Seventy Nine: The Answer

1.9K 131 8
                                    

The Answer

Sabay kaming napalingon ni Blue sa boses na nasa likod namin.

Tila ba napako ako sa kinaroroonan ko nang makita ko si Logan sa likod namin.

Dumagundong ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko dahil sa tinanong niya sa'kin pero minabuti kong ikalma na lang ang sarili dahil wala namang mapapala ang kaba ko.

"Sa susunod ko na lang sasabihin," mahinahong wika ko sa kaniya.

Saglit muna niya 'kong pinakatitigan bago balingan ng tingin saglit si Blue at muli nanamang ibalik ang paningin sa'kin. He sighed as he nodded his head. He plastered a small smile in his lips. "Let's tell our secret in the right time then," wika niya.

Tinanguan ko siya bago bigyan ng isang ngisi sa labi.

"Let's eat. Calypso cook," untag nito.

Nagkatinginan muna kami ni Blue bago nagtanguan sa isa't isa at sumunod na kay Logan na tumalikod na samin para maglakad pabalik sa tinutuluyan namin.

Habang naglalakad ay pasimple akong binulungan ni Blue. "Huwag mo nang itanggi sa'kin na wala kang gusto diyan," bulong niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi mo 'ko naiintindihan Blue. Kung binabase mo lang sa kung paano ako tumingin ang nararamdaman ko ay hinding-hindi mo talaga ako maiintindihan," natatawang wika ko sa kaniya. "I was born to fool people, Blue. You know that because that's my specialty... Our specialty as Cosai," dagdag ko sa kaniya.

Natahimik naman siya at tumango na lang din sa sinabi ko.

Nang makarating sa tinutuluyan namin para sa ngayong araw na ito ay  talaga nga namang si Calypso ang nagluto dahil nakita ko siyang naghahalo pa ng sabaw at tinikman iyon para matantiya kung ayos na ba ang lasa. Nakita ko pa siyang napatango-tango bago patayin na ang apoy at ilagay sa malaking mangkok ang sabaw.

Nakita ko naman sa mahabang lamesa si Hendrix na katabi si Elias at Ashanty na nasa kanan niya. Samantalng si Cooper naman ay katabi ni Ashanty at ang isa pang upuan na katabi ni Cooper ay bakante na wari ko'y doon uupo si Calypso.

NAGING mapayapa ang hapagkainan at hindi na sinubukang ayain ni Blue ang dalawa niyang kasama dahil ayaw niyang maging magulo pa ang hapagkainan. Atsaka raw ay malalaki naman na sila kaya puwede nang pabayaan. Siraulo.

Jinabukasan ay agad kaming sinundo ng isa sa mga tao ni Remzel para magtungo sa kung saan gaganapin nag pagtutunggali naming dalawa.

At dahil puro bestida ang dala kong damit ay pinahiram muna ako ni Ashamty ng damit na magiging kumportable sa'kim para maging maayos ang galaw ko sa magaganap na tunggali.

Naiiling na lang ako sa kanila dahil habang patungo kami sa lugar na gaganapan ay sila pa ang grabe ninenerbyos keysa ako.

Habang naglalakad ay minabuti kong pagmasdan ang paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na reaksyon ko dahil parang ang lugar na ito ay ang may pinakamaliit na pondo ng pera dahil sa mga bitak-bitak na daan. Sira-sirang poste at walang maayos na istraktura ng bahay. Sa madaling salita ay para itong iskuwater na lugar.

Huminto lang kami nang makita na ang field na kasing lawak ng soccer field sa mundo ko.

Nakita ko na doon si Remzel na hinihintay ako.

Bago pa man ako magtungo kay Remzel ay hinarap muna ako ng elites.

"Basta tawagin mo lang kami kapag hjndi mo na kaya ha?" ani ni Cooper. "Ako bahala sa'yo," taas noo'ng dagdag nito na ikinailing ko na lamang dahil sa kalokohan niya.

"Magsitigil na nga kayo. Kakayanin yan ni Eraia. Atsaka nakita naman natin kung paano siya makipaglaban, hindi ba?" ani ni Calypso bago huminga ng malalim na may nababahidan din ng pag-aalala para sa'kin. "Kaya ni Eraia 'to," patuloy nito.

Natahimik naman sila ng panandalian.

Nilingon ko naman si Logan na nasa likod ng Elites. Taimtim niya 'kong pinagmamasdan hanggang sa nagtama ang paningin namin at bahagya niya 'kong binigyan ng isang ngiti. Isang ngiting nagsasabing kakayanin ko ito.

I gave him a nodded, signing that I also agreed that I can do this.

Isa lang naman ang inaalala ko eh. Hindi ko alam kung gaano katagal ang aabutin ng katawang ito sa field na iyon. Oo nga't nakatunggali ko na si Damiana at si Master Claux pero iba ang makakalaban ko ngayon. Isang bandido ang makakalaban ko and I'm expecting that he'll use a trick on me.

Base sa nararamdaman ko ay balak na patagalin ng lalake'ng iyon ang laban hanggang sa mapagod ako at gawin niyang advantage iyon para matalo ako sa laban.

Pero kung mali man ang nararamdaman ko ay nakahanda pa rin naman ako sa mga magiging atake niyang gagawin para sa mamaya.

"Eraia." Nilingon k si Hendrix nang tawagin ako nito gamit sa mababa nitong boses. "Hindi basta-bastang kalaban si Remzel. Madumi siya makipaglaban kaya't nais ko sanang pagbutihan at pag-isipan mo ang mga hakbang na gagawin mo mamaya," paalala niya sa'kin. Natigilan pa'ko nang makita ko ang maliit na ngiti sa labi niya dahilan para makita ko ang biloy sa kaliwang pisnge niya na hindi ko inakalang mayroon pala siya noon. "May tiwala ako sa'yo." As he pulled me in a hug.

Bahagya akong nanigas dahil sa ginawa niya. I actually didn't expect this, him hugging me. Paniguradong natutunan nito ang ganito sa librong pinabasa sa kaniya ni Cooper.

Bago pa man magtagal ang yakap niya sa'kin ay agad na rin siyang humiwalay nang marinig ang mapang-asar na hiyawan ng mga elites.

Ano ka na diyan, Boss?" pagpaparinig ni Ashanty nang may ngiti sa mga labi.

Nailing na lamang si Logan dahil sa sinabi ni Ashanty maging na rin sa mga nanunudyong tingin ni Cooper sa kaniya.

Natawa naman ako kay Blue nang bahagya niya 'kong hinila papalayo kay Hendrix atsaka ako inakbayan. "In case you forgot. The boyfriend is here," seryosong wika ni Blue dahilan para mawala ang ngiti sa labi nila Ashanty at napasimangot.

Umalis na lang ako sa pag-akbay kay Blue bago ito marahang yakapin at agad ding humiwalay bago tumango sa mga elites para magtungo kung saan naroroon si Remzel na mukhang naiinip nang naghihintay.

"Atlast," aniya nang nasa harap niya na'ko. Mapang-insulto itong tumawa na tila nangliliit ng isang nilalang. "Handa ka na bang maiwan dito?"

Instead of getting annoyed. I smiled mischievously. "I'm ready to know the answer, Remzel."

Author's note: Hiii! Thank you for reading this story!

Tanong: May damit po ba sa katawan si Brittany kapag nakikita siya ng mga soul seeker?

Answer: Sa tingin mo? Haha char. Wala po:) Ang nakikita lang po ng soul seeker ay ang mukha ni Eraia and the rest of her body is blurred.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon