Chapter 15

1.2M 25.9K 13K
                                    

Chapter 15

Aya's Point of View

Leshe!!!

Nakakinis talaga 'tong kutong lupa na 'to ha!! Kanina pa ako sinusundan! Kainis! At ang kapal lang talaga ng mukha niya para landiin ako sa harap ko! Grabe sa kakapalan ng mukha ang Kent Justin Valdez na 'to. Hindi ko maarok!!

"Bee, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya sa akin habang nakapatong yung ulo niya sa table at yung mata niya nakatingin sa akin. Akala niya siguro cute siya tignan. Please lang, mahabag. (-_-)

"Wag ka nga! Hindi ako si Bee, ako si Aya," sabi ko. Halata naman na hindi na ako sumisigaw, di ba?? Hindi na kaya ng powers ko! For the past hour, kanina ko pa siya sinisigawan. Hindi na keri ng vocal prowess ko. Baka mapaos ako ng wala sa oras dahil sa kutong lupa na ito.

"Ikaw nga si Bee.. cos i'm your honey.."

O________________O

"YUNG TOTOO, ANO'NG PROBLEMA MO?" tanong ko ng pasigaw. Oh, good Lord!! Ano bang nagawa ko nung nakaraang buhay ko para parusahan niyo ako ng ganito??

Tumawa naman siya, "chill lang, Aya babes. Magkka wrinkles ka ng wala sa oras eh," sabi niya.

Napa sign of the cross ako sa harap niya.

"Hahaha! Grabe ka naman kung makapag sign of the cross, Bee. Hindi naman ako engkanto," sabi niya tapos nag pout.

Oh Lord, patigilin mo po siyang mag pout, please!!

--------------------

Eydee's Point of View

"Pupuntahan ko lang si Kei. Wish me luck, Alys!" sabi ni Sheen kay Alys habang naglalakad siya papunta kay Kei.

Nagmukmok naman si Alys sa garden ng school nila. Ano nga bang gagawin niya eh balak tanungin ni Sheen ngayon si Kei kung papayag ba siyang maging sila ulit.

Minsan nakakainis ding maging best friend.. lalo na kung gusto mo yung best friend mo. Bakit? Kasi mataas ang expectation niya sa'yo kasi nga best friend ka niya. Pag kaibigan lang wala namang expectations, pero pag best friend ka? Dapat gusto mo yung the best for him.. kahit ikaw yung masasaktan. Siguro dapat tawagin ding martyr sila kasi mahirap magpanggap na masaya ka kahit sa totoo lang, gustung gusto mo ng umiyak.

At iyan ang nararamdaman ni Alys habang tinitignan niyang lumalapit si Sheen kay Kei.. Ang sakit eh.. Tagos.

-Sheen and Kei-

"Kei?" tawag ni Sheen kay Kei.

Balak niyang makipagbalikan ngayon. Sayang naman kasi, mag aaniversary na sila next month kung hindi lang sila nagbreak last month. Ang tagal din nila, ang daming pinagsamahan. Sayang kung masasayang lang basta basta. At saka mahal niya talaga si Kei eh..

Lumingon naman si Kei, kausap niya kasi yung mga kaibigan niya, "what?" mataray na sagot niya.

"Can we talk?"

"About what?" naiirita na si Kei dahil lagi na lang nakikipag balikan sa kanya si Sheen. Tapos na sila. Over. Gusto naman niya talaga si Sheen. Aabot ba sila ng almost a year kung hindi? Ang lagay lang, nagsasawa na siya. Sabihin niyo ng masama siya pero ganun talaga, madali siyang magsawa. Kahit sa damit, sa kanta, sa gadgets, o kahit pa sa boyfriend madali siyang ma bore. Ganun lang din ang nangyari kay Sheen. No more, no less.

"About us," sabi ni Sheen habang nakatingin sa mata niya.

Bumuntong hininga si Kei, "fine. Meet me at the pavillion," sabi niya.

Umalis si Sheen ng masaya kasi umaasa siya na magiging sila ulit. Mahal niya talaga si Kei at gagawin niya lahat para pasayahin 'to.

"Sheen.." sabi ni Kei.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon