Forty Seven: Caesius Ocean

3.2K 235 14
                                    

Caesius Ocean

"Where the sky meet the ocean," pagbasa ni Calypso sa hawak-hawak kong papel na kanina ay binigay sa'kin ni Dos na ang sabi'y binigay ko raw ito dati.

Madaling araw na ngayon pero gising na gising pa rin ang diwa namin. Maging sina Ashanty na naligo at nagpagod sa dagat ay gising na gising ngayon dahil sa pinakita ko sa kanilang pahina na punit ang kalahating piraso.

"Bakit ba punit 'to?" nabuburyong wika ni Elias. Kinuha niya sa'kin ang pahina at sobre.

Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya bilang tugon.

Ang sabi sa'kin ni Dos ay hindi naman daw niya binubuksan ang sobre katulad ng instruksiyon ko sa kaniya dati. Maging siya ay nagtakha rin dahil punit iyon. Mukhang wala siyang alam tungkol sa librong iyon... Ewan, hindi ko alam. Napapansin ko kasi sa kaniyang kahit maloko siya ay magaling siyang magtago ng emosyon.

"Ito siguro ang clue kung nasaan ang karugtong nito." Itinuro ni Cooper ang phase na nakalagay sa papel na hawak-hawk ni Elias.

Sumang-ayon naman kami sa kaniya.

"Hindi ang lugar dito ang sinasabi ng salitang iyan. Dahil napapalibutan ng mga lupa ang dagat dito, hindi rin natin nakitang naglapat ang kulay ng langit sa dagat," wika ni Calypso.

"Sa Synvenxia Palace ka, hindi ba?" biglaang tanong ni Summer kay Cooper. Hindi ko alam ang inpormasyong iyon kaya bahagya akong naging interesado. Isa iyon sa madadaanan namin bago tumungo sa eksaktong lugar na itinuturo ng device chip.

Sa pagkakaalam ko ay pagkatapos ng Bayan ng Clor ay ang palasyo na ng Synvenxia ang masusunod.

Natitigilang tumango si Cooper na parang hindi pa sigurado sa isasagot niya. Saglit na nagtama ang paningin namin pero agad niya rin iyon pinutol sa pamamagitan ng pag-iwas. "Hindi ako madalas na pumupunta doon," aniya.

Saglit ko pa sita tiningnan ng taimtim, tinitimbang kung ano ba ang pinapakita niyang emosyon sa amin ngayon. He looks sad while saying that but at the same time I saw disgust, hatred and anger in his eyes. Talaga ngang wala pa'kong alam sa mga buhay nila.

"Hulaan ko... Ikaw si Cooper Ren Walter, tama? Ang black sheep sa Walter," ani nito, may bahid na mapanuya.

Wala namang reaksyon doon si Cooper na para bang hindi siya naaapektuhan sa sinabi ni Summer. "Hindi ako black sheep. Sadyang mali lang talaga ang pinaglalaban ng pamilyang iyon, hindi sila makatarungan," seryosong wika nito wari'y hindi siya ang nakagawian kong palaging maloko kung magsalita at hindi inlulugar ang sarili.

Umupo si Cooper sa sahig at sumandal sa dingding paharap sa'min na nakaupo sa kama.

Bahagyang napatango-tango naman si Summer habang kami ay pare-parehas lang na nakikinig sa dalawa. Ang sabi ni Ashanty ay hindi raw pala-kuwento si Cooper pagdating tungkol sa pamilya niya kaya wala silang masyadong alam maliban na lang sa isa ito sa royalty.

"Sang-ayon ako. Sa tingin ko ay kahit royalty ang pamilya mo, kasing sahol pa rin sila ng ugali ng mga Mafias," saad ni Summer. Dahil sa sinabi niya ay nakatikim siya ng masamang tingin kay Elias, kasapi kasi si Elias sa mga mafias.

"Hindi naman lahat ng Mafia ay masahol ang ugali. Ang imperyo namin ay naiiba sa asal ng imperyo ng ibang angkan. Nagkataon lang na isa kami sa mataas na Mafia empire dahil maayos ang pamamalakad namin sa mga negosyong hawak namin," ani nito, pinagtatanggol ang sinilangan.

Napamaang naman sa kaniya si Summer at siniringan ito. "Paki ko naman sa imperyo niyo. Masasahol pa rin ang ugali ng mga Mafia, palagi nilang inaabuso ang kahinaan ng mga mabababa," matigas na wika ng dalaga na handa nang makipag-away. Napipikon na siya.

Ako rin. Mapipikon na'ko kung hindi pa sila tumigil.

Sinamaan na lang siya ng tingin ni Elias, walang balak na salungatin si Summer.

Huminga ng malalim si Summer para pakalmahin ang sarili bago muli itong magsalita habang ipinalilibot ang paningin sa'min. "Sa pagkakaalam ko ay makikita lang sa dulo ng Synvenxia   ang sinasabi ng mga salitang iyon. Nandoon lang ang natatanging dagat na kung saan nagdudugtong ang langit at tubig," imporma ni Summer.

"Ang dami mong alam ah? Sabagay, gala ka kasi." Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalitang si Dos na basta na lamang pumasok sa bahay-panuluyang nirentahan namin.

May dala-dala siyang tasa at binigay kina Hendrix at Calypso na malapit lang sa kaniya. Kape iyon para pampagising ng diwa namin.

Sinamaan siya ng tingin ni Summer na hindi naman pinansin ng binata.

"Hinahanap niyo ang libro, hindi ba?" tanong nito sa'min gamit ang isang pormal na salita.

Sabay-sabay kaming nagkatinginan ng mga elites at hindi siya sinagot.

Natawa si Dos sa amin. "Don't worry. Safe ang misyon niyo sa'kin," wika nito pero saglit ding natigilan. Napakamot siya sa noo niya. "Actually hindi pala safe kung walang salapi na kapalit." Kinindatan niya kami. "Sasamahan ko na rin kayo para the more the merrier," nakangiting patuloy niya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Sa pagkakaalam ko ay libro ang hahanapin namin pero mukhang nangongolekta kami ngayon ng mga taong may alam ukol sa libro.

"Paano mo nalaman ang libro?" tanong ko sa kaniya.

Binigay niya muna sa'kin ang tasa na may lamang kape bago ako sagutin. "Kuwento sa'kin yon ng Papa ko." He bit his lower lip at humalukipkip na wari'y nag-iisip. "Ang alam ko ay sa'kin niya lang 'yon kinuwento dahil masyado raw sikretibo ang bagay na iyon."

"We can give you money but we can't include you to our journey," pormal na ulat ni Logan, inilagay nito ang parehas na palad sa kaniyang bulsa.

"Ay bakit?" tila nanghihinayang na wika ni Dos.

"Baka kasi maging sagabal ka sa plano namin," wika ko sa kaniya.

Sinamaan naman niya 'ko ng tingin kaya't tinaasan ko siya ng kilay bago siya bahagyang tarayan. Nilingon ko si Summer na tahimik lang na iniinom ang kape ba mukhang may malalim na iniisip. "Ikaw," tawag ko sa kaniya sabay turo.

Nilingon niya 'ko't tinaasan ng kilay. "Oh?" impormal na sagot nito sa'kin.

I slightly chuckled. "Maiwan ka rito sa Bayan ng Clor." Sinenyasan ko si Logan.

Kinuha naman ni Logan ang gamit niya sa gilid at binuksan iyon para kuhanin ang bagay upang mapabilis ang komunikasyon namin.

A cellphone. Da-dalawa lang ang ginawang gano'n ni Eraia at hindi niya iyon tinuro sa headmaster. At dahil ang katawang ito ang may gawa ay may karapatan akong kuhanin iyon sa Headmaster na hindi naman ako tinutulan.

Hinagis sa'kin iyon ni Logan na agad ko naman nasalo at hinagis rin kay Summer.

Kumunot ang noo niya matapos iyong masalo.

"Tuklasin mo na lang kung paano gamitin iyan. Tatawagan kita sa pamamagitan niyan kapag kailangan namin ng tulong." Nilingon ko si Dos, bahagya siyang nginisihan. "Aasahan kong kasama ka ni Summer sa oras na kailanganin namin ng tulong."


Not AOTDE related: Mag-aaral sa UST para mahanap si Sevi:):

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon