Chapter 17

1.1M 23.9K 3.3K
                                    

Chapter 17

Magkatabi pa din si Drake at Alys sa stock room. Hmmm. Rare opportunity kaya ang makasandal sa balikat ng isang persona nongrata na si Drake Palma!

"Sheen.."

Kasalukuyang nagssleep talk si Alys. Haaay. Kawawa naman si Alys, bothered pa din sa sinabi sa kanya ni Sheen kanina. First love nga kasi! Sabi nga nila, delikado ang isang taong sanay na mag isa.. kasi pag may isang tao na nagpakita ng concern, malamang sa malamang, magkakagusto yan. Law of nature, guys. Ganun talaga eh. Kaya nga yung mga heartbroken jan, madalas makahanap ng bago dun sa mga shoulder to cry on. Eh ganun talaga.

"Tsk," sabi ni Drake.

Bukod sa nangangawit na yung balikat niya sa bigat ng ulo ni Alys (at the same time nagtataka din siya kung bakit kasi wala namang laman ang ulo ni Alys), naiinis din siya kasi hindi siya nakasama sa Japan. Nandito pa din siya sa St. Claire's! Tinignan niya yung wrist watch niya, 4 a.m. na din pala. Konting oras na lang, sisikat na ang araw.

Naramdaman niyang nilalamig si Alys, medyo nanginginig kasi eh. August na din kasi, malapit na ang -ber months kaya siguro malamig na. Dahan dahan niyang inalis yung coat niya tapos pinatong kay Alys. Ingat na ingat si Drake! Baka kasi kung ano na naman ang mahawakan niya tapos kung anu ano na naman ang ibintang sa kanya ni Alys!

'Weird na babae," sabi ni Drake kay Alys.

Pero sus! Natuwa naman si Drake kay Alys dun sa mga sinabi niya kagabi.

**

6 a.m.

Alys' Point of View

(-_-)

Bakit parang gumagalaw ako?

(-_-)

Bakit magalaw?

(~_^)

(^_~)

(O.O)

"Drake?!!"

Hala, hala! Bakit naka piggyback ride ako kay Drake Palma??! Oh noes! Tsaka umaga na ah! Hala!! Papagalitan ako ni mommy at daddy! Sabi ko past 12 lang ako sa acquaintance party eh!! Kainis naman! 

"Sssh," sabi ni Drake.

"Bakit mo ako buhat?" tanong ko sa kanya. Bakit naman niya nga kasi ako buhat, di ba?? Alam ko sweet yun, hihihi, pero ang weird kasi! Sino nga ba ang kasama ko kagabi?? Yung Neil na yun!! Yung megalomaniac na Neil na yun! Grrrr. Pagkatapos niyang hawak hawakan ang perlas ko, iiwanan niya ako sa stockroom tapos magigising na lang ako na buhat ako ni Drake pauwi ng bahay??

"Aray!" napasigaw ako. Bitiwan daw ba ako?? "Bakit mo naman ako hinulog??"

"You're noisy," sabi niya.

"Sana sinabi mo man lang bago mo ginawa!! Grr," sabi ko habang hawak hawak yung pang upo ko. Ang sakit. -////-

Naupo ulit siya sa harap ko, "hop on."

"Tch," sabi ko tapos sumakay ako sa kanya ulit. Pasalamat siya ang sakit nung pagkakabagsak ko kaya hindi ako makalakad!! Hindi talaga gentleman 'tong lalaking 'to!! Paano kaya kung nabalian ako sa ginawa niya?? Okay lang. At least hindi ako papasok ng ilang araw. No physics, no calculus, no trigo. Wehehe.

"Ah-ah," sabi ni Drake, "what the hell?! Are you trying to kill me?!"

O.O

"Ha??" i asked. Ano na naman ang ginawa ko? \(o.o)/

"You wanna suffocate me to death??"

Napatingin ako, hawak niya yung leeg niya. Nasakal ko ba siya??? Oh noes! May tendency ba ako na manakal unconsciously?? Kailangan ko na nga yatang magpatingin sa shrink. Delikado na ako!!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon