Chapter 27

1.1M 25.6K 7.9K
                                    

Chapter 27

Alys' Point of View

"Tss." sabi ni Drake.

"Pagod na ko TT^TT" sabi ko tapos naupo ako sa gitna ng mall.

Sabi ko nga, hindi ko kayang libutin sa isang araw ang Mall of Asia.

Nilapitan niya ako tapos naupo siya sa tabi ko, "let's go."

Tinignan ko siya like this >.>

"Pagod na nga ako, Drake Sebastian Palma!"

Bakit nga ba ako napunta kasama ang unggoy na 'to??

//

flashback

"Bakit ba kasi alam ni Sheen yung monthsary namin nung autistic na yun??"

Arghhh!! Kainis naman eh!! Nappressured tuloy ako na mag isip. Kainis naman si Sheen oh! Alam mo yung pilit mong kinakalimutan yung date na yun, tapos ipinaalala niya pa. Huhuhu. Kaya nga 31 para six times a year lang eh, tapos naalala pa yun ni Sheen?

Nahiga muna ako sa kama at nag isip ng possibleng palusot.

A. Umabsent ako bukas?

No. Hindi pwede, Alys. Naalala mo ba nung last time na umabsent ka at nalaman ni mommy na nagsisinungaling ka lang na may lagnat ka? Jusko po, nakakatakot!! No, no. Erase erase yung suggestion na yun.

B. Umarteng hindi naalala?

Bakit ba! Alam naman ni loves na mahina ang memory ko eh. Possible naman na makalimtan ko na 31 pala bukas, di ba? Hehehe. Pwede 'to.

C. Batiin si Drake ng Happy Monthsary??

EW PLEASE NO NO!

Haaay. Bakit nga ba ako napasok sa problema na 'to??

//

"Good morning, mommy," sabi ko tapos humalik ako sa cheeks niya, "daddy," tapos kay daddy naman.

=____=

Ang tahimik sa bahay simula nung pina package sa Amerika yung kutong lupa kong kapatid.

"Are your things packed?" biglang tanong ni mommy after kong maupo sa lamesa at kumuha ng bacon.

"Ano po?"

"Aya called and told me you're sleeping in their house tonight," sabi ni mom habang pinaglalagay si daddy ng pagkain sa plato niya. Eww.

"Ayoko po!!" sabi ko. Geez! Mamaya bangungutin pa ako kasi makikita ko na naman yung mga voodoo doll ni Aya!

"Why?"

"Ayoko po dun, mom."

"But aalis kami ng daddy mo. Wala kang kasama dito," sabi ni mommy.

"San po kayo pupunta?"

"Secret," sabi ni daddy tapos kinindatan niya si mommy. JUSKO PO, LORD.

So, wala akong nagawa kung hindi mag empake ng gamit ko dahil aalis pala ang magulang ko. =___= Dane, bumalik ka na dito!!

//

Binaba ako nila mommy kila Aya. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto niya after kong bumati sa mommy niya. At ang bruha, nakikipagsigawan sa cellphone niya!!

Aya: HINDI NGA!! ... NAPAKAKULIT MONG, PLAYBOY KA!! ... KADIRI KA, PLEASE!! HINDI PORKET INALAGAAN KITA NUNG ISANG ARAW, GIRLFRIEND MO NA AKO!! ... AKO PA TINAKOT MO?? EH DI LIGAWAN MO YUNG NAGKAKA CRUSH SA'YO! ... PWE! EW EW! WAG KA NGANG MAG I LOVE YOU!! ... HINDI YUNG I LOVE YOU!! KADIRI KA! ... ANG GULO MONG KAUSAP, BYE!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon