Seventy: The Forgiver

2.2K 157 9
                                    

The Forgiver


Ikatlong Persona

Sinamaan ni Clive ng tingin si Cooper dahil sa ginawa nito na para bang isip-bata. Pero ang binata ay nag-asal lang na parang wala itong ginawa.

Isa pa sa ayaw ni Clive sa binata ay ang mapang-asar nitong ugali na kahit alam niya sa sarili niyang mapang-asar din siya.

Umiwas na lang ng tingin si Clive bago yumukod sa hari. "Greetings to the king of Synvenxia Palace," magalang na turan ni Clive.

Tumango ang hari dahil sa inasal ng isa niya pang anak at wala sa sariling napangiti muli. Mukhang alam niya na kaagad ang pagkakaiba-iba ng ugali ng mga ito kahit na ngayon palang niyang tunay na nakasalamuha ang anak niya bilang isang ama at hindi hari ng palasyo. Natutuwa siya dahil nararamdaman niyang ito pa lang ang simula ng pagiging ama niya sa mga ito. Hindi niya man alam kung paano'ng maging isang mabuting ama ay nais niyang pagsikapan ang ukol sa larangang iyon.

"Mabuti at narito ka, Prinsipe Clive," marahang wika ng hari. "Nais ko sanang ipaalam sa'yo na sa susunod na araw ay gusto kong libre ang oras niyong magkakapatid," wika ng hari.

Natigilan naman si Clive dahil doon at napakunot ang noo. "Bakit po?" kuryosong tanong nito dito.

"Gusto kong magkaroon tayo ng simpleng salo-salo sa dalampasigan ng Caesius... Para na ring magsilbi iyon bilang paghingi ko ng patawad sa inyong mga anak ko dahil alam kong kahit-kailanman ay hindi ako naging mabuting ama sa inyo," ani ng Hari bago tiningnan si Cooper.

Before the king ask Cooper ay agad na umiling si Cooper. "Wala ho akong oras dahil alam kong mas kakailangan ako ni Eraia... Ng mga kaibigan ko," aniya rito.

Ang maliit namang ngiti ni Viorea sa kaniyang labi ay dahan-dahang nawala at napanguso na lang. "Puwede ka naman sigurong sumunod na lang sa kanila, Kuya? Tiyak kong papayagan ka naman ni Prinsesa Eraia," marahang ani ng dalaga. Nais niya talagang makasama muna pansamantala ang kuya niyang nito lang niya nakita.

Huminga ng malalim si Cooper. "Kahit na payagan ako ni Eraia ay hindi pa rin ako sasama Viorea. Dahil hindi ako mapapakali kapag malayo sila sa'kin. Pasensya na talaga, babawi na lang si Kuya, pangako," malambot na wika niya sa kapatid habang hindi iniinda ang titig ng hari at ni Clive.

Malungkot man ay ngumiti muli si Viorea at tumango. "Siguro ay may gusto ka talaga kay Prinsesa Eraia." Binigyan ni Viorea ang kapatid niya ng nanunudyong tingin.

Agad namang umingos si Cooper. "Hindi uy! Gagi, hindi ko gustong makipagkumpetensya kay Boss!" biglang turan niya.

Mahinang natawa naman si Viorea sa kinikilos ng kapatid niyang waring takot na takot na makakumpetensya sa unang prinsipe ng Westland palace.

"Biro lang kuya," natatawang wika ni Viorea rito.

Mahinang natawa na rin si Cooper bago ilang segundo lang ay tumighim na at muling tumingin sa Mahal na hari. "Sa...Sa susunod na lang... Ano..." Pumikit si Cooper ng mariin na para bang nahihirapan siyang ibigkas ang sasabihin. Huminga siya ng malalim bago muling magmulat. "Sa susunod na lang tayo muling mag-usap, A-Ama," naiilang niyang wika. "Babalik ako rito hindi dahil sainyo kun'di dahil sa nag-iisa kong kapatid na babae. Huwag ka sanang umasa na agad kitang mapapatawad. Mauna na ho ako." Bahagyang yumukod si Cooper sa hari at marahan niya munang tinapik sa balikat si Viorea bilang pagpapaalam bago lisanin ang lugar at puntahan ang mga kaibigan biya.

Tila nakahinga siya ng maluwag dahil nakalayo na siya sa nakakasukang lugar na iyon. Kung hindi dahil kay Viorea ay talagang hindi niya kakausapin ang ama niya.

"Kamusta?" bungad sa kaniya ni Calypso na tahimik lang siyang hinihintay katulad ng iba pa nilang kasamahan.

Huminga ng malalim si Cooper at napapagod na basta na lamang bumagsak ng pag-upo. "Tang ina, mga 'tol. Ang hirap pala mag-patawad," naiiling na wika niya't sumandal sa kakahuyang dingding. "Gusto kong patawarin yung ama ko pero hindi pa rin talaga kaya," wika niya.

Sa sandaling pagsasalita niyang iyon ay ramdam na agad ng elites kung gaano'ng nahihirapan si Cooper na magpatawad.

Huminga malalim si Brittany habang pinapanood si Cooper na medyo malayo sa kaniya. Saglit siyang napaisip habang nakatingin sa binsta.

Nararamdaman din kaya ni Eraia ang ganiyan? She asked herself. Hindi siya sigurado kung may tinanim ba miski isang katiting na sama ng loob si Eraia sa magulang niya at kung sakali man, napatawad niya na ba ang magulang niya? O baka ibinaon niga na lang ang sama ng loob na iyon?

How Brittany wish that she can talk to Eraia right now.

Sumagi naman sa isip niya si Dos minsan nang nagsabing may sama ito ng loob sa tatay niya. Ang hirap sigurong makahinga ng maayos kapag may mabigat kang dinadamdam sa dibdib mo.

"May galit ka rin ba sa ama mo?" Brittany suddenly asked Logan na kalapit niya lang.

Nilingon naman siya ni Logan pero hindi ito sumagot kaya nagpatuloy ng pagsasalita si Brittany. "He has another woman after your mom," she stated.

Marahang umiling si Logan. "I understand my Dad. Their love just fade away, like instantly vanished. They both decided to separate in good way."

Mahinang tumawa si Brittany dahil doon at nailing. Mayroon talagang mga pag-ibig na basta nalang naglalaho kahit walang anumang eksaktong dahilan. Hindi niya talaga maintindihan ang pagmamahal, kaya mas minabuti niya na lang na hindi muna indahin ang pag-ibig na iyon.

Saka na. Kapag okay na at kapag puwede pa.

Sa kabilang banda naman ay malungkot na ngumiti si Ashanty habang nakatingin kay Cooper.

She decided to talk too to comfort him. "Mahirap talaga ang magpatawad, Cooper. It takes time. Puwede mo iyong mabigay sa isang linggo, sa isang buwan, isang taon o 'di kaya'y isang dekada pa. Mahirap naman kasing ibigay iyon lalo na kung ang nagawang kasalanan sa'yo ay naging dahilan kung bakit nahirapan kang hanapin ang sarili mo," aniya. Marahan niyang hinaplos ang sariling dibdib bago iduro ito. "Ito lang may kakayahang makapagdikta kung dapat na ba nating patawarin ang isang tao." Before she smiled widely at him.


Author's note: Sorry kung di ako araw-araw nakakapag-ud pero nababawi ko naman ng double ud, righttttt? Ang dami kasing schoolworks and naghahabol din ako ng grades. PUP 4 d win!

Thanks for reading!

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon