Chapter 36

1.1M 20.9K 3.1K
                                    

Chapter 36

"Alys, let's go," tawag ni Dana kay Alys. Papunta na kasi sila sa LAX for their flight back to Mnl. Nag stay kasi sila ng two weeks sa LA para bisitahin si Dane.

"Wait, mommy!" sabi ni Alys tapos tumakbo siya papunta sa kwarto ni Dane na kasalukuyang nagsasagot ng homework niya. Grade 8 na kasi 'to sa pinapasukang boarding school.

"What again?" iritadong tanong ni Dane sa ate niya na simula ng dumating sa bahay ng Nana nya ay walang ginawa kung hindi yakapin siya at bwisitin.

"I shall return, Dane my baby brother! Makikilala ko din yang tinatago mong girlfriend!"

Napa sigh si Dane, "you won't see her until you're a freak."

Napangiti si Alys sa response ni Dane, "kaugali mo talaga si Palma. Pakiss nga!" sabi niya sabay pilit halikan si Dane sa pisngi.

"Immoral sister!" sabi ni Dane na nandidiri dahil hinalikan siya ni Alys.

"Hehehe. Bye, Dane! See you soon!"

At pumunta na nga sila sa LAX. The past two weeks were eventful if Drake was with her. Pero anyareh? Oceans apat lang ang drama nila. Nasa LA si Alys at nasa Pilipinas si Drake. Wait, anyareh nga ba kay Drake?

*bzzzz*

Tinatamad na naglakad si Drake papunta sa intercom at nakita niya ang mukha ng isang babae.

"What do you want?"

"You. Can I now have you?"

O______O

Nga nga na lang ako sa fighting spirit ni atey!

"Shut up," sabi ni Drake at pinatayan niya ng intercom yung babae. 

Nag ayos na lang ng gamit si Drake. Pasukan na kasi nila bukas at dapat maayos na ang lahat. Isa pa, ang boring ng araw kasi wala si Alys. Isa pa ulit, ni hindi nga niya alam yung number ni Alys eh. Weird noh?

After 45 minutes, lumabas siya para bumili sana ng makakain ng makita niya ang babae na matagal niyang hindi nakita.

"Missed me, Palma?"

//

"Tripp Marco Palma, nakikinig ka ba sa'kin?!" halos mabigti na yung litid ng tatay ni Tripp kakasigaw sa anak. Naglalaro kasi ng Guitar Hero si Tripp kaya malakas ang tugtog sa entertainment room.

Naglakad yung tatay niya papunta sa main outlet at binunot lahat ng nakasaksak dun.

"Ano ba talaga ang problema mo??" tanong ng tatay niya sa kanya. 

"None of your business, pa."

"Hindi ka na nga nakapasa sa SCA, ganyan pa ang ugali mo! Bakit ka ba ganyan?!" sigaw ng tatay niya sa kanya.

Napuno na si Tripp sa sigaw ng tatay niya kaya binitawan niya yung guitar at tumayo, "kung ayaw mo sa'kin, makipagpalit ka ng anak kay Tito Steve. Or better yet, ibalik mo na ako kay mama!" At naglakad siya paalis ng bahay.

Nagpunta siya sa Brent kung saan siya mag aaral. Hindi kasi siya nakapasa sa SCA kagaya ng gusto ng papa niya. Gusto ng papa niya na magtake siya ng Business Administration kasi siya ang magmamana ng business nila. Ang totoo niyan, Fine Arts ang gusto niya pero ayaw siyang payagan.

Habang naglalakad siya, may nakita siyang babae na naglalakad. Si Alys Zyril Perez. Girlfriend ng pinsan niya na kalaban niya simula pagkabata. Kilala niya si Alys kasi alam niya lahat tungkol kay Drake. Sabi nga nila, 'you must know who your enemies are.'

Sinadya niyang lumapit sa kay Alys kasi mukha siyang naliligaw, "excuse me, Miss, may kailangan ka?"

Tumingin sa kanya si Alys at ngumiti, "saan ba yung Registrar's Office? Nawala ko kasi yung schedule ko para bukas eh.."

"Sarado na yung offices sa campus. Ano bang course mo?"

"Culinary Arts."

Tumango tango si Tripp, "may kakilala ako sa office eh, send ko na lang sa'yo yung schedule mo, gusto mo?"

Ngumiti ng malaki si Alys, "talaga?? Ang bait mo naman!"

"Anything for a pretty lady. Ano nga full name mo pati email add?"

Sinabi ni Alys yung info na hinihingi ni Tripp.

"Salamat talaga ha? Ano nga pangalan mo?"

Inabot ni Tripp yung kamay niya, "Tripp. Tripp Marco," sinadya niyang hindi sabihin ang apelido niya. Hindi naman siya nanloko eh... hindi nga lang din siya nagsabi ng buo.

"Thanks, Tripp!" masayang sabi ni Alys sabay takbo paalis. May jetlag pa din kasi siya pero kailangan niya talaga yung schedule niya. Wala kasi sa website pati hindi niya alam ang number ng admin office. 

'I really approve of your taste, Drake. Magpinsan nga tayo,' Tripp said to himself habang tinitignan si Alys maglakad palayo.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon