Chapter 18

1.1M 26.1K 10.7K
                                    

Chapter18

Alys' Point of View

"M-mommy?" 

*sign of the cross*

"Ano'ng oras na, Alys Zyril Perez?"

*hingang malalim*

Shet! Hindi nga ako marunong magbasa ng oras!! Bakit naman kasi ngayon pa naisipan ni mommy magtanong!! Nappressure ako! Oh god!!

"Drake, ano'ng oras na?"

"Tss. 6:15," sabi niya.

Tumingin ako kay mommy, "6:15 na d-daw po."

Lord, guide my mother. Give her guidance and providence. Let her see the light.

"Oras ba yan ng uwi ng matinong babae?"

"Di ba po mas okay na yun kaysa ginabi ako? Hehe," sabi ko. Tumalab ka, ka cute-an ko!!

"Pasok sa loob," sabi ni mommy.

Goodbye, gaming consoles. I will see you again very soon. Kapag siguro pasado ako sa second grading mababawi ko din kayo kay mommy. Sigurado icconfiscate niya yun lahat. -_-

Naglalakad na ako papasok. Nakatingin ako kay Daddy. Haaay. Takot din kasi si Daddy kay mommy. Sabagay, sino bang hindi? Hehehe.

"Where do you think you are going?" patay. Nag English na si mommy, "what's your name?"

Napatingin ako sa likod. Hala! Kausap ni mommy si Drake!!

"Drake Palma," sabi ni Drake.

Eh bakit ang cool pa din niya sa harap ng mommy ko?? It's unfair!! Ako nga kulang na lang maihi sa kaba tapos siya ganun pa din?? Parang normal lang??

"Very well, come inside as well, Mr. Palma. My husband and i would like to clarify some things with you," sabi ni mom.

Lord, ikaw na po ang bahala sa akin.

**

Eydee's Point of View

Papasok na sa loob ng bahay sila Drake at Alys. Kung alam niyo lang kung paano kabahan si Alys! Halos hindi na siya makalakad sa sobrang kaba! Hahaha!

Si Drake? Sus! Hindi yan kinakabahan! Bakit? Eh sanay na yang makipag usap sa magulang eh. Alam niyo naman ang charisma ni Drake, umaapaw. Partida, tahimik pa siya sa lagay na yan. Sanay na kasi siya. Dati, dun sa dati niyang school, bigla na lang siyang hahatakin ng babae. Tapos magugulat na lang siya nasa bahay na siya at nakaupo sa dining table kausap yung mgaluang ng babae. Nung una, nagulat siya. Pero nasanay na din siya katagalan. Hatak ng hatak sa kanya eh. Tahimik na lang siya kaysa makarating kay Katrina. Mahirap na, gulo na naman yun pag nagkataon.

Nakarating sila sa receiving area ng bahay nila Alys.

"Upo," sabi ng mommy ni Alys.

Tahimik na naupo si Alys at Drake.

"Bakit ngayon lang kayo nakauwi?" tanong ng mommy ni Alys.

Kabadong nagsalita si Alys, "ah eh, nalock po ako sa stockroom. Pero hindi ko po kasama si Drake, promise!! Nagulat lang ako na buhat niya ako kanina, mommy!! Wag kang magalit. Waaaah."

Bumaling ang mommy ni Alys kay Drake, "totoo ba yun? Hindi kayo magkasama kagabi?"

Umiling si Drake.

Napa gasp naman ang mommy ni Alys! Patay tayo jan! Umandar na naman ang playful side ni Drake. Ano kaya ang binabalak niya? Hmm.

"Alys Zyril Perez, kailan ka pa natutong magsinungaling?!"

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon