tipo mong babae?" marahang tanong niya. Ala-domino effect ang reaksyon namin dahil doon, sunod-sunod kaming nasamid sa kinakain maski si Logan. I hide my smirked habang ang iba naman ay nanlalake ang mata.

Walang-kaide-ideyang sumagot si Hendrix, "Yung tahimik... atsaka may maayos na paninindigan,"

Ashanty formed an 'o' in her lips.

"1 over 2 ka lang, hindi ka tahimik eh," bulong ni Calypso kay Ashanty na kaniyang katabi pero na kahit na bulong yon ay narinig pa rin namin ang pang-aasar niya.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon