Seventy One: Scrumptious Azpiare

2.2K 157 11
                                    

Scrumptious Azpiare

On our way to the next destination ay agad naming hinanda ang sarili dahil hindi raw pangkaraniwan ang susunod naming pupuntahan.

Hindi raw nagpapapasok ng kahit sino ang lugar na iyon that's why we already suspected that this is gonna be a long travel to go.

Sakay-sakay kami sa sasakyan namin. Ngayon naman ay katabi ko si Hendrix na tahimik lang na binabasa ang librong nakita kong binabasa niya noong nakaraan na ngayon ay hindi pa rin niya natatapos.

"Are you enjoying reading the book?" I asked him.

Nilingon niya 'ko bago umiling. "Hindi ko gusto ang librong 'to pero sinabi sa'kin ni Cooper na tapusin ito para raw kahit papaano ay may alam ako sa mga ganito," he said.

I chuckled.

Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa sinabi niya pero hindi ko lang talagang maiwasang mamangha dahil doon.

I rest my head as I closed my eyes.

Gusto ko sanang mamahinga pansamantala ngunit agad din akong napamulat nang muling magsalita si Hendrix sa sinabi ko.

"Naimbestigahan ko na ang pinaiimbestigahan mo sa'kin," pormal na wika nito.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya nakitang kumilos para masabi niyang naimbestigahan niya na.

Dahil sa pagkakakunot ng noo ko ay agad niyang dinagdagan ang sinabi niya. "Habang may kaniya-kaniya kayong ginagawa ay nagpadala ako ng mensahe sa Headmaster para maibestigahan iyon. Nang makarating ang Hesdmaster ay agad niyang ginawa ang pag-iimbestiga at nang malaman kung sino ang may gawa ng pagpapana sa dormitoryo mo ay inulat nito ito sa'kin," turan nito.

Huminga ako ng malalim bago humalukipkip. "So, who's the culprit behind that incident?"

Saglit na natahimik si Hendrix. "Sa ngayon ay hindi ko muna maaaring sabihin sa'yo dahil hinabilin sa'kin ng Headmaster na huwag munang ipaalam," aniya.

Tahimik na lang akong tumango at ipinagkibit-balikat ang sinabi niya. "Okay lang..." I sighed. "And besides, I already have clue. I just need to confirm it."

Tahimik na lang siyang tumango sa sinabi ko na wari'y alam niya nang sasabihin ko iyon.


Nang maggabi ay patuloy pa rin kami sa pagbyahe dahil ang sabi ni Hendrix ay aabutin pa raw kami ng mahigit kumulang dalawang araw patungo roon.

"Ihinto niyo muna yung sasakyan," wika ni Ashanty na mukhang nabuburyo na sa pag-upo. "Ang sakit na ng katawan ko kakaupo," pahabol niya.

Nailing na lang kami at ilang sandali lang ay tuluyan na ngang huminto ang sasakyan.

Nauna nang lumabas si Ashanty bago kami sumunod palabas ng sasakyan. Nakita kong nag-unat-unat muna ang dalaga dahil siguro sa pangangalay ng katawan nito.

Habang ako naman ay sumandal lang sa gilid ng sasakyan bago humalukipkip. Si Hendrix lang ang hindi lumabas sa'min at nagpatuloy lang sa pagbabasa habang nakabukas pa rin ang pintuan ng sasakyan para mahanginan siya.

"Kumain muna kayo," wika ni Calypso sa'min at may ibinigay na tig-iisang tinapay sa'min.

Nangunot ang noo ko matapos na kumagat doon dahil wala akong malasahan. Muli ko itong pinagmasdan at tila napamilyaran sa tinapay.

Saglit na umawang ang labi ko nang maalala ang tinapay na ito na minsan ko nang nabasa sa libro.

An Azpiare bread.

Sikat ang tinapay na ito sa mundong 'to kahit na napakamahal nito. Hindi lang kasi pangkaranariwang tinapay ito dahil kapag titikman mo ito ng walang iniisip na kung ano mang pagkain ay wala itong kalasa-lasa, pero kapag naman inisip mo na gusto mong kainin ay isang masarap na karne o kung ano pa man ay maglalasang ganoon ang tinapay. Ang tinapay kasi na ito ay gawa ng isang potion maker sa lugar na ito. Mahilig din ang potion maker na iyon na gumawa ng mga tinapay kaya naisipan niyang mag-imbento na sa tingin niya ay papatok sa panlasa ng mga nilalang dito. Nang magawa niya ang Azpiare ay agad niyang ipinamana ang recipe na iyon sa kamag-anak niya para magpatuloy ang tinapay sa mga susunod pang henerasyon.

I smirked and shake my head. That potion maker is a genius.

Muli kong nilingon si Hendrix na tahimik lang na kumakain at nagbabasa ng libro. Hindi niya talaga tinitigilan ng pagbabasa kahit na sinabi niyang ayaw niya ng ganoong tema.

Nilapit ko pa ng onti ang sarili para makibasa sa kaniya. Natigilan din ako nang mabasa ang pahinang binabasa niya na naglalaman ng erotica. Saktong nasa parte pa kung saan mismong nagtatalik ang karakter sa kuwento.

Muli akong napailing. Hindi ako makapaniwalang binabasa niya ang ganoong tema habang ang ekspresyon niya ay parang normal lang.

Iniwaksi ko na lang ang isiping iyon at umiwas ng tingin.

Sakto namang nagtama ang paningin namin ni Logan na nakatingin pala sa'kin. I arched my eyebrows when he raised an eyebrow too.

He just rolled his eyes on me bago nagpatuloy sa pagkain niya kaya kinunotan ko na lang siya ng noo bago magpatuloy na rin.

Lumapit sa'kin si Calypso at sumandal din sa gilid mg kotse. "Sinabi na sa'yo ni Logan na gusto ka niya?" tanong niya sa'kin.

Saglit ko siyang nilingon bago nagpatuloy sa pagkain. "Kinda like that," I simply said. "And if you'll asked me if he's courting me, then my answer is no," I continued.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag tango niya. "Hindi ko alam kung nasa tama ba'kong posisyon para sbaihin 'to sa'yo but... Logan has been keeping an eye with you since then. Not like he's stalking you but he just... uhm... like protecting you from danger. Palagi niyang ginagawa kung ano ang makakabuti para sa'yo." He smiled lightly to me. "At bilang matalik na kaibigan ko siya. Nakikiusap akong huwag mong sasaktan yung kaibigan ko," dagdag nito.

Mahina akong natawa sa sinabi niya na para bang isang biro lang iyon. "I'm not a God, Calypso. I might unintentionally or intentionally hurt him. I don't know, I have no idea. We have no idea. And besides, hindi ko prioritize ang pag-ibig. Wala akong plano para sa pag-ibig na yan," wika ko.

Saglit na natahimik si Calypso pero agad ding nagsalita. "Kahit na makuha mo na ang libro?" tnaong nito.

Agad naman akong tumango. "Kahit na nakuha ko na ang libro," sagot ko.

He gave me a slight smile before shaking his head. "Mukhang determinado ka na sa mga tinuran mo," wika niya. "Susuportahan ko na lang kayo sa kung ano mang kahihinatnan niyo," dagdag niya.

I smirked at him. "Yeah, I'll support you too and Aster," I teased.

Natahimik naman siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin sa'kin.

Nakakatawa rin minsan itong si Calypso. Ang galing tumulong sa buhay ng iba pero ang sariling buhay pag-ibig niya ay hindi man lang niya masiayos.

Well... Mahirap nga namang mahulog sa isang taong kaibigan lang ang turing sa'yo.

Pity him.

Author's note: I'll try to update as soon as possible!!!!!

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon