Chapter 34

1.2M 24.2K 6.4K
                                    

Chapter 34

-Alys-

"Drake naman!!" sabi ko kay Drake. Paano ba naman, binalik niya dun sa lalagyan yung choco mallows na kinuha ko!!

"Ako naman ang magbabayad eh. Palagay lang jan sa cart mo!" sabi ko. Kainis naman kasama tong si Drake sa hypermart eh! Napaka health conscious kainis! Ni hindi man lang ako makapag singit ng junk foods o kaya sweets sa cart niya. Puro healthy foods ang laman. My goodness! 

>.>

Tinignan niya lang ako ng masama tapos tinulak niya yung cart papunta sa aisle ng mga tinapay.

=___=

Napaka boring naman kasama nito oh!!

Naglakad ako pabalik sa chocolates tapos kumuha ako ng sarili kong cart. Ha! Feeling niya naman! May pambayad din ako noh!! Akala niya siya lang ang mayaman?? Guzman ako, Perez na, Ferrer pa! Mayaman ako, hindi ba masyadong obvious?? Grrrr!!

Kumuha ako ng sarili kong stocks na hindi ko alam kung paano ko ipupuslit sa bahay namin ng hindi nakikita ni mommy. Feeling health conscious din kasi yun. Mataba kasi. =___=

Choco mallows.

Choco sticks.

Choco pie.

Chocolate bars.

Hehehehehe.

^_____^

Kukuha sana ako ng chocolate wafer ng may biglang humatak sa cute na cute kong nakabraid na buhok!!

Tumingin ako sa likod.

=____=

Sino pa nga ba ang bastos na hahatak sa buhok ko??

"Ano bang problema mo??"

"Tss," sabi niya sabay tingin sa cart ko, "are you trying to get a diabetes?"

"Paki mo ba? Tsaka hindi ko naman yan kakainin sabay sabay eh!"

Iniwan niya yung push cart niya tapos lumapit sa cart ko at binalik sa lalagyan yung mga kinuha ko.

"Drake ano ba!!"

>.>

Tinignan niya ako ng masama tapos binalik niya lahat.

Tig iisa na lang yung natira sa lahat ng kinuha ko.

Huhuhu.

Medyo yumuko siya para magka level kami.

"Stop whining."

"Eh bakit mo ba pinapakailaman yung chocolates ko?? Hindi ko naman pinapakailaman yang mga gulay mo ah??"

Bumuntong hininga siya, "i'm just trying to protect your well being, okay? If you want, i'll buy you chocolates once you finished devouring those.. monsters."

Sabi niya sabay tingin ng nakakadiri sa cart ko na may lamang medyo madami pa naman na chocolates.

"Arte nito! Palibasa hindi ka sweet kaya hindi ka mahilig sa sweets!!"

Nag smirk na naman siya. Jusko. Eto na naman ba yung TDPW??

"Whatever. Let's go," sabi niya sakin sabay hatak papunta sa counter.

WALA MAN LANG NAKAKAKILIG NA LINE?? KAINIS NAMAN OH!!!

Nakapagbayad na kami sa cashier, rather siya lang pala. Nilibre niya ako. Mehehe. Akalain mo, hindi kuripot si Drake??

Nagcab kami pabalik sa condo niya kahit mejo kaya naman to ng walking distance. Hindi naman kami masochista na maglalakad habang may dalang grocery bags, di ba?? Tsaka hihintayin pa namin yung inorder na kama ni Drake na inabot kami ng ilang oras bago napili. Jusko napakaarte ng lalaki na 'to!! Walang panama yung kaartehan ko sa kanya!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon