Seventy Seven: Remzel

1.8K 140 4
                                    

Remzel

Wala sa sariling natawa ako sa sinabi niya bago napalingon kay Blue na natawa din.

Naiiling na humalukipkip si Blue. "You asked the wrong person, Boy," natatawang ani nito.

Kumunot naman ang noo ng lalake dahil sa sinabi ni Blue pero bago pa man ito makapagsalita ay agad nang pumagitna sa usapan si Hendrix.

"Ako ang kakalaban, Remzel," blangkong wika nito sa tinawag niyang Remzel.

Agad namang umiling ang lalake bago ngumisi. "Teritoryo ko ito kaya ako dapat ang masusunod. Nasa akin ang desisyon Hendrix," ani nito.

Bumuntong hininga si Calypso na nasa malapit lang sa'kin bago napatingin sa gawi ko. Ganoon din ang ginawa ng iba pang elites maging si Hendrix samantalang ang dalawang lalake namang kasama ni Blue ay wala man lang reaksyon sa nagaganap, parang walang pakialam ang dalawang ito. "Kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ni Calypso dito.

Sabay kaming natawa ni Blue at ang huli ay umakbay sa'kin. "Trust her. She's not an easy opponet," may bahid na pagmamalaking wika nito.

Tinarayan ko na lang ang pinsan ko't nailing at bumuntong-hininga. Naglakad ako papalapit sa lalakeng naghamon sa'kin at doon lang napansing hanggang balikat ako nito kaya kahit nakakababa man ay wala akong nagawa kun'di iangat ang paningin rito.

Hindi naman maliit si Eraia. Kuntutuusin ay napakatangkad niya kaya natawag ko siyang diwata noong una kong nakita ang katawan niya. "Sure," sagot ko sa lalakeng nagngangalang Remzel. "Should we start now?" I playfully said.

Kahit malamig ang titig nito sa'kin ay nagagawa pa rin nitong sabayan ng ngisi sa kaniyang labi.

"Ang lakas naman ng loob mong lumapit sa'kin na tila kayang-kaya mo'ko. Samantalang kung pagmamasdan at base sa mga sinasabi ng lahat ay isa kang mahinang nilalang na nagmula lang sa pamilya ng mga Mafioso at maharlika. Kun'di ka lang isang tagapagmana at maharlika ay tuyak kong walang kikilala sa'yo." Binuntutan pa nito ng nakakainsultong tawa.

Imbis na mainis ay sinabayan ko lang rin ang pagtawa niya dahilan kung bakit nahinto siya't kumunot ang noo't inis aking pinagmasdan. "Bakit ka tumatawa?"

Nginitian ko siya ng matamis. "Hindi ba normal sa'yo na tumawa ang isang tao dahil may nakikita siyang isang nilalang na nakakatawa?" I answered back.

Mas lalong akong napangiti nang mas kumunot ang noo niya. "Anong sabi mo?" mariin niyang tanong bago hinila ang kuwelyo ng bestida ko. I chuckled at his behavior.

Pikon.

Unti-unting nawala ang ngiti ko sa'kin labi at napalitan iyon nang blangko kasabay ng paghawak ko sa pulsuhan niya kung saan nakahawak ang kamay niya sa kuwelyo ko. Piniga ko iyon ng mariin, sakto lang para malaman kong luluwag ang pagkakakuwelyo niya sa'kin. "Huwag kang mangliliit ng tao kung pikon ka naman," ani ko sa kaniya kasabay ng pagluwag ng hawak niya sa'kin at ang pagkalas ko rin ng hawak sa kaniyang pala-pulsuhan.

Nakita ko ang bahagyang gulat sa mukha niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kasapi ako ng pamilyang Lavinia. Sa tingin mo ba ay hahayaan naming may maging isang miyembro sa'min na mahina?" Umiling ako. "Hindi. At kahit na hayaan namin, nananalaytay pa rin sa dugo namin ang dugong Lavinia kung saan ipinanganak na upang maging isang malakas na pinuno ng isang lugar." Mabuti at nasikmura ko ang sinabi ko tungkol sa pamilya ni Eraia.

The King must give me a title for this.

Ang gulat sa mga mukha ng lalakeng nasa harapan ko ay napalitan ng isang natutuwang ngiti at ilang sandali lang ay tuluyan na itong natawa. "Nagulat ako sa ipinapakita mo ngayon, Prinsesa." Huminga ito ng malalim. "Gusto ko sanang dagdagan ang sinabi ko kanina. Kapag nanalo ako sa magiging laban nating dalawa ay nais kong maiwan ka dito sa Azzmare, huwag kang mag-alala dahil wala akong masamang gagawin sa'yo, tuturan lang kita kung paanong mamuhay bilang mga katulad naming bandido sa lugar na ito."

I grin at him. "At paano kapag nanalo ako?"

Ang walang buhay niyang mga tingin sa'kin ay agad na napalitan ng isang mysteryosong mga tingin bago ito tumawa ng tila may pagmamalaki. "May ibubunyag akong sikreto na magiging kasagutan mo sa isang tanong na nasa isip mo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Kasagutan.

I know that he mean what he said.

Huminga ako ng malalim bago tumango. "I'm fine with that."

He icily smiled at me bago lingunin muli si Hendrix. "Pumasok muna kayo sa Azzmare. Huwag kayong mag-alala dahil bibigyan ko kayo ng panuluyang tiyak kong magiging maayos para sa inyo."

Lumapit na sa'kin sina Ashanty habang si Blue naman ay muling umakbay sa'kin.

Nilingon ko si Logan na nasa likod lang namin nakapuwesto. Kanina pa ito walang kibo kaya minabuti kong tingnan kung buhay pa ba siya or hindi na.

"May crush ka doon no?" bulong sa'kin ni Blue na alam kong ipinupunto sa'kin ay si Logan.

Inilingan ko siya. "I don't have time for that.," I simply said.

"_Eh paano kapag nakabalik ka na sa katawan mo?" tanong nito. "At paano ka nga pala napunta sa katawang 'to?" mahinang dagdag niya para hindi kami marinig ng lahat.

Inilingan ko siya. "Hindi ko alam. Kaya nga ako naglalakbay dahil para mahanap ang kasagutan sa tanong na iyon." Bumuntong hininga ako. Pero mas lalong dumadami ang katanungan ko habang naglalakbay ako.

Samantalang nang magising ako sa katawang ito ay iilan lang ang mga naging katanungan ko tulad ng kung paanong nangyari ito? Paano ako napunta sa katawan ng diwatang ito?

Hanggang sa nadagdagan ng, "Nasaan ang libro?" "Sino ba ang dapat na kakampi at kaaway dito?" Nakakagulo ng utak at mas lalo na nang muli kong nakita si Kim at Blue.

Muli kong nilingon ang lalakeng puro peklat sa katawan. Kung totoo nga ang sinasabi niya ay sana hindi na mag-iwan pa ng katanungan ang magiging sagot niya dahil kung maging siya ay mag-iwan pa ng tanong ay sisiguruhin kong babalikan ko ang lugar na ito.

Nagtama ang paningin namin ng lalake. He throws an icy gaze on me before smirking.

Lahat ba talaga ng mga lalake'ng nakakasalamuha ko ay mga guwapo? Kahit na itong lalakeng nagngangalang Remzel ay kaunting ayos lang ay tiyak kong guwapo rin.

Like what the fuck? How about in Earth naman?

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon