Chapter 39

1.1M 23.2K 6.3K
                                    

Chapter 39

"H-husband??" tinanong ko si Drake.

Tinaas nung babae sa harap ko yung kilay niya tapos lumapit siya sa amin kahit na mejo iika ika pa siyang maglakad, "yes, my husband. Why are you with him??"

Tinignan ko si Drake, "kasal ka na??"

Nagbuntong hininga siya tapos binuksan niya yung unit niya at hinatak ako papasok, "shut up," sabi niya dun sa babae.

"T-teka nga, sino ka ba?"

"I'm Shaira, Drake's wife."

"Drake?" sabi ko tapos tinignan ko si Drake.

"What?" sabi niya sa akin na parang naiirita na siya.

Wife siya tapos ako girlfriend?? Parang may mali eh!

Tinaas ko din yung kilay ko na mas mataas sa kilay nung 'wife' ni Drake! Akala niya!! Gusto niya magpataasan pa kami ng kilay eh!!

Nagbuntong hininga siya, "why am I even explaining myself," bulong niya. Tumingin siya sa akin tapos kay Shaira, "go home and rest."

Aba't!!

Nagpout naman yung 'wife' niya at tinry na lumapit kay Drake kahit na iika ika siyang maglakad, "I can't sleep eh..."

Problema pa ba ni Drake na boyfriend KO kung hindi siya makatulog?? Ano ba namang babae 'to oh!!

Bakit ba hindi ako makapagsalita at puro comment lang sa isip ang ginagawa ko?? Labo din ng buhay eh!

"Ouch!" sabi niya kasi natapilok siya habang papalapit sa amin ng boyfriend KO. At eto namang boyfriend KO tinulungan si 'wife' na makatayo!! Ano bang nangyayari!! Nagkahiwalay lang kami ng school biglang ganito na!!

"T-thanks, Drake," sabi ni 'wife' tapos tumayo na din siya, "could you please accompany me ba? My ankle is killing me..."

Bumuntong hininga naman ang boyfriend KO at hinawakan niya sa BEWANG yung 'wife' at naglakad sila papunta sa unit na katabi lang ng unit niya!! May conspiracy talaga na nagaganap!!

Ugh!! Nakakainis naman!

Girlfriend ba talaga ako? Oo, alam ko naman na dense at blunt talaga si Drake pero hindi ko inisip na two timer siya!!

Naiwan lang akong nakatayo sa hallway. Great, Alys. Alam mo na mahina yung utak mo pero sa ganitong sitwasyon, sana naman isipin mo din yung pride mo. Uso isave yan pag may pagkakataon...

Pinulot ko yung bag ko na nalaglag ko kanina dahil sa gulat ko sa ginawa ni Drake at nagsimula na akong maglakad papunta sa lift. Ang totoo nga niyang binagalan ko pa yung lakad ko kasi malay ko naman baka maabutan ako ni Drake tapos mag explain siya sa'kin, di ba? Si Drake kasi yan eh, mejo magulo talaga siya kausap. Pero ano'ng nangyare? Walang Drake. Ako lang. Si Alys lang... Siguro dapat masanay na akong mag isa, noh?

Sabi ni Drake ihahatid niya daw ako pauwi sa'min kasi mejo malayo yung bahay namin mula sa condo niya pero baka ako na lang umuwi mag isa kasi busy siya sa 'wife' niya. Ano ba naman ako na girlfriend lang?

Naglakad muna ako bago maghanap ng cab. Buti na lang may town park dito. Naupo muna ako sa swing.

"Bakit naligaw yata dito yung babaeng maarte?"

Napatingin ako sa likod ko kasi may nagsalita, "ikaw pala, Tripp..."

Umupo siya sa katabing swing nung sa akin, "gusto mo?" sabi niya tapos inoffer niya yung frostee niya. Umiling lang ako, "kadiri ka. Nakain mo na yan tapos ibibigay mo sakin??"

Natawa siya, "tama talaga yung tawag ko sa'yo. Babaeng maarte ka nga."

"Tss."

"Bakit ka nga nandito?"

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon