Chapter 24

1.2M 26.7K 7.6K
                                    

Chapter 24

"A-ano namang tanong yan, Sheen?" kinakabahan na tanong ni Alys. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ni Sheen.

"Wala lang, gusto ko lang malaman kung ano ba talaga kayo ni Drake," sabi ni Sheen. Di ba nga kaya lang naman naging si Alys at Drake ay dahil sa pakiusap ni Sheen noon kay Alys? Kaya hindi din siya sigurado sa sarili niya kung totoo ba na mahal nga ni Alys si Drake.

"Bakit mo gustong malaman?" tanong naman ni Alys.

Ang totoo niyan, gustong malaman ni Sheen kung ano ba talaga ang namamagitan kay Alys at Drake dahil sa pakiusap ng ex niyang si Kei. Kung mahal nga talaga ni Alys si Drake, wala naman siyang magagawa, di ba? Kahit anong pakiusap ni Kei, hindi niya papakielamanan yung dalawa kasi ginagalang niya ang desisyon ni Alys.. Pero kung hindi naman niya pala mahal, gagawa siya ng paraan para maghiwalay yung dalawa.. Kasi ayaw niyang mapunta si Alys sa kagaya lang ni Drake..

"Basta, Alys.. Ano nga? Ano ba si Drake sa'yo?"

Huminga ng malalim si Alys. 

Eto na.

Wala ng atrasan 'to.

"Boyfriend ko. Ano ba, Sheen. Malapit na nga kaming magtwo months eh!" sabi niya sabay ngiti ng pilit.

=___=

Sige lang, Alys Perez. Lokohin mo lang si Sheen at ang sarili mo? Well, ewan ko din. Wala ka nga bang nararamdaman kay Drake? Eh mukhang dumadalas na ang palpitations mo eh. Hmmm.

"Ah, talaga?" sabi ni Sheen.

Ngumiti ng pilit na pilit si Alys. Well, ngayon natuklasan na natin kung saan magaling si Alys, sa drama. Sablay man siya sa math, science, at english, maganda naman siya at artista lang ang peg. Bawing bawi! Hahaha!

**

Alys' Point of View

"Oo nga. Tsk. Best friend," sabi ko although it really hurts na i emphasize yung salitang 'best friend,' "ano bang ibibigay ko kay Drake?"

Yuck!!

Bakit ko naman bibigyan ng kahit na ano ang kissing sungit na yun??

Over my dead and alluring body!!

"Ah eh, libro na lang siguro? Hindi naman ata mahilig sa ibang bagay yun eh.." sabi ni loves.

Haaay. Kung kami lang sana, eh di siya ang binibigyan ko ng regalo. Pero last na 'to, Alys. After nito, mag momove on na ako kay loves. At bakit naman ako mag mmove on?? Hindi naman naging kami eh!!

"Ah, sige. Thanks, Sheen," sabi ko.

Ngumiti lang si Sheen. Ayoko na siyang tawaging loves. Sheen na lang simula ngayon. Go, Alys! Dami pang boys jan. Makakahanap din ako. Ang ganda ko kaya!!

"Sige, alis na ako," sabi niya.

Hinatid ko siya sa gate tapos umalis na siya. Haaay, Sheen. Sabi nga nila, 'i will find somebody to love someday but you will never find anyone who can love you the way i did.' Ang dami kong drama dahil sa kanya! Hindi bagay sa akin. Tss. 

-kinabukasan-

"Alis na ko, mommy," sabi ko tapos kinuha ko na yung baon ko. Hehehe. Balik na sa dati ang allowance ko.

Pagdating ko sa school, normal lang naman. Ganun pa din. Hay. Ang boring ng buhay ko. 

=___=

Lakad. Lakad. Lakad.

"Booooo!!"

O__________O

"Aaaaaaaaack!! Aya naman!" sabi ko sabay hawak sa dibdib. Sino'ng nagsabing boring?? Wala!! Hindi boring ang buhay ko dahil may best friend akong baliw. =___=

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon