Twenty Eight: Guest

4.6K 325 16
                                    

Guest

Tahimik akong humawak sa braso ni Logan habang marahan naman niyang hinawakan ang beywang ko. Inabante niya ang kaniyang kaliwang paa habang ang kanan ko naman ay aking iniatras, katulad ng itinuro sa'min ni Master Cleya, ang gurong nakaassign para turuan kami ng pagsayaw.

He gently pulled my waist to make our body syncronized. We stepped sideward then repeat from the start. Apat na beses naming inulit iyon at pagkatapos ay hinawakan niya ang likod ko para magsilbing suporta sa sandaling pagliyad ko na akma sa musika.

"That's great, Lady Eraia and Logan," pag-komplimento saamin ng guro na hindi lang namin pinansin at muling binalik ang puwesto noong una. The step were too easy, mabuti na lang at nagkakasundo kami ni Logan at hindi ko siya naaapakan at gano'n din siya.

Surprisingly, Eraia's body is really flexible and graceful when it comes to dancing.

We stopped in the mid air when the music stop. Iyon din ang dulo ng itinuro saamin ng Master Cleya ngayong araw. Sabay naming binitawan ang isa't-isa ni Logan bago humarap sa Guro when she clapped twice.

"Iyon muna ang ituturo ko sainyo ngayong araw at sa ibang araw na lang natin tatapusin ang sayaw. Gusto kong ipaalala sainyo na kapag natapos na natin ang sayaw ay may gaganapin kasiyahan sa loob ng paaralan kung saan 1 ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang lugar. Iyon din ang magsisilbing araw kung kailan kayo magtatanghal," imporma niya sa'min. Inilibot niya ang kaniyang paningin bago magpatuloy. "Tapos na ang ating klase ngayong araw."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinungo ko na ang gamit ko na nasa isang gilid katabi ng kay Logan bago ayusin ang buhok kong nakalugaygay ngayon. Kinuha rin ni Logan ang kaniya.

"You're going straight to elites room?" I asked.

Tumango siya bago ako lingunin. "You?"

Inilingan ko siya para magsilbing sagot. "Dadaan muna ako sa dormitory then to elites room," I answered back.

"Okay. I'll wait for you outside your dormitory," simpleng wika niya.

Tinanguan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Binilisan na namin ang lakad para agad na makarating sa dormitory.

When I entered my room ay agad kong kinuha ang device chip at ilagay iyon sa gamit na dala-dala ko. Hindi na'ko nag-abala pang mag-ayos ng sarili dahil mas importante ang gagawin namin ngayon.

Bago umalis ay siniguro ko munang sarado ang pintuan ng kuwarto ko. Pagkalabas ng dormitory ay namataan ako ni Logan kaya tahimik na kaming dumiretso patungo sa Elites room.

Wala ni isa sa'ming dalawa ang nagsasalita but the silence is somehow comfortable.

Si Logan ang nagbukas ng pintuan ng elites at pinapasok ako. He locked the door when we both entered the room. Naabutan naming nakaupo sa lapag ang mga elites habang may kinakaing kanin, sweets at prutas.

"Andiyan na pala kayo," bungad ni Ashanty.

May inabot si Cooper kay Logan na pagkain. "Sa'yo yan Boss," wika nito.

Logan smirked before nodded at nilagay iyon sa lamesa niya. Pinatong ni Logan ang gamit niya sa kaniyang mesa habang ako naman ay sa sofa.

"Eraia oh," turan ni Elias as he handed me a bowl of sweet corn.

Tinanggap ko iyon pero hindi kinain. Hinintay ko lang silang matapos sa pagkain para makapag-usap-usap na kaming lahat.

Nang matapos sila ay nagsiayos na sila ng upo habang si Calypso ang naglinis ng pinagkainan nila't tinapon iyon sa basurahan na nasa loob ng silid na ito.

I cleared my throat as I revealed the device chip I've found in Eraia's room.

Kunot-noo nilang pinagmamasdan iyon maliban kay Calypso at Logan na nakita na iyon noong nahanap ko ito.

"This is a device chip," umpisa ko. Umupo ako sa lapag katulad nila at nilapag din ang Device chip na hawak-hawak ko. I clicked the button beside the device chip para magbukas iyon. Nakita ko ang pagkamangha sa mga mukha nila matapos na makita ang berdeng ilaw as it formed into a screen or hologram. "It holds a different kind of information and data." I clicked my finger in the mid air dahilan para magbago ang nakalagay sa hologram at iyon ang nakita ko noong unang gumana ito.

I smiled. "As you can see, tinuturo ng device chip na ito kung saan natin matatagpuan ang panibago nating pupuntahan para mahanap ang libro." Nilipat ko ang screen sa letter na nabasa ko. "And that's my hint," patuloy ko.

I chuckled when I remember something. "I guess, Headmaster is not the only one helping us," wika ko sa kanila.

Sabay-sabay na nangunot ang noo nila at handa na sanang magtanong nang may kumatok sa pinto.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko bago senyasan si Calypso na buksan iyon at kahit pa man nagtatakha ay sinunod niya 'ko. There, we saw Hendrix entering the room and the shocking moment? He's with Prince Frost.

I smirked at them before standing up.

Kunot-noo'ng sinarado ni Calypso ang pintuan.

"You must be wondering kung bakit nandito ang Prinsipe Frost," pinasadahan ko ng tingin ang Prinsipe na kunot-noo'ng nakatingin sa'kin. I chuckled before asking him. "Bakit nga ba?" naglalarong turan ko.

"Siya ba anng tumutulong sa'tin?" nagtatakhang tanong ni Ashanty.

Tahimik ko lamang itong nginitian bago umiling at sinagot ang tanong niya. "No. But he knows about that device." Tinuro ko ang device chip atsaka tiningnan ang Prinsipe Frost. "Right?"

Dahan-dahang nawala ang kunot sa noo ng Prince Frost before looking at me too. He nodded before smiled icily. "So you remember now your memories with me?" he asked, more like he stated.

Nagkibit-balikat ako bago umupo sa sofa. "Ang importante ngayon ay kung may pinagsabihan ka ba ng bagay na yan?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya sa'kin. "We promised that we will tell no one about that modern things except the Headmaster, Lady Eraia." He seriously looked into my eyes. All I see was he's tellung the truth.

Bumuntong hininga ako bago tumango. "You can leave now," I dismissed him.

Agad namang natigilan ang mga elites sa sinabi ko habang ito namang si Hendrix ay agad na binuksan ang pintuan at hinila na palabas si Prinsipe Frost. Nang muling pumasok sa loob si Hendrix ay naramdaman ko ang pagbigat ng presensya nitong lugar.

Hendrix closed the door. "Naglagay ako ng barrier sa palibot ng lugar para walang makarinig ng pag-uusapan ninyo," malamig nitong ulat.

Tinanguan ko siya bago pasadahan ng tingin si Logan na kanina pang nakasandal sa kaniyang lamesa. He also looked back when he sense that I'm looking at him. He raised his eyebrow.

"Wala akong tiwala sa kapatid mo, Logan," imporma ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang ngumisi bago magbitiw ng mahinang tawa. "Trust me, Eraia..." He stopped while looking at me intimidately. "Me too."



Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon