Sixty Nine: Warmth

2.2K 147 4
                                    

Warmth



Ikatlong Persona



Nang dumating na sina Hendrix at Elias ay nagsimula nang magseryoso ang atmospera sa pagitan nilang elites at mga maharlika. Seryoso ang naging usapan nila hanggang sa matapos ito. Malaki ang naitulong ng Hari sa kanila dahil mukhang alam na alam nito ang tungkol sa shadows of collosal.

Samantalang si Brittany ay hindi makapaniwalang naiiling na lang sa narinig. Sandali pa silang nagkatinginan ng dalawang reyna at ni Viorea na wari'y iisa lang ang iniisip. Gusto niyang matawa ng sarkastiko dahil sa nalaman niya tungkol sa shadows of collosal but she manage to remain silence.

Matapos noon ay inimbitahan sila ng mahal na hari na sumalo muna sa hapag-kainan nang malamang ngayong araw na rin ang balak nilang paglisan sa lugar ng Synvenxia Palace. Sa una ay nag-alangan pa sila dahil alam naman nila ang magiging hantong ng pagsasalong iyon.

SA KABILANG panig habang nagpapahinga ang elites sa hardin ay minabuting kinausap muna ng hari ang kaniyang dalawang anak na si Cooper at Viorea. Gusto ng hari na bago pa man lumisan ang bunso niyang anak na lalak ay makakasiguro siyang magkikita pa ulit sila nito.

"Kung ang sasabihin mo ay ang nais mong pagbalik sa'kin sa pgiging prinsipe ay hindi ako pumapayag," mariin'g wika ni Cooper. Iyon na ang dati pa man niya naging plano nang nawalan siya ng titulo bilang prinsipe. Hinndi niya kailanman ninais na maging prinsipe pa muli dahil nabuhay naman na siya ng ilang taon nang walang nakakabit sa pangalan niyang 'prinsipe'. "I can live without any title in my name and I don't want to be a prince."

Bumuntong-hininga ang hari.

"A-Ako rin po, Ama. Mas gusto kong hindi nalang maging prinsesa dahil masaya na po ako sa buhay ko ngayon. Mahirap man pong kumayod para sa sarili ko ay mas gugustuhin ko pa rin po ang ganito dahil ibigsabihin ay kaya ko nang tumayo sa sariling paa ko. At isa pa ay nahahalintulad ko rin po ang sarili sa ibang mamamayan sa lugar na ito," marahang wika nito habang may ngiti sa mga labi.

Tahimik na napaisip muna ang Hari bago dahan-dahang tumango sa dalawa. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ng dalawang anak. Kahit na alam niyang may pagkukulang siya sa mga ito ay lumaki pa rin ng maayos ang dalawa. He's proud of them because they are choosing another path than the path he created for them.

"Kung iyan ang nais niyo. Ngunit gusto ko lang sanang sabihin sa inyo na kahit... Kahit hindi ako naging mabuting ama sa inyo ay puwede niyo pa rin akong lapitan at kausapin ukol sa mga problema niyo," marahang ani ng Hari. Sa una ay nag-aalangan pa siyang hawakan ang buhok ni Viorea at tapikin sa balikat si Cooper ngunit kalauna'y ginawa niya rin iyon na nakapagpatigil sa dalawa. "I'm so proud of the two of you."

Sabay na napaiwas ng tingin si Cooper at Viorea sa ama nila dahil sa huli nitong sinabi. Iyon ang salita na hindi nila kailanman inaasahan na manggagaling sa ama nila. Pero iyon din ang salitang matagal na nilang gustong marinig dito. It's heartwhelming but Cooper manage to keep the feeling. Although, Viorea, On the other hand, did the opposite and gave a warm smile to her father before she hug him na ikinabigla ng hari. Pero ang pagkabigla ay unti-unti ring nawala at tinugon ang yakap ni Viorea.

Samantalang si Cooper ay nag-iwas na lang ng tingin dahil hindi niya nanaisin na yakapin din ang Hari. Never in his entire life.

"Inaasahan kong hindi ka lang sana bumawi sa'ming dalawa ni Viorea," ani ni Cooper na dahilan upang maghiwalay ang dalawa at mapatingin sa kaniya. "Hindi lang ho kami ang anak ninyo. Sina Clive rin. Tiyak kong simpleng salita lang na manggagaling sa'yo ay matutuwa na sila because afterall, they tried their best to get notice by you," seryosong ani nito.

Ang akala nilang tatlo ay sila lang ang nakakarinig sa usapan pero ang hindi nila alam ay nakikinig din ang kapatid nila Cooper na si Clive.

Nakasandal si Clive sa puno at nakatalikod sa dalawa niyang kapatid at sa hari na nag-uusap-usap. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga dahil sa sinabi ni Cooper.

Hindi siya makapaniwalang hindi pa rin ito nagbabago. Kahit anong tago nito sa kabutihan at mapagmahal nitong ugali ay hindi pa rin magawa ni Cooper na maitago ang lahat ng iyon. Ang inaasahan ni Clive sa pagbabalik ni Cooper sa Synvenxia palace ay tanging galit lamang ang mararamdaman niya rito ngunit nagkamali siya dahil kahit papaano ay concern pa rin si Cooper sa kanila.

Ang akala niya ay magtatanim ng galit ang binata sa kaniya dahil sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya pero parang hindi naman niya nakikita iyon sa kaniya.

Clive had been treating Cooper bad because he envy him. Dahil kahit papaano ay nararamdaman niya ang pagmamahal ng ina galing sa ikaunang reyna, samantalang siya ay hindi man lang iyon naramdaman sa ina niya.

Gindi naman niya nais na imaltrato si Cooper but he was influence by his own mother who's manipulating and controling him. Nasasakal na siya sa ganoon estado ng buhay niya pero wala siyang magawa dahil gusto niyang maging proud sa kaniya ang ina. At gusto niya ring matuwa rin sa kaniya ang ama.

He sighed.

"How I wish I could bring back the past," he whispered.

Handa na sana siyang umalis sa kinapupuwestuhan niya nang marinig ang sarili niyang pangalan galing sa bibig ng nag-iisa niyang kapatid na si Viorea.

Viorea and Clive never been close. Palaging iniiwasan ni Clive si Viorea kahit na gustong-gusto niya ito makausap palagi. Ayaw niyang makuha ni Viorea ang atensyon ng nanay niya at utusan siyang guluhin ang buhay ng nag-iisa niyang kapatid na lalake.

"Clive," sa puntong ito ay ang hari naman ang tumawag sa pangalan niya kaya wala na siyang nagawa kun'di ang magpakita.

He remain his famous blank stares on them and doesn't say anything.

Pero natigilan din siya nang ngumiti ng marahan si Viorea na tila wala itong galit sa kaniya.

Napatingin naman siya kay Cooper at ganoon nalang uminit ang noo niya ng bigla nitong inilabas ang dila na tila nang-aasar.


Author's note: next update will be later at 11 pm

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon